CHAPTER 15

2122 Words
ANGEL'S POV anak ng tokwa naman, OO! Naiinis na ako dito sa suot kong damit at kating kate na ang Mukha ko sa make-up na nilagay sa akin. Kaya ito kamot ako ng kamot. Kung nag tataka kayo kung bakit, well pictorial na kase para dun sa mga new designs ng sapatos. At gaya nga ng sabi ni Miss Nyx gusto nya ako ang maging model ng mga stiletto na yun. Parang isang bangungut ang nangyayaring ito. Ang hirap ng pinagdaan ko. Una, nagpa wax kami para matanggal yung mga buhok ko sa binti, braso at kili-kili. *alaala* Teka Nasan ba kami? Kanina pa kami Nandito sa mall eh may hinahanap kami nila Ylona na hindi ko naman alam kung saan o ano. "saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko. "basta sumama ka na lang" sabi sa akin ni Yuna. Jn ako kinakabahan eh! Ilang beses na akong na napahamak kakabasta nila at ako ito under nilang dalawa lagi! Nasaan na ba kase ang dalawang yun!!!!! (Dart at Tori) Bigla akong hinila nilang dalawa at parang mga timang ang mga ngiti nila, kaya mas kinikilabutan ako. "andito na tayo Angel!" ani Ylona. Akay akay nila ako. Tinignan ko yung store pero nakabasa ako sa poster ng Legs.... P 250, Arms.... P 200, Underarms.... P 200, Chest.... P 250 ETC. Oh no! Alam ko na! "no! No! No! Wala sa pinag usapan natin toh! Yuna! Ylona! Ano ba?" ayaw ko ng ganun. Ang sakit kaya mag pa wax! Naalala ko pa nung binunutan nilang dalawa yung kilay ko. "masakit toh eh" para na akong bata kung tumanggi sa kanilang dalawa. Pero sila natatawa lang. Feeling ko isa akong baliw na dadahalin sa mental institution. "pasok na Angel hindi pwