THIRD PERSON'S POV
Isa-isa nang nag sidatingan sa isang abandonado, luma, madilim at sira sirang haunted Asylum ang mga members ng Lucifers. Kung hindi nyo naitatanong lahat ng members ng nasabing g**g ay mahilig sa horror, sa katatakutan. Kaya baliwala lang sa kanila ang pagpasok sa hide out nila.
Sa initiation ng Lucifers ay wala kang sakit na mararamdaman tulad ng paddle na magkakapasa ka sa mga hita at halos ika-pilay mo at kung mas malala pa ay ang ikamatay. Sa mundo ng g**g na ito mo lang makikita ang kakaibang initiation, ang pagpasok sa isang haunted house, hospital, at asylum. May mga bagay silang ipapagawa sa iyo. Hango sa isang phone game na "Can you escape?" ang ipinapagawa nila. Kailangan lang lumabas simula sa pinakaitaas na kwarto hanggang sa pinakababa at makalabas ng tuluyan ng hindi humihiwalay ang kaluluwa sa katawan dahil sa takot, may mga Kailangan silang i-solve na problem para makalabas at makarating sa panibagong kwarto. "ang isip ng isang tao ang lumilikha ng sarili nyang multo at ito ang papatay sa sarili nya, kapag nalabanan nya ang takot sa dilim, takot sa multo, takot ng pag iisa at takot laban sa sarili ay makakabilang sya sa g**g na ito" ang mga katagang binitawan ni Icarus para sa mga kasama.
Marami na ang nag tangkang sumubok pero sa sampong sumubok ay 1 lang ang nakakapasa at kung minsan nga ay wala pa dahil makita pa Lang nila ang lugar na pagdarausan ng initiation ay tumatakbo na sila palayo.
"Andito na silaaaa!!!" sigaw ng isa sa kanila. Tinigil ng DJ ang music at ang kaninang patay sindi na ilaw ay naging normal. Tumigil sa pagsayaw ang lahat at binigyan ng daan ang mga leader ng Lucifer. "Good Evening" bati nila lahat
"wear your masks, we have some visitors" utos ni Icarus sa kanila. Hindi na sila nagtanong at sinunod na lang nila ang utos ng kanilang boss.
Dumiretso sila Icarus ng lakad patungo sa isang kwarto kung saan exclusive lamang para sa kanilang anim. Binuksan ni Dart ang Aircon at naghanda naman si Yuna ng Tsaa. Inihahanda na Nila ang kwarto na ito dahil ito ang pagdarausan ng meeting.
"boss may problema ba?" tanong ni Angel sa kanina pang tahimik na si Icarus. "napapansin namin kanina ka pa tahimik simula ng umalis tayo sa studio at iniwan natin sila Ate Nyx" dagdag nya pa.
Huminga muna ng malalim si Icarus at nag isip ng malalim ulit saka sinagot ang tanong na iyon. "Hindi kaya si Nyx Yung kanang kamay ng Black Rose?" nagulat ang lahat sa sinabi nya at sabay sabay na nag "HUUUH???" napatayo pa sila sa kinauupuan nila.
"pano mo nasabi boss?" - Dart
"that's impossible" - Yuna
"Hindi si Ate Nyx ang mukhang sasali sa ganun" - Ylona
"Kaya nga naman, wala sa ugali nya yun pano mo naman nasabi?" -Tori
"Instinct" mabilis na sagot ni Icarus sa mga tanong nila. "wag kayo mag-alala di naman ako sigurado eh"
Napaisip din si Angel sa sinabing iyon ni Icarus. 'wala nga sa ugali ni ate Nyx iyon pero... Kung titignan sa isang normal view si boss, wala rin naman sa itsura nya ang pinuno ng isang praternity.' mga bagay nainiisip ni Angel.
"At hindi pa nag kakamali ang instinct ko" nanahimik ang lahat sa suwestyon ni Icarus.
*Flashback*
Habang kumakain ng dinner sila Icarus kasabay si Nyx at att. Velvet sa isang Restaurant ay may tumawag kay Nyx kaya naputol ang pagkukulitan ng lahat.
"Excuse me" tumayo si Nyx sa kinauupuan nya at lumabas ng restaurant. Nakita nila ang pag-iiba ng mukha nya at ng mood. Tila ba naging Seryoso at naging masama ang timpla nya nung tinignan kung sino ang tumatawag.
Nakasunod lang ng tingin si Icarus kay Nyx, hanggang sa sinagot na nito ang phone. Hindi nya masyadong maiintindihan ang sinasabi ng dalaga dahil naka side view ito mula sa pwesto nya. Pero base sa mukha ay iritable ito at tila nakikipagtalo sa kausap.
Pinilit nyang basahin ang labi ni Nyx. 'I said no' , 'but why?' , 'tsk' , 'then go' at ang ikinabigla nya ay ang banggitin ng dalaga ang 'Black Rose'. Tumingin si Nyx sa gawi nya, kaya ngumiti sya kahit may pagdududa. Binawi agad ni Nyx ang tingin nya, kinagat nito ang ibabang labi at saka huminga ng malalim saka nag sabing 'Okay Fine I'll go with you' saka nito binaba ang phone.
