Chapter 12

1241 Words

Aki's Point Of View Pinilit kong matulog kagabi kahit na hirap na hirap akong dalawin ng antok. Kaya heto't kinabukasan ay para akong lantang gulay at hirap na idilat ang mga mata. Napapadalas ang puyat ko at hindi na maganda sa kalusugan ko 'to. Hindi ko naman 'to kasalanan, kasalanan ito ni Hugo. "Bakit para kang zombie, Kuya?" Tumingin ako kay Amie at pareho sila ng kakambal na tumatawa. Inirapan ko sila at tumingin kay Mama na nakaupo na sa kanyang puwesto. "May zombie bang bakla, 'Ma?" tanong ko. Ngumuso ako at tinusok ang hotdog sa aking plato. "Ewan ko sa inyong tatlo! Bilisan niyo na riyan kumain dahil may klase pa kayo." Hindi na kami sumagot dahil itinuon na namin sarili sa pagkain. Natapos kaming kumain at sabay-sabay na kaming umalis ng bahay. Si Mama ay sa trabaho ang pun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD