YUNA'S POV
Grabe talaga yung nangyari kagabi ang sakit sa tiyan dahil sa tawa.
"Yuna!!!" huh? Sino na naman kaya ayun. Ang aga aga nangbubulahaw.
Lumingon ako para makita ko yung tumawag...
Si Annie.. Isa sa mga classmates ko dito sa st. Bernadette and... AND... patay na patay sya kay Tori.
St. Bernadette to Buencomino University... Ang layo kaya... Pero putik nakakaabot hanggang dito ang kalandian ng Doratorio na yun.
( ̄へ ̄)
"Good Morning Yuna... Umm.. Pwedeng sumabay?" tumango bilang tugon. "umm... Yuna? K-kamusta si T-Tori?" sabi na nga ba eh...
"Ayun sa awa ni god humihinga pa" sa araw araw si Tori na lang ang bukang bibig.
"aahhh ganun ba?" tumango ulit ako. "huh? A-ano yan?" inabot ko sa kanya ang isang Elmo cookie. Mahilig kase si Tori sa Sesame Street. Kaya ayan binigyan ko sya.
"Sesame Street" sabi ko
"huh?" - Annie
"manood ka ng Sesame Street" nakita ko ang pagtataka sa mukha nya "ah basta manood ka nun" mabait naman talaga si Annie eh kaso di sila bagay.
Langit si Annie lupa si Tori ay mali hampas lupa pala.
Maganda si Annie... Matalino, mabait, mahinhin, elegante, mayumi, at lahat ng magandang katangian na pwede sa isang babae.
Samantalang si Tori naman...
( ̄へ ̄)
*Imagination*
"Yuna!!! Yung pagkain ko!!!!" -masiba
"HAHAHAHAHAHAHA" - maingay at maharot
"[may kausap sa phone] yes Kitten my baby... Oo sige mamaya kita tayo Sunduin kita sa inyo ah... Ahaha... Gusto mo sa hotel agad ang deretso natin?..." - malandi
Pag nakakita ng sexy at magandang babAe "hi my lady..." lalapit sya sa babae tapos hahalik sa kamay na akala mo prinsipe pero mangkukulam pala "My name is Tori... Mukhang nag iisa ka ah... Tulungan na kita, hindi kase bagay sa isang magandang babae ang nag bubuhat ng mabibigat" - bolero numero uno.
Babaero...
Lapitin talaga ng mga babae ang mokong.
*End*
Isip bata...
Makulit...
Lakas mang-asar...
Basagulero...
Pero lapitin pa din ng mga babae...
Babae na nga ang nanliligaw sa kanya eh...
Ewan ko ba sa lalaking yun.
Pinaglihi ata sa pheromones eh.
Tumingin ako kay Annie...
Naawa ako sa kanya...
Magkaibang mag kaib---
Eh????????
⊙_⊙
"TAMA!!!!" nagulat si Annie sa biglang pag sigaw ko. Hehehe sorry naman...
"may problema ba Yuna?" hinawakan ko ang dalawa nyang kamay.
"opposite attract!!! Tama!" sa physics... Ang magnet binubuo ng negative at positive tapos hinahatak ng positive si negative...
Ibig sabihin... Dapat maakit ni Annie si Tori!!! Baka sakaling maging matino na ang gagong yun!
Ang galing ko talaga...
"a-a-ano bang sinasabi mo jn?"
"annie! Sumama ka sa akin mamaya huh! Mag dedecorate tayo ng simbahan para sa simbang gabi. Okay lang ba?" tumango naman sya kaya very good!
Ito ang Una kong hakbang patungo sa daan ng pagiging matino ni DORATORIO!!!!!
Umaapoy na ako sa tindi ng determination ko! (๑و•̀ω•́)و
"ito oh!" binigyan ko sa kanya ang cookies na binake ko kagabi.
"Yuna!!" Pasaway talaga, kinakausap pA nga sya ng captain nila umalis na agad sya. Quintin tala.... "Good morning Yuna, good morning Annie" kinuha nya ang dala kong paper bag.
"pffft!!"
"may problema ba?" tanong nilang Dalawa
Huminto muna ako sa isang light post at dun kumuha ng pwersa para makatayo. Hawak ko ang bibig ko para hindi mapalakas ang Tawa ko.
Naalala ko na naman yung kagabi. "hahahahaha" hindi ko mapigil yung tawa ko tuwing napapatingin ako kay Quentin. Ang epic ng mukha nya kagabi.
Σ (゚Д゚;) «---( ganyan )
Pero kahit ganun ang cute nya pa din. Umayos na ako ng tayo. At humingi ng "sorry..."
-_-|| «---( ganyan lang amg tingin nila sa Kin.