Pagbalik ni Nyx ay agad itong inusisa ni Att. Velvet. "sino yun?"
"tss... nothing" sagot nya saka tinuloy ang pagkain.
*end of flashback*
"hay" napabuntong hininga na lang si Icarus. "sana kahit sa unang pagkakataon ay magkamali ang instinct ko"
"eh paano kung tama ka?" natigilan ang lahat sa tanong ni Yuna
"kung tama man ang instinct ko... Edi mas mabuti. Mas lalo kong nanaiisin na makuha ang tactician ng Black Rose kasabay nun ay ang pagkalanta ng Hardin nila." pagganito ang usapan at ganito ka Seryoso si Icarus ay talagang gagawin nya ang kanyang sinabi.
"boss lagyan na natin ng concealer yung nunal mo sa baba" umupo si Ylona sa harap ni Icarus saka nito pinatungan ng concealer para matakpan ang nunal nito sa baba. Dahil sa galing ni Ylona ay hindi halatado na may make-up ito.
Isuot na nila ang maskara nila. Saka may kumatok. Pinagbuksan ito ni Tori, may binulong sa kanya ang lalaking nasa likod ng panyo "ah okay salamat" sabi nya saka umalis ang lalaki "boss yung mga bisita mo andito na sila"
TORI'S POV
Pfft! Feeling maiihi ako sa tawa dahil sa mga itsura ng mga bisita ni boss.
"yung totoo idol ba ng Knights si Elvis Presley?" bulong ni Yuna.
Hahahaha gustong gusto ko na talagang tumawa.
"siguro laging masaya Ang mga Reaper? Sa Kulay ng mga damit nila parang a-attend ng children's party eh! Lobo na lang ang kulang Clown na" ang lakas makapanlait ni Angel. Kinurot ko ang sarili kong binti para Hindi Ko makatawa.
"ay sorry... pak na pak ang Venom nakapang party. Tignan mo naman. Ansabe! Foundation day pala ngayon" sinundan pa ni Ylona yung mga statement ni Angel at Yuna.
"pfffft!" relax Tori... Relax. Kinagat ko na yung labi ko wag ko lang mailabas ang nararamdaman ko. Kinalabit ako ni Dart saka may nginuso at halos mailayak na kakapigil ng tawa. Pag kakita ko... "excuse me" akala ko ako lang ang aalis pero sumunod din pala sa akin ang apat.
Pag labas namin ay...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" hindi na namin kinaya at humagalpak na kami kakatawa. Inubo na rin kami at umiyak. Napamura na rin ako.
Akala ko kakayanin ko. "hahaha nakita nyo ba yun? Hahaha" -Yuna
"hahahahaha phsusvaksvs hahaha jajwbsixvwla" -Ylona
"haiwhsusb hahahaha isjwvswv" -Angel
"gaiabshdbak hahahaha isbsysvhahahahaha" -Dart
Hindi na kami mag kaintindihan dahil laging nauuna yung tawa sa amin. Sino ba naman kase ang di tatawa?
"yung totoo mga anak ba yun ni Atienza? Si kuya kim nga hindi nag Hawaiian shirt eh!... Hahaha mga fan siguro ng Maynila" - Dart
Mas lalo pa kaming humagalpak sa tawa. Nung matapos na kami at hindi na halos maka hinga ay bumalik kami sa kwarto.
"Maynilaaa... Maynilaaa... Pangarap ko'y nabubuhay nanana nanaana tagumpay." kumanta si Dart kahit di nya alan ang lyrics. Todo pigil naman kami nila Angel sa pag tawa.
"Pfft!" napasulyap ako kay boss na nag pipigil din ng tawa. Ako lang ang nakapansin nun dahil nakaharang ako harap nya at natatakpan sya dahil nilalagyan ko ng tsaa ang tea cup na hawak nya.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Katabi ng nag iisang malaking bintana at dun ako umupo ipinatong ko ang kaliwang paa ko dun at nag pahangin. Saka din umupo dun si Dart, si Ylona na at Yuna ang mag serve sa mga apat na leader. Nakatayo lang sa mga likuran nila ang mga alalay nila.
Apat ang alalay ng leader ng Knight na si Achilles Bloom, pang anim ang knights sa pinamalaking g**g dito sa City. Ang pag kakaalam ko si August, Casper, Enoch at Irving ang mga kasama nya. Schoolmates ko ang mga yan kaya nadaan daanan ko lang sila. Lagi silang mag kakasama sa pambubully, mga siga sa school at akala mo kung sinong hari ang asta. Nabully pa nga nila ako minsan eh dati nung 1st year ako. Pero di na naulit. kung ako lang naman kaya ko sila, pero sabi ni Boss wag ko daw gagantihan. Hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung ano yung ginawa nya.
