NYX'S POV
Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng Van nila Feist habang tumatakbo ito.
** Earlier in Hospital **
Nag aaway ang mama ni Feist at si Auntie.
Hanggang sa pinaalis kami Ni auntie. "lumayas na kayo sa harap ko! Isama nyo na ang peste na babaeng yan" dinuro nya pa ako.
"Oo talaga! Ampalaya!" humakbang ang mama ni Feist at hinila na kaming dalawa. Sumunod ang papa nya na hawak ang isang cute na ba.
Isasama nila ako sa bahay nila ngayon para doon na daw ako kumain. Tumanggi ako pero 4 silang nag pumilit sa akin.
"haay" malapit na buntong hinanga ang inilabas ko.
Hanggang ngayon umaalingawngaw sa utak ko yung lahat ng sinabi ni Auntie sa akin. Specially yung salitang salot.
She's right. Malas ako. Malas sa buhay ng lahat. Isang kaawa awang nilalang.
Maiinit na kamay ang Naramdaman kong humawak sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Nag aalala ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
"Nyx..." basag ang boses nya.
"I'm fine." saka ulit tumingin sa labas. Hinawakan nya ako sa bewang at hinila papunta sa kanya.
"ano ka ba?!" pilit kong inaalis ang pagkakahawak nya sa bewang ko. Pero niyakap nya ako... At binaon ang mukha nya sa leeg ko.
"kung ano man ang sinabi sayo ng Auntie mo... Wag kang maniniwala sa kanya. Hindi yun totoo. Hindi ka malas. O kahit salot... Sabihin mo sa akin na hindi ka naniniwala sa kanya"
"pero... Lahat yun totoo. Noon pa Feist. Si Auntie lang ang nag mulat sa akin ng katotohang iyon. Matagal ko nang tinanggap ang bagay na yun" Hindi sya nag salita. Nakayap lang sa akin.
Bakit ko ba sya hinahayaang yakapin ako? Hawakan ako? Dahil lang ba sa ngiti ng araw na yun?
Bakit ba?
Bumigat na sya sa balikat ko. "Feist?..." hindi sya sumasagot.
"tulog na po sya ate Nyx" nang ganun kabilis "mabilis lang po kase makatulog si Kuya eh" dugtong ni Little Feist.
Marahan akong sumandal para hindi naman ako mangalay at baka bumagsak pa ang ulo nya.
"Uum... Sir--"
"call me Papa" nagulat ako sa sinabi nya. Seriously? "huh?" pag lilinaw ko. "you're my sons Girlfriend, so call me papa" pinalo sya sa braso ng mama ni Feist na nakaupo sa passenger's seat. "hon... Ano ka ba... Eh di ba di nya nga alam na Girlfriend sya ni Icarus?" bulong nya dito. Pero na dinig ko pa din.
"ay oo nga pala.. Sorry hon" humarap sa akin ang mama ni Feist. "ahahahaha... Pasensyahan mo na Nyx ang papa mo huh. Joke nya lang yun kanina hahahahaha ang galing mong mag joke hon!" sabay silang tumawa. "by the way call me mama from now on okay." she tap my head. "say mama?" huh? Umiling ako. "ma... Ma... Come on don't be shy... Ma... Ma"
-____-
"no" - ako
She pout. At umupo ng maayos. "masasanay ka din..." bulong ng mama nya.
I don't think so.
Unti Unti ng bumabagsak ang mata ko sa antok. Gabi na din kase talaga.
=0=
Naramdaman ko ang malambot na higaan. Napaka comfortable at ang bango bango ng mala ulap sa lambot na unan at kumot.
Mabango din naman ang kwarto ko pero hindi ganitong amoy. Matamis kase ang amoy ng kwarto ko pero dito... Ito... Ibang iba. Amoy panlalaki...
Umikot ako ng pwesto may nakapa ako kaya hinapin ko yun palapit sa akin at niyakap.
Ang bago...
Mas lalo ko pang binaon ang mukha ko dun. Para mas malanghap iyon. May mabigat na bagay ang dumagan sa akin... At hinapit ako palapit sa kanya. At niyakap ako ng mahigpit. The reason why I moaned. Ang higpit kase ng yakap nya sa akin.
*chuckles*
Huh? What was that sound?
Nawala iyon, and then sumikip ulit yung yakap sa akin. I moaned again.
*chuckles*
I slowly open my eyes. Pag mulat ko sya ang nasa harap ko. He's wearing his winning smile. Napakalapit ng mukha nya sa akin. Para akong nanaginip, parang hindi totoo, this is to good to be true. Hanggang panaginip ba naman Feist sa panaginip ko susulpot ka.
Nakatitig Lang ako sa kanya. Ganun dim sya sa akin. Parang naka lock yung mga mata ko. Hindi ako maka kurap, at hindi ko maalis ang pagtitig ko sa mga asul nyang mata. Para syang anghel sa mga mata ko. Tinutunaw ako ng mga iyon. Pinapasok nya ang loob ko. Ang kaloob looban ko.