"ang aga aga tinatakot mo kami" nahalata ko ang eyebag Nya. Aba bago yan ah! Mukhng hindi sya nakatulog. "bakit ba ang hypa mo ngayon? Naka limang enervon ka na naman?" hinampas ko ang braso ni Quentin.
"nanood ako ng horror kagabi eh... Tapos yung isang lalaki Kamukha mo... Ang ganda kaya. Tapos haunted asyl--" hinwakan nya ang ulo nya tapos
"please... Pakiusap... Parang Awa mo na... Utang na loob... Wag mo nang ipaalala ang bangungot na iyon..." na mutla sya bigla.
"pinapak ka ba ng lamok? Naubos na yung dugo mo Quentin"
Tumingin sya sa ibang direction.
Nakita ko ang pamumula nya and at the Same time yung kahihiyan na may kasamang takot.
Hinawakan ko ang noo nya "may lagnat ka ba?" baka mamaya nilalagnat na pala toh sa sobrang takot dahil kagabi. Umiling lang sya. "may nangyari ba sayo kagabi huh?"
Mabilis syang umiling "w-w-w-w-wala a-ah!!! Ha ha ha ha ha... B-binangungot lang ako kagabi yun lanv talaga yun"
Nakakatuwa talaga ang taong toh...
"kung nauna ka lang talaga Quen" malamang sinagot na kita umpisa pa lang na nanligaw ka.
"ano yun?"
"noh annie?" tanong ko kay Annie.
"oo" kahit hindi nya alam ang tinutukoy ko. Natatawa lang sya sa amin ni Quen.
Kahit sino kaseng babae hindi magsisisi sa kanya.
Mabait
Sweet
Gentleman
Matalino
Fair
Sensitive lalo na pagdating sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Hindi makasarili
Adik lang talaga sa computer... Lalo na sa garena. Hindi sa Dota pero sa PB or Point Blank. Gumagastos para lang sa larong yun.
"ano nga yun? (๑•́ ₃ •̀๑)"
"wala nga" yan na nag uumpisa na syang mangulit. "andito na kami sa room bumalik ka na sa practice nyo. Loko ka" pumasok na kami sa room ni Annie.
"Yun... Yung paper bag mo" inabot nya sa akin yung bibit nya.
"sayo yan, just to say sorry" gumuhit yung mga linya sa noo nya...
"sorry para saan?... (・'з'・)"
"basta..." papasok na sana ako pero
"para saan nga?..." bumalik ako sa harap nya at hinablot yung paper bag. Pero kinuha nya ulit. "ayaw mo di ba?"
"Gusto ko!!! Akin na!!! Σ(っ°Д °; )っ" hindi ko binitiwan yung paper bag. "Yun! Akin toh sabi mo eh" hindi nya hinihila ng sobrang lakas pero gusto nyang Makuha
"hatakin mo" mabilis syang umiling
"masasaktan ka kapag na pwersa kita. Bitiwan mo na..." wala pag-asa.
Siguro kung alam nya lang na ako yung na ako yung hinipuan ni Ethan kagabi malamang galit na galit na sya. "Hindi na ako mangungulit... Sige na bitaw na. Sorry" inalis ko ma ang kamay ko sa paper bag. "Thank you.. Sige na pasok na. Bye"
Ang taong toh..
Ginulo ko ang buhok nya. "bye" pumasok na ako room at umupo.
*Lecture Time* *last class*
"Miss Murray... State the 8 subdivision of Zoology" tanong sa akin ng Professor namin.
"the 8 subdivision of Zoology are Entomology the study of insect, Herpetology the study of amphibians and reptiles, ichthyology the study of fishes, mammalogy study of mammals, ornithology study of birds, protozoology study of protozoa, helminthology the study of worms, and the last is malacology the study of mollusk" sagot ko sa tanong.
Bawal ang aanga anga sa Biology class ni Ma'am, sabi nya kase pag hindi namin nasagot kahit isa sa tanong nya ida dissect nya daw kami. At idi display nya yun mga laman namin sa Laboratory ng school.
Syempre ayaw kong mangyare. Kahit sabihin nyo pang inuuto lang kami ni ma'am. Sabi nga nila yung ibang mga biro may halong katotohanan.
"Very good" nakangiti sa akin si Ma'am kaya umupo na ako. "miss Calida? Are you with us?" lahat kami tumingin sa isa naming classmate. Tulala kase sya.
"may Cardio myophaty ma'am si Candace ngayon hahahaha" sigaw ng isa naming classmate
"hahahaha" tawanan tuloy ang lahat pati na rin ako.
Kung nagtataka kayo kung ano yun.
Hahahaha Broken hearted syndrome po iyon.
Pina sosyal lang dahil sa medical Term.
*RIIIIIIIIING*
Tumayo ma kami lahat.
