DART'S POV
Umupo na lang ang leader ng Black Rose sa couch ng basta.
"oh please don't look at me like that Lucifer" mayabang na sabi nya.
Tsss ang habog naman neto!
Bumalik ma kami ni Tori sa dati naming pwesto sa tabi ng bintana at ganun din ang iba Pero di gaya ng dati ay nakataas na ang mga bandera namin at lahat nag papakiramdaman.
"You don't know us, do you?" ibinaba ni Lyle ang librong binabasa nya saka inayos ang salaming suot.
"b***h please... Of course kilala ko kayo" nakangisi pa ang hayop na ito "but... Isang bagay ang masisigurado ko sa inyo. Ako hindi nyo ako kilala--"
"Cornelius Skinner, 16 year old, 5'7, entering in Fang university, one and only child of Gov. Skinner, favorite color is Pink, favorite food is Pancake, genre of music.. rap, talent singing itutuloy ko pa ba?" tanong ni Achilles.
"wow, wow, wow and wow Achilles you gather all that? huh?--" naputol ang sasabihin nya dahil.. .
"don't call my boss on his name, you're not even close" ani Quentin.
hmmm... pagtinitignan ko sya kumukulo ang dugo ko.
"wag mo ding pag sasalitaan ang boss namin ng ganyan, baka nakakalimutan mo panghuli lang kayo." banayad pero mayabang ang dating ng mga salita ni Leon na nakatayo sa likod ng boss nila.
"Leon please, wag kang magsabi ng totoo. baka masaktan mo ang damdamin nila--" si Ethan ang mag salita pero...
"tsk tsk tsk, mga babae lang ang nagpaparinig unless bakla ka?" inabot ni Yuna ang baso ng soft drink sa kanya habang may nakakalokong ngiti. pffft! hahaha!
sumama yung mukha ni Ethan, masaktan ata ang "a Guy thing" nya. pero nagulat kami sa ginawa nya kay Yuna ng tumalikod ito.
malakas at duMadagundong na mura ang nabitawan ko ng dakutin nya ang likuran ni Yuna. Mabilis kong hinapit ang braso ng kaibigan ko para ilayo sa maniac na iyon, saka ako lumapit at malakas na sapak sana ang pakakawalan ko ng tumayo si Boss kaya naiwan sa ere ang mga kamao ko.
"Welcome Black Rose" malalim ang boses nya at talagang malamig, sobrang lamig. Gaya ng kung paano sya magsalita dati. Hinawakan nya ang mga balikat ko kaya nag-aalala akong bumalik sa pwesto ko kanina kung saan nakatayo si Yuna.
"Sorry" bulong ko. pero umiling lang sya.
"kanina pa kami nandito pero ngayon ka lang nag-welcome? oh please Lucifer ganyan ka ba sa mga bisita mo?" natatawang sabi ni Cornelius.
"Oh sorry for that, I just don't keep my attention for not so special thing. I hope I didn't offend you, Am I?" naglakad si Boss sa likod ni Ethan at ti-nap ang balikat dahilan para mamutla ito.
"tss" yung kaninang ngiti ni Cornelius ay napalitan ng inis, galit at pagkapahiya. ay, pikon!
"Haaay naku, bat kase di pa simulan ang meeting ng matapos na? bat mo ba kami pinapunta dito huh Lucifer?" nababagot na tanong ni Orville. "sabihin mo lang kase kung namiss mo ang kamao, pagbibigyan kita" dagdag nya pa.
ngumiti si Boss "I Just want to see your faces again and of course the face of the new one" black rose ang tinutukoy nya. "sinungaling, hindi ikaw ang taong magpapameeting ng walang kailangan." habang may kagat na cookies si Achilles ay nag sasalita sya.
"I heard about the last year Misa De Gallo, and I guess... talagang bumaba na talaga ang standard nyo. Sa loob pa talaga ng simbahan." lumapit si Boss kay ate Nyx, tinitigan nya pa ito na tila sinusuri ang isang magandang painting pero tilampasan nya din.
"Yeah your right... bumaba nga ang standard ng Black Rose back there..." si Alyster ang nagsalita habang kagat kagat ang Cookies. "Hindi kase nila na pigilan yung urges na makipag sapakan sa g**g nyo... ah tama... responsible din ang lucifers sa nangyare, hindi ba? pati kami, kahit ang Venom, pati ang Reapers, at syempre ang Knights kase pumatol kami at nakisuntok--"
"I know Alyster... I know... that's why I don't want to make it happen again.. . inside or outside. I know you guys know me, but Black Rose..." tumayo sya sa harap ni Cornelius saka ito hinawakan sa baba at inangat ng bahagya "do you wanna build a snowman?" tanong nya saka ngumiti...
(|||゚д゚)
Parang gusto ko nang tumakbo palabas at sigurado ako na ayun din ang nararamdaman ng mga tao na ito.
Hindi ako natatawa sa kanya...
