Aki's Point of View "Are you my new yaya po?" Gulat na gulat ako sa sinabi ng batang 'to. Nasa kusina kami ngayon at hindi naman malala ang lagnat nito. Sinisipon lang at medyo mainit ang katawan pero kaya naman niyang gumalaw. Kanina habang naghihintay ako sala na lumabas si Hugo dahil sabi niya'y mag-uusap pa raw kaming dalawa. Bigla siyang lumabas bitbit ang anak nitong nakasuot ng pajama na terno't bagay na bagay sa kanya. Nagulat ang bata nang makita niya ako at tinanong ang Ama kung sino ako pero hindi siya sinagot ni Hugo. Kaya heto't ako ang tinatanong ng bata habang nakaupo ito sa upuang matangkad. May hawak siyang dinosaur sa kanang kamay at fried chicken naman sa kabila. Nakuha niya sa Ama ang pagiging manly ng itsura pero ang singkit nitong mga mata ay sa tingin ko'y sa Ina n