Nasa kanan ni Boss ang leader ng Reapers... Si Lyle Gagne. Sila ang nakakuha ng pang limang pwesto na pinaka malaking g**g. Laging nag babasa ng libro, at mukhang matimpiin Pero sa totoo lang pag naagaw mo ang atensyon nya di ka na nya titigilan. Kasama nya si Quentin, Hugh, at Mortimer ngayon, ang babait ng mga lalaking yan tapos ang gentleman pa sabi ni Yuna. Schoolmates kase sila tapos itong si Quentin na nakasandal sa pader ngayon ay nililigawan sya, 2 years na ata since 1st year pa. Eh kaso itong si Gaga parang bakla kung magmahal sa tila nabalot sa Ice ng 100 years dahil sa manhid kong kaibigan. Bihira ko Lang marinig ang pangalan ng Repears na gumagawa ng g**o. Ang maganda nito lagi silang nag ko-community service sa bawat barangay tuwing linggo. Kaya nga kasundo ni Boss si Lyle eh, parehas kase sila ng hilig. Kaya maganda din ang samahan ng dalawang panig.
Nilingon ko din ang leader ng Venom si Orville Thorndike na busy sa pagkain ng cookies ni Yuna. Malakas syang kumain pero payat. Hmmm. Kung di ako nagkakamali si Sidney, Reginald at Godfrey ang mga nasa likod nya. Nag aaral sila sa school na pinapasukan ni Ylonna. Nasa basketball team ang tatlong yan. Nakalaban ko sila sa Championship last year, ang gagaling nila at talagang ang lalakas. Pero si Orville ay laging nasa canteen para Kumain, walang hilig sa babae, walang hilig sa kahit na ano maliban sa pagkain lang talaga. Pero mainitin ang ulo at walang nakaka control pag nagalit.
Katabi ni Orville Ang leader ng Frankenstein si Alister Erikson. Base sa opinyon ko sya ang pinaka cute sa lahat ng leader. Para ngang walang lamat ng sapak sa mukha nito eh. "gusto mo sapakin natin ng mabawas bawasan ang pagka baby face ng taong yan?" sabi ni Dart na mukhang inis na inis. Cute naman ako pero aminado ako na mas cute si Dart. At sa lahat ng division ng Lucifers ang Kay Dart ang masasabi kong puno ng mga Calvin Klein models. Walang makikitang ipis o antonio dahil lahat gwapo. Naiinis sya dahil mas pogi pa sa kanya si Alister. Tapos araw araw nya pang nakikita sa school nila at ang mas ikinaiinis nya pa ay lagi sya nitong nginingitian. Kinaiinisan nya rin si Luke, Malcolm at Hillary feeling daw kase masyado.
"hay nako Dart umandar na naman yang ugali mong yan" iling iling akong tumingin sa kanya. Pero napansin ko na lahat ng mga nabanggit kong pangalan ay magaganda.
Anong nangyari sa pangalan ko?
Napag tripan lang ata ako ng Mama ko eh. Hay, grabe sya sa akin. Yung tinanong ko sya kung pinag isipan nya ng mabuti, ang sagot nya naman ay oo. Ano kayang klaseng pag iisip ang ginawa nya?
Habang nag kukulitan kami ni Dart at nag kukwentuhan si Yuna at Ylona. Busy sa pagkain si Orville, busy sa pag babasa ang leader ng Reapers, busy sa pakikipag-usap si Achilles sa mga kasama nya, si Alister ay busy sa pag amoy ng Rose na dala nya at ang aming boss na kasalukuyang umiimon ng tsaa ay bigla na lang bumagsak ang pinto.
Awtomakito kaming tumayo ni Dart at agad na humarang sa harap ni Boss para maprotektahan sya. Ganun din ang mga membro ng ibang g**g. Bumungad sa harap namin ang apat na tao. Pero ako, si Dart, Angel, Ylona at Yuna ay sa iisang tao lang nakatingin, nang hina ang tuhod ko ng makita ko sya na nasa gilid. Ang nag iisang babae sa apat na taong dumating.. Si Ate Nyx. Tama na naman ang Instinct ni boss.
"Walang palya talaga ang instinct ko..." nalingon ako sa narinig kong sinabi ni Boss. Saka kami mag katinginan ni Dart na katabi ko lang.
"Huli na ba kami?" isang masiglang ngiti ang ibinungad sa amin ng leader ng Black Rose. Sa itsura nya pa lang ayaw ko na sa kanya. "tss.. Ang yabang..." rinig kong bulong ni Malcolm sa tabi ko.
Pumasok sila sa loob ng kwarto na animo'y presidente ng America. Nasa likod lang si ate Nyx nakuyo lang habang nag lalakad. Nandun na naman yung mga patay nyang mga mata. Malungkot at matamlay. Naramdaman ko na lang ang pagtayo ng mga balahibo ko sa likod. Parang bilang lumamig at tila may multo sa likod. Sabay kaming napatingin ni Dart, parehas din siguro kami ng nararamdaman. At pag lingon si boss ang nakita namin para ata hindi ko malunok ang laway ko at magalaw ang mga binti ko sa takot sa kanya. Kahit malamig ang simoy ng hangin na mula sa bintana na kinauupuan ko kanina ay nag uumapaw ang pawis ko. Sumabay pa sa kaba ko ang alulong ng mga aso sa labas kaya lahat kami napatingin sa labas maliban kay boss na diretso at matalim ang tingin sa harap.
To be continued...