Chapter 4

2758 Words
THIRD PERSON'S POV Pilit nyang inaabot ang Tanging liwanag na nakikita nya habang tumatakbo sa deriksyong iyon. Ilang milya na ba ang natatakbo nya? Ilan pa bang hakbang ang gagawin nya upang maabot lang iyon? Mga bagay na iniisip nya. ICARUS'S POV Maraming araw ang lumilipas. Patuloy ko pa ring Pinagmamasdan at sinunundan ang babaeng nasa tabi ko ngayon. "Nyx" tawag ko sa pangalan nya. "ano? -___-" umay nyang tanong sa akin. "kamusta ka na?" tumingin lang sya sa akin saka nag kibit balikat "ewan ko sayo" bakit ako ang tinatanong eh sya ang nag mamay-ari ng katawan nya? Hinawakan ko ang buhok nya at hinaplos iyon. Hindi na sya nag reklamo. Siguro nasanay na sya. Kinuha ko ang suklay sa bag ko. pumwesto ako sa likod nya at doon umupo para suklayan sya. Nasa tagong part kami ng garden pala ngayon para mapag isa este mapag dalawa. Lunch time kaya ito dito kami tumatambay. "tigilan mo ang buhok ko Feist" hay naku. Sya na ngang sinusuklayam eh. "susuklayan kita. Wag kang magulo" medyo galit ako ng konti sa tono ko para masindak naman sya kahit papaano. Natutuwa kase talaga ako sa mahaba nyang buhok eh. Ang ganda ganda at ang lambot. Hindi lang sya marunong mag suklay kaya magulo. Lagi ko na tong ginagawa simula nung mahawakan ko yung buhok nya. Lagi ko ng sinuklay. "para kang baliw! Bitawan mo nga ang buhok ko!" inilihis nya ang ulo nya dahilan para mabitawan ko ang buhok nya. Pero dahil makulit ako. Hinapit ko ang bewang nya at nilapit sa akin. Magaan lang naman si Nyx kaya mabilis bitbitin at buhatin. Hindi nga mahihirapan ang kikidnap sa kanya eh. "tsk, nag pupumiglas pa eh" pinabayaan nya na lang akong suklayin ang buhok nya. Naadik na ata ako kay Nyx. Para syang drugs na ang hirap pakawalan at layuan. Maingat kong sinusuklayan ang buhok nya. Naamoy ko ang Mabangong amoy nun. Ibinaba ko ang suklay na hawak ko at tahimik na inaayos ang buhok nya. "Feist itigil mo na yan!... Feist! Feist!" ang ingay naman nya. "ssshhhhhh... Nag ko concentrate ako sa ginagawa ko, ang ingay mo" I braiding her hair but I can't concentrate kase ang ingay nya. Matatapos na ako sa pag tirintas ng mahaba nyang buhok. "may Rio ka?" inabot nya sa akin ang isang rubber band. "wag yan nakakasira ng Buhok yan eh" "ang arte parehas lang naman yan eh!" hay naku! "hawakan mo toh." Inabot ko sa kanya yung dulo ng buhok nya. Hinalungkat ko ang loob ng bag ko. Ang alam ko may mga rio ako dito eh. Ayon! "tada! Meron ako" pinakita ko pa sa kanya yung hawak kong mga rio. "kamag anak ka ba ni Doraemon?" tanong nya. "sino yun?" tanong ko ulit. Tumingin sya sa akin. "yung blue na pusa, yung may magic na bulsa. Yung kaibigan ni Nobita" hindi ko talaga yun kilala "movie ba yun?" hindi na lang sya ulit nag salita. "si Hello Kitty lang ang kilala kong pusa atsaka si Tom and Jerry at tsaka si Oggy" tinali ko na yung buhok nya. "si Tom lang. Daga si Jerry" yun na din yun. Hindi ko naman sila gusto eh. "Hindi ako mahilig sa mga pusa kaya di ko alam yun. Basta ang alam ko Dinosaur si Barney" "anong kinalaman ni Barney sa usapan natin?" tanong nya. "syempre favorite ko sya. Ina isolate mo sya ah!" kaya nga Violet ang bag ko eh. Pati mga note book ko. Sya din Cover photo ko sa sss at Twitter. Sya din ang wallpaper ko sa cp. "parang baliw" narinig namin ang bell. Hudyat na mag uumpisa na ang classes. Inawakan ko sya sa kamay para alalayang tumayo. Pinagpag nya ang jeans. Inabot ko ang bag nya. "tara na" anyaya ko. "oo" sumunod ako sa kanya pagkatapos nya akong lampasan. Nasa kalagitnaan kami ng daan papuntang classroom ng hinarang kami ng 4 na lalaki. Naka varsity jacket sila for Basket ball team. "Hi Nyx..." in seducing tone. "Kamusta naman ang maganda kong pinsan?" hinawakan nya sa baba si Nyx. Pero mabilis nya iyong hinampas. Hahaha buti nga! "I really love you