"teka..." umupo muna kami. "just want to inform you meron tayong quiz tomorrow---" hindi natapos si ma'am dahil sa reaction namin
"aaaaaahhh" dismayadong reaction ng lahat.
"tapos na ba ako?... Ang makaka perfect ng test bukas excepted na sa periodical test sa akin. And yung magkakaroon ng 1 mistake plus 50%, ang 5 MISTAKES 30% plus sa periodical Exam natin... SIGE NA UWI NA! LAYAS! Class remember di porket niyaya ng gwapo o maganda sasama ma agad huh!"
"grab the opportunity daw ma'am"
"masama daw pong tumanggi sa grasya"
Mga baliw... Hahaha
"hindi po dapat pinapalampas ang ganun" sigaw ko. "lalo na pag may abs"
"eh kaso abs din pala ang hanap" banat ni Ma'am.
Base on experience ba yun?
Hahahaha
Lumabas na kami ng room. Naka abang na si Quen sa pinto.
"Yuna Boyfriend mo" pinalo ko yung classmate ko na lalaki "aw... Biro lang eh!"
"parang timang... Uwi agad huh! Wag sa sogo ang deretso" bilin ko
"pfft! Hahaha yes Division leader Yuna" pasaway talaga ang mga members na toh
"salamat sa cookies miss Yuna!! ヾ(≧▽≦*)o ingat po" lagi ko kase sila binigyan ng cookies, lahat ng lalaki na classmate ko kasali sa Lucifer.
Kumaway lang ako sa kanila habang tumatakbo sila palayo.
"tara na?" tumingin ako kay Quen
"teka si Annie pa..."
"si Annie?" kinuha nga ang sling bag ko para sya ang magbuhat. Tumango naman ako "bakit?"
"sasama kase sya sa akin sa simbahan, mag a-arrange kami eh simbang gabi na mamaya"
"aaah.. Oo nga, makikita at maririnig na naman kitang kumanta..."
"tss... PAramg sira..." lumapit na sa amin si Annie
"sorry sa paghihintay..." si Annie ang nagsalita
"akin na yan" kinuha ni Quen ang dalawang naglalakihang libro na bitbit ni Annie.
"Thank you Quentin" malambing na sabi ni Annie
"Welcome" ngumiti naman sya.
Naglakad na kami papunta sa parking lot. Dun kase naghihintay ang kotse ni Tori
"YUNAAAAAAAA!!!!! ↖(^ω^)↗" hapon na pero ang taas pa din ng energy ni Ylona. Tumakbo sya papalapit sa akin...
Madadapa sya
Madadapa sya
Madadapa sya
"ah! (◐∇◐*)" ay hindi natalisod lang.
"salamat sa BTS na cookies na binigay mo kanina huuuuh!!!" binaliwa nya lang yung pagka talisod nya.
Ah oo! Gumawa ako ng cookies na may pangalan ng members ng BTS! Idol nya kase yun eh.
"maraming salamat Yun"inabot ni Quen ang Paperbag.
"You're always welcome" kinuha ko iyon.
"Lumayo!!!! Ka!!!! Shrrrrrraaaaa" mabilis na humarang si Ylona at parang pusang galit sya.
Man hater kase si Ylona at tanging sila boss lang ang tanging nilalapitan.
"hahahahahaha sorry sorry" Laging natatawa si Quen pagganyan si Ylona. "pag ikaw talaga Ylona makakita ng lalaking mas madikit pa sa linta naku humanda ka na"
"papatayin ko muna sya bago sya makalapit sa akin!" matatalim na tingin ang ibinato nya.
"hmmm... Good luck sana makatagpo ka ng lalaking mas makulit pa sa akin. Sige na ba bye na!" nag wave sya ng kamay.
"babye, tara na Annie!!" nasa malayo na sya. Nakita nya siguro si Tori sa loob ng sasakyan. Kaya ang Ginaw ko ay itinali ko sya at hinila.
"hindi ayaw ko! Nagbago na pala ang isip ko di na ako sasama! Σ(っ゚Д゚;)っ" nagpumiglas sya.
Pagpasok namin ng sasakyat ay halos malunod kami sa pawis nya. "ayus ka lang" tanonh ni Ylona
"o-o-o-o-o-oo" pero hindi talaga
"you look tense?"
"H-h-hindi"
"hi kaibigan ka ni Yuna?" si Tori ang nag salita mula sa Driver's seat
Pffft!!! Hahaha
Nanlaki ang mata ni Annie ng makita si Tori.
"ngumiti ka kase Tori, hindi ka sasagutin ni Annie dahil mukha kang mamaw" saad ko.
Ngumiti naman si Tori. Nanginig si Annie at saka... Nag nosebleed.
Hahahahahahahahaha!!!
Amg saya nito!!!
To be continued. ..