Ayaw ko talaga pag ganyan si Boss.
Nakakatakot sya...
"You said that 'You' know us? Huh? Well... I don't think so..." umupo si Boss sa kinauupan nya kanina. "you know what... I'm interested to her" hindi man nakatingin si boss ay alam ng lahat na si Ate Nyx ang tinutukoy nya. Kaya natingin si Ate Nyx kay boss
"what? To her? Psssh... She's useless" mayabang na sagot ni Cornelius.
"Lady... Come here" sumunod si Ate kahit na halang ayaw nya. Takot sya... Hindi lang halata pero amoy ko. "name?"
"huh?" takang tanong nya pero tumingin lang si Boss "N-Nyx..." nakita kong napakagat syang labi dahil nautal sya.
"Nyx... The goddess of night" yung kaninang bad aura nya ay medyo naging good kahit 'papaano'. "beautiful" halos sa hangin nya lang binulong yun.
"wala sayo ang ang salitang romantico" baling ni Orville kay boss.
Kala mo lang...
"I know..." umay na saad nya. "haaay... What do you think?" tanong ni boss
"think? About what?" Nalilitong tanong ni sir Lyle.
"about the church..."
"oh... Yeah... I agree with that. I don't want to happen that again. Not on the Second time baka gumaya na lang ako kay Jude na nabaliw at nagbigti"
"mmmn. Because of that hindi natupad ang wish ko... And I'm not allowed to used my credit card for almost 2 months without any allowance so I need to work just to have my own money. Ridiculous. Kaya hindi na ulit mangyayare yun" si sir Achilles ang nagsalitang yun
"no riot inside the church... Mamatay na talaga ako pagginawa pa ulit ng parents ko na hindi bumili ng nutella nor cheez whiz" si Orville ang bumanat. Kagat ko ang labi ko para hindi matawa.
" ano ka ba naman boss?" dismayadong saway ni Godfrey Kay Sir Orville.
"totoo naman eh" sabat nya.
"I agree with you. It's a holy place, holy ceremony and we are obligated to respect that. Kung naha hawakan ko lang ang kaluluwa ko ng sarili kong kamay ay baka may mansha na itim akong makita" ani Alyster.
"ah. Oo nga noh, ano kayang feeling ng nahahawakan ang kaluluwa? Oy, Cornelius try mo nga baka sakaling malapnos kamay mo." pangungutya ni Achilles.
Ayan na lumalabas na ang tunay nilang kulay. Actually... Nag e enjoy kami pag may meeting sila dahil kadalasan alaskahan ang Labanan. Malas lang pag pikon ka. Yan ang di alam ng mga local members ng mga g**g. Akala nila kase ay talagang seryoso kung mag-usap ang mga leader nila. Pano kapag nasa labas na ay ang sama na ng mga itsura. Pwede nga silang maging mag best friend lima eh. Hindi lang talaga nakatadhana.
At dahil mayabang si Cornelius... Sya ang target.
"mmn. Try mo damay mo na pati ang konsensya mo." si Orville ang bumanat.
Aaay... Taray realtalk na yun.
Nakakunot lang ang noo ni Cornelius habang nakikinig sa kanila. Halatang asar talo na naman ang isang toh eh.
"psssh... Wag ngang seryoso masyado mamaya kung anong mangyare eh. Hoy Lucifer. Segurado ka bang wala kang kalokohan na naman? Naku pusha ka, nasa asylum tayo ah! Papatayin talaga kita naku!" - Achilles
"afraid?" - boss
"haunted asylum... Far from the town... Please dude"
"enjoy the venue--"
"enjoy your face, madafaker"
"pffft" natawa Silang lima. Si Cornelius nananatiling tahimik.
Pero hindi na sya nakatiis at tumayo sya. "WTH... What are you doing? You're suppose to fight and not to laugh with each other! This is not what I expected!!!! This is not happening!!!! You fools!!!" ala pumutok na sya...
"(¬_¬) pikon--" - Orville
"shut up!" - Cornelius
"KJ... ←_←" - Lyle
"I said shut up!!"
"asar talo ( ̄へ ̄)" - Achilles
"I SAID SHUT UP!!!"
"tss... (◐.̃◐) basag Trip" - Alyster
"aaarrrg! Shut UUUUUPPP!"
"(* ̄︶ ̄*) isip bataaa..." boss
Ay nahiya kami, parang sya hindi. Samatalang tuwang tuwa sya sa pikon na pikon na mukha ni Cornelius at tatalon talon pa dahil sa inis kase ayaw nila tumigil.
"SHUT UP! SHUT UP! SHAPUP! SHAPATAP!" nag kabulol bulol na sya dahil sa inis.
"ahahahaha! Hanu daw?" Lakas ng tama ng leader na toh.
Hanggang sa may bigla na lang na...
*BAAANG*
"aaaaaaaaaahhhh" hahahaha sino yung tumili? Tili ng isang lalaki yun mula dito sa kwarto na toh
May pumutok na kung ano dahilan kaya namatay ang ilaw.
