Aki's Point of View "Bababa ako!" sabi ko nang makalabas kami sa campus. Nasa loob pa rin ako ng kanyang kotse. Pero imbes na sagutin niya ako'y nagpatuloy ang kanyang kotse sa pagmamaneho. "Sa'n mo ba ako dadalhin?" Tumingin ako rito at nakatuon lang ang pansin niya sa harapan. Nakikita ko ang side profile niya at ang tangos ng kanyang ilong. Ang pilik mata niya'y hindi naman mahahaba pero may kakapalan ito ng konte at ang kilay rin niyang makapal na nakadagdag sa kanyang kaguwapuhan. Hindi ko makita ang sugat nito sa pisngi dahil nas kabila iyon ng kanyang mukha. "Stop staring at me!" bigla nitong sabi kaya napaiwas naman ako nang tingin. Naramdaman kong namula ang magkabila kong pisngi. Tumingin na lang ako sa labas kung saan naroroon ang iba't ibang buildings at mga kotseng nag-uuna