"Good morning Sleeping Beauty" he said. Hindi pa din ako nag salita. "Okay lang sa akin na ganito tayo buong mag damag" inaalala ko ang nangyari kanina. Then... Anak ng... Napabangon ako sa kama.
Doon lang nag synced in sa utak ko ang lahat. Nasa bahay ako ni Feist, nasa kwarto nya ako, mag katabi kami, magkayakap kami, at HINDI ito panaginip.
Bumangon din sya. "tara sa baba, kain tayo Nyx. Nagugutom na ako eh kanina pa kita hinihintay gumising"
"uuwi na ako" tatayo na ako at mag lalakad pa labas. "ayaw." hinawakan nya ang kamay ko para pigilan akong umalis. nag iisip bata na naman sya. Ang baliw na toh.
Hinila ko ang kamay ko pero mahigpit ang hawak nya. Kelan ko ba mababawi ang kamay ko pag hawak nya? Letche na!
"ayaw nga sabi eh pag nag pumilit ka pa..." hinigit nya ako palapit sa kanya at mahigpit akong niyakap. "hahalikan kita..." parang may malakas na bultahe ang dumaloy sa buong katawan ko ng idikit nya ang mga labi nya sa tenga ko.
Para akong tinamaan ng maraming kidlat sa kinatatayuan ko. And this is really strange to me. Ngayon ko lang ito Naramdaman buong buhay ko maliban na lang sa pagdikit ko dati sa saksakan.
Ang weird.
*chuckles*
Ang lalaking toh! Pinag titripan na naman ako!! Mabilis nya akong binitawan sa pag kakayap. Pero hinila nya na ako palabas ng kwarto nya. Bakit ba napaka comfortable ng hawak nya? Ang sarap sa pakiramdam ng init na na nag mumula sa balat nya.
ICARUS'S POV
Hinawakan ko ng madiin ang kamay nya. Yung tipong hindi nya makukuha pa balik.
Bawal akong mag mahal...
Bawal akong makaramdam nun...
Bawal ang sobrang emosyon...
Dahil makakasama sa palala ng palala ko ng kalagayan...
I'm aware of that... Kaya nga wala akong minahal for to long. But may Nyx na dumating kaya di ko mapigilan. I really love her so much. That much...
*alaala*
"Baby uminom ka na ng gamot mo" hindi ko pinakinggan si mama. Mamatay din naman ako eh kaya bakit pa. Sa seminteryo rin ang tuloy ko. "sige lang ma" sabi ko sa kanya.
"lagi ka na lang nag e skip ng schedule mo... Anak naman kelan ka ba titino sa pag inom ng gamot! Gusto mo bang atakihin ka? Huh?" ang Oa na naman.
Dati bago ko pa nakilala si Nyx tanggap ko na na mamatay ako. That's why hindi ako umiinom ng gamot sa tamang oras but then.. One day...
"son here's your med. Take it--" natulala si papa dahil hindi na ako nag reklamo at ininom ko na lang yun. "Thank you Pa... May problema ba?" nakakunot pa ang noo ko...
"anong hangin ang nag tulak sayo? Para inumin yun!" nag tataka si papa sa akin so ako naman. Nag kwento ako about kay Nyx. "Son... Alam mo naman na... Bawal yan di ba?" paalala nya.
"Pero pa I can't help it... Bigla ko na lang Naramdaman. Pinigilan ko naman eh. Pero sa tuwing nakikita ko yung mga mata nya... Sa tuwing nagtatama yung mga mata namin... A feeling ko hindi lang ako ang hinihigop nun kundi pati ang puso ko... Para tuloy gusto ko pang mabuhay ng matagal ng matagal para makasama sya at mas makilala pa. I want to hold her hands kahit buong araw, buong buwan at kahit buong taon... Yun lang Pa" napatingin ako kay papa pag katapos kong ma imagine yun. His smiling... "Ganyan ang Naramdaman ko sa mommy mo. No doubt... Binata ka nga. Kaya hindi ako mag tataka kung isang araw papayag ka na mag pa heart transplant." Napangiti na lang ako.
*End*
Nakaupo ako habang si Nyx ang nag lalagay ng mga plato. Dapat ako talaga ang gagawa nun pero sabi nya.
"ako na! Ako na nga ang nakikikain at nakitulog eh ako pa pag sisilbihan! Umupo ka na nga lang"
Ang sipag din nya ano. Napaka wife material.
"Thank you" hindi man lang sya ngumiti "tsk" lang ang sinabi nya. "kumain na tayo" ang saya ko. Midnight snack kasama si Nyx. Matutulog kasama si Nyx haha heaven knows!!!
"Um Nyx... Tutal sabado bukas... Pwede bang... Samahan mo ako mag Mall" wala naman akong bibilihim eh. Gusto ko lang sya kasama. "please.."
*puppy eyes*
"tsk! Ayaw." halaaaaaaaa!
"Nyx sige na! Please 100 times na please." nag puppy eyes ulit ako.
"Fine!" yes!
"Dito ka na matulog!"
"hell no"
"Heaven Yes"
*Glare*
*puppy eyes*
"Fine tsk"
"HEAVEN Yes!" then kumain na kami ng sabay. Ang cute nya.
Excited na ako para bukas.