Yung generator siguro yung pumutok, baka nag over heat.
"Boss?" nag-aalala akong tinawag sya.
"I'm okay" kalmado naman si Boss. Buti na lang hindi kami takot sa Ganito. Kanya kanya kaming nag labas mg phone para gawing ilaw. Buti nag install ako ng flashlight sa phone ko.
"wanna play a game?" lahat ng ilaw namin kay boss nakatutok na nakaupo pa din.
"sabi na nga ba eh." lumipat ulit kay Alyster yung ilaw kaya nakita namin ang pamumutla nya. "pushaaa" nakapit pa sya.
"pffft" natatawa si boss sa mukha ng kaharap na akala mo walang dugo sa katawan dahil sa putla.
"magbilad ka kaya sa araw Alyster. Nawala yung melanin mo sa katawan eh. Try simula 6 hanggang 12 ng hapon. Putla mo" si Orville ang nagsalita na iyon.
"uwi na tayooo" - Alyster.
"uwi na tayo? Ikaw lang yung tumili eh" - Lyle
"gago takot ako pero di ako yung tumili... Trip mo talaga ako Lucifer noh?"
"hahahaha" pigil yung tawa ni Boss.
Buti nga sayo. Lagi talaga akong iginaganti ni Boss eh.
Biglang tumakas yung hangin...
Umalulong ang mga aso sa labas....
At may narinig din kaming mga kaluskos sa labas.
"kingina na iihi na ako puta" si Alyster yun.
"hahahaha" tawa nila. Kung napapansin nya sila yung tumatawa yun ay dahil hindi kami pwedeng sumali pero gusto ko na talagang humalakhak.
*PAAK!!!*
NAgulat kami ng sa gitna ng tawanan ay lumagapak na lang ang pinto sa labas. Mas lalong lumakas yung hangin.
*woooossshhh*
"tang ina iba na toh ah" si Achilles ang nag salita.
"walang lalabas hanggang walang umaamin kung sino ang tumili" hahaha alam ni Boss na takot ang ang iba kaya mas lalo nyang tinatakot. "asikasuhin nyo ang bagong dating"
AGad na naglakad si Ylona sa pinto "Good Evening, thank you for coming dito tayo... Sir Achilles can you move for a bit para maka upo si Miss" kahit wala syang kasama talaga at nang uuto lang.
Nakatingin lang sya kay Ylona na parang ganito
๏_๏ <----- ganito.
"sir?" Ulit ni Ylona.
"hhuuuhh? Dito talaga? (╥_╥) ina... Uwi na tayo" HAHAGAHAHAHA
"memeron pa daw sa tabi ni Alyster"
"aaayaawww koo na uwi na tayo" naiiyak na si Alyster.
"Gusto mo?" tanong ni Orville sa Katabi ni Achilles
"king ina moooo Orville" bulong ni Achilles na hindi na mapakali.
Hahahahaha!!!!!
"pffft" nilingon ko ang gilid ko nakatayo na dun si Ate NYx at tatawa tawa. Malapit lang ako sa pader at nakasandal sya dun. Napatingin sya sa gawi ko at nang bigla nyang iniligay ang index finger sa tapat ng labi sign na wag akong maingay. May hawak syang plastic na tinidor at kinaskas ng dahan dahan sa pader kaya parang may nag kukuskos ng kuko sa kabilang kwarto.
*ubo*ubo*
Napatingin kami kay Cornelius. Nasamid sya ng soft drinks na iniinom nya grabe kung mangatog yung mga kamay nya. Nagkatapon tapon din ang laman ng baso.
*crrrraaa*
Mula sa labas ang ingay na yun. Tumayo din ang balahibo ko dahil sa papalapit na papalit na tunog na yun ng kadenang hinihila. Napatingin ang lahat sa labas ng pintuhan na akala mo ay kawalan dahil sa dilim. Nanginginig ang mga kamay nilang may hawak na phone kaya ang ilaw na mula dito ay masakit sa matang lumilikot.
Huminto ang dayag at yung ingay ng kadena... Sa tapat ng pintuan.
"AAAAAAAAAHHHHHHH" sigaw ng babaeng nakaputi na may kadena sa kamay at paang puno ng dugo mula ulo hanggang paa nag tutulo tulo pa.
Kasabay ng sigaw ng multo ay ang mas malakas na sigawan dito sa loob!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH" umurong na ako sa pinaka gilid dahil nag unahan na sila ng takbo papuntang bintana sa nag iisang bintana. Nag sitalunan na sila dun. At kami lang talaga ang natira.
"hahahahahahahaha" nung wala na sila ay naghagalpakan kami ng tawa as in.
"hahahaha" may narinig kaming mahinhin na tawa sa gilid. Naroon pala si Ate .Nakahawak ang mga kamay sa bibig at tiyan.