when you're resisting... Hindi ko tuloy mapigilan mag isip kung paano pag nasa kama na tayo" tinignan nya si Nyx mula ulo hanggang paa. Tila hinuhubaran na nya sa mga tingin pa lang. This f*****g jerk! Dumidilim na ang paligid ko at gusto ko na syang suntukin. Pero pilit kong pinipigil ang sarili ko. Nakita ko ang ilang members ng Lucifer sa paligid. Nakatingin sila sa akin. Nag hihintay lang at binabantayan ako. Lalapit sana sila sa amin nung makitang kinuyom ko ang kamao ko. Pero tinignan ko sila kaya hindi na nila tinuloy ang pag lapit. I took a deep breath. Just to control myself. I don't want to show the demon me in front of her. I need to behave at dilikado din sa kalusugan ko ang pag wawala. "hanggang dito ba naman Ethan ipapakita mo ang kalibugan mo?" ⊙_⊙ nagulat ako kay Nyx. "kung ayaw mong putulin ko Yang leeg mo umalis ka sa daan ko." nakakatakot sya. "one kiss and I let you go" he bit his lip. Mukha syang tuko. "Nyx mag uumpisa na yung 4th subject, tara na" hinawakan ko ang kamay nya at hihila sya. "can't you see we're talking asshole?" huh? Ako ba ang kinakausap nya. Nilingon ko yung Pinsan ni Nyx. "are you talking to me jerk?" humigpit ang hawak ni Nyx sa kamay ko. Gusto nyang umalis na kami pero hindi pa pwede. Masamang tumalikod sa kausap. Binitiwan ko ang kamay ni Nyx . Hinarap ko yunh pinsan nya para makapag usap kami ng maayos. Na alarma ang Lucifers. Nakita ko na palit sila ng palapit sa pwesto namin. Naka hahanda sa kung ano ang mang yayari. Ang babait talaga ng mga tauhan ko. Masyasong nag aalala sa boss nila. "Did you just called me jerk, don't you?" I just shrugged my shoulder. ┐('д`)┌ "want me to repeat it?" tanong ko. Nilapit nya ang mukha nya sa akin. Seriously? Gusto nya akong halikan. I give him an annoying look. Kung gusto mo akong suntukin, suntukin mo ako hindi yung makikipag titigan ka pa sa akin. Pinalibutan ako ng tatlo nyang kasama. Nilapitan ng isang lalaki si Nyx, isa sya sa Member ng Lucifers. Ginawa nya iyon upang ilayo si Nyx. Ayaw kong masaktan Sya dito. Pinalagutok ko ang kamay ko using my thumb. I miss how to punch. "hindi ka din mayabang eh noh--" bago pa nya natapos ang pag sasalita sinuntok ko na sya. Ayaw kong nakikipag kwentuhan. Ilabas mo kung anong meron ka gago. Sunod sunod na suntok ang ibinigay ko hanggang sa matumba kami. Wala akong pake kung sino ang nakakakita, kung nasaan kami. Ipapakita ko kung gaano ako kalakas. Tama. I will show to her that I can protect her. Tang ina lumaban ka!!!! Hahaha Hahaha Hahaha Hahaha. Nababalutan ang kamao ko ng dugo nya. Ipapabawi ko sayo ang mga sinabi mo kay Nyx. Bawiin mo! Bawiin mo! Bawiin mo! "bawiin mo!" sigaw ko sa mukha nya. Hindi ko sya tinitigilan. He can't even punch me. At pag katapos ano? Ang lakas ng loob nyang bastusin si Nyx ng ganun! Sa harap ko? Hahaha this f*****g dickhead. "Lower your head bastart" I look at him emotionless and mercilessly. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. Susuntukin ko rin sana yung Gumawa nun pero nunh tumingin ako sa kanya... Si Nyx pala. "Susuntukin mo din ako?" huh? Napansin ko na naka amba pala ang kamao ko sa kanya. Mabilis ko itong ibinaba. "hindi ah!" tumayo ako at inayos ang sarili. Tumingin ako sa paligid doon ka lang na realize na ang dami na palang tao. Yung mag teacher, students, security guards... Lahat sila nandoon. Nakatingin sa akin. Bakas ang takot sa mukha. I looked again to this guy na nakahiga pa din at naliligo sa sarili nyang dugo na halos wala nang buhay. Imagine him and Nyx in one bed having messy and dirty things. Like what he said earlier. There's an urges that I want to kill him. As in now, in front of everyone... Front of her. But I can't do that. I looked at her worrying if she's angry, afraid or what ever. But in my surprise... There's nothing. Gaya ng dati wala syang pake. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. "halika na, Ipapa guidance kita" sabi nya. "okay." yun lang sagot ko at sumunod ako sa kanya. "hawakan mo din ang kamay ko tulad ng ginagawa ko sayo" tumingin lang sya sa akin. "but you're not resisting so why should I? -____-" "ayoko ko na palang pumuntang guidance?!!" inaabot ko ang kamay ko sa kanya. "ang sabi ko ayaw ko nang pumuntang guidance!!!!!" pero pilit ko pa ding inaabotang kamay ko sa kanya. "Fine. Fine. Fine" kinuha nya ang kamay ko at hinala ako. Ayaw ko ng hawak nya sa akin kaya inalis ko iyon at pinagdikit ang mga palad namin. HHWWPSSP ang theme namin. (holding hands while walking pa sway sway pa) ♡(∩o∩)♡ hohoho Pero di ko mapigilan mag isip kung ano ang tumatakbo sa isip nya about kanina. "Nyx..." hindi sya nag salita "about sa nangyari--" pinutol nya ang sasabihin ko. "let's not talk about that" Napabuntong hininga ako. "okay" tahimik kaming nag lalakad. =0= "BOSS!!! nabalitaan namin yung nangyari sa MU. Ayos ka lang ba? May nangyari ba sayo? Yung puso mo???????" sabay sabay na nag sasalita sila Dart, Tori, Ylona, Yuna At Angel. Di ko alam kung sino ang una kung sasagutin. "anak ng! Boss naman dapat pinabayaan mo muna at tinawag mo sa amin para kami na ang bahala sa gago na yun! " -Angel " nga naman boss, may mga tauhan naman tayo doon ah! Bat hindi mo sa kanila pinabanat!?" -Tori "Eh papaano boss kung inataki ka ng sakit mo boss? Huh? Huu? Huh? Bangkay kang uuwi sa sa bahay nyo?" -Dart "sino ba kase ang dahilan ng g**o na yun? At saan makikita ang hayop na yun? Bubutasin ko ang dibdib nya at gigilitan ko sya ng leeg!" -Yuna "boss naman! Di ka nag iingat eh! Lagi ka na lang ganyan! Di ba sinabi ng doctor na masama sayo ang ma stress? Masama din ang magalit! Nag papakamatay ka ba huh?" -Ylona Grabe naman sila. Ang OA. (・'з'・) Paulit ulit na lang ang sinasabi nila. Ang importante di ako inatake at buhay pa ako. "namiss ko kase eh" sabay sabay silang tumingin sa akin. "sorry na.." nakita ko na may tumAtawag sa akin sa phone. Naku si Mom. I answered it. "Hello?~" "go home now baby" hay si mom talaga. "opo" sagot ko. I ended the call. "pinapauwi na ako." kinuha ko ang bag at tumayo. "saan kayo pupunta?" tanong ko dahil naka sunod na din sila sa akin dala ang kani kanilang bag. "ihahatid ka hanggang bahay nyo" sabay sabay sila sa pag salita. "okay" sagot ko na lang at hinayaan sila. =0= "son!" si papa yun. Nasa gate palang kami nila Dart. Pero inaabangan pala nila kami sa pinto. "Pa!... Pasok kayo?" yaya ko sa kanila. "hindi na boss uwi na kami. Bye bye na tita, tito,! Una na kami" paalam nila. "wag bata pa kayo!" sabi ko. Saka nag tawanan sila. "Ikaw din naman eh!" sabi ni Tori habang tumawa. "una una lang yan. Sige ingat kayo!" I wave my hand saying goodbye to them. saka ako pumasok sa loob ng bahay. "nabalitaan namin ang nangyari sa school nyo. Are you alright son? " ayan agad ang bungad ni Papa. "How's your breathing kanina baby? Okay lang ba? Huh? Dadalahin ka namin sa hospital ngayon para mapa check up ka!" si Mom naman yan. "kuya! Pinag alala mo kami ng sobra! Tara na sa hospital ipapa gamot na kita!!!" hinila ako ng 5 years old kong Kapatid pero binuhat ko lang sya. Habang tumatawa. Ang OA talaga nila. "son! Careful put down your brother. He's heavy. Bawal sayo mag buhat ng mabibigat" grabe naman toh si papa. "opo" binaba ko si Rainzel. "halika na baby aalis na tayo" wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila. =0= "breath in... Breath out..." tinanggal ng doctor ang stet sa dibdib ko at tenga nya. Tinignan nya ang X-ray result at iba pang mga papel sa harap nya. Saka binigay anh diagnosis. "well... Base po sa mga results, ay normal pa din yung puso nya. Wala pong pinag bago. Ganun pa din ang rhythm ng heart beat nya. Iwasan na lang natin yung nangyari kanina Icarus. Dahil pag naulit pa iyon baka hindi ka na swertihen gaya ngayon... Lagi kang iinom ng gamot, wag kang iinom ng ---" pinutol ang sasabihin nya. Dahil lagi ko nang nila inuulit ang mga iyon. "kabisado ka na po yan Hahaha pwede na po kaming umuwi?" bago pa sya sumagot ay tumayo na ako. At nag paalam. Lumabas ako ng office ni Doc. Habang nag lalakad ako sa hallway ng hospital ay may narinig ako. "WALA KA TALAGANG KWENTANG BATA KA! SALOT KA SA BUHAY NAMIN! IKAW ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT NAPAHAMAK ANG PINSAN MO! MALANDI KA KASE!!! BWISIT KA! MALAS KA! MALAS! MAG SAMA KAYO NG HAYOP NA LALAKING GUMAWA NUN SA ANAK KO! MAMATAY KA NA! P*TANG *NA KA!" sigaw nung may katandaan ng babae. Nakakahiya naman sya hindi nya ba alam na pinag titinginan ma sya ng mga tao. Napaka eskandalosa naman. "Son... Icarus?" lumingon ako sa papa ko na inakbayan ako. "Baby halika na. Wag na tayong makialam jn. Ma e stress ka lang jn." Ganun din si mom. "okay.." pero bago ako tumalikod at mag patuloy sa pag lalakad ay nahagip ng mata ko yung babaeng kanina nya pa binubulyawan ,tinatanggap lang nito ang sampal, sipa, sabunot at nakakasukang mga salita sa harap ng maraming tao dito sa ospital. I stunned when I realized who's that girl. I immediately looked back. "Nyx" I whispered unconsciously. "who?..." I didn't answer my mom's question, I just walked forward as fast as I can. "son!" "baby" "kuya" I didn't notice their calls. All I want is to grab her hand and rescue her. NYX'S POV "WALA KA TALAGANG KWENTANG BATA KA! SALOT KA SA BUHAY NAMIN! IKAW ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT NAPAHAMAK ANG PINSAN MO! MALANDI KA KASE!!! BWISIT KA! MALAS KA! MALAS! MAG SAMA KAYO NG HAYOP NA LALAKING GUMAWA NUN SA ANAK KO! MAMATAY KA NA! P*TANG *NA KA!" sigaw nya sa harap ko. Lagi na lang ganito. Tumahik ka na. Gusto kong sumigaw. Gusto kong mag walked out pero di ko magawa. Nag mamanhid ang mga paa ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Maluwag kong tinatanggap ang bawat salita at hampas nya sa akin. Pero bakit ganun? Hindi naman ako ganito dati. Kaya kong lumaban sa kanya. Kaya kong pag baksakan sya ng pinto. Pero ngayon? Bakit hindi? 'Feist! Feist!' Pilit na sumisigaw ang nasa loob ko. Calling his name. But why? Not now Nyx. Not Now. 'then fight her!' pero bakit? Nakayuko lang ako habang pinapalo nya ako sa ibat ibaibang parte ng katawan ko. Tulad lang din kapag nasa school ako. Walang pag babago sa kin. I smirked. Nakakaawa ako "aba't tumatawa ka pa talagang salot ka!" yeah maybe you're right about that. Salot nga siguro ako. Pupukpukin nya na sana ako sa ulo ng Alfumbra na tsinelas ng tito ko. Pero... May humila sa kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Sya ang sumalo ng palo na yun. I heard him moaned because of pain. "at sino ka namang tarantado ka! Bitawan mo ang malanding yan!" sunod sunod ang palong natanggap nya kay Auntie. "I'm here" bulong nya. Feist... Ang init sa pakiramdam ng yakap nya. "hey! Old woman! Stop hurting my baby" sigaw nung babae na papalapit. Pero ang lambinh lambingpa din ng boses nya. Tumigil si auntie sa pag palo kay Feist at itinoon ang atensyon sa babaeng kakalapit lang. "Hon..." pinipigilan sya ng matanggad na lalaki. Pinaningkitan nya ng mata si auntie. Mama sya ni Feist. Im sure of that. "you! Wrinkled lady... How dare you hurting my son!?" Nakapamewang pa sya. "don't mind them" nakayakap pa din si Fiest sa akin. Pero di ko mapigilan na tumingin sa mama nya. Napangiti ako. Hindi nakakatakot ang mama nya. Ang cute kaya. "hoooooooon~ lets go home ('∀`)♡" papa nya ba ito? Bakit parang Natutuwa pa ang papa nya? Nag pipigil kase ng tawa ito. Well. Ang cute kase ng mama ni Feist. Hay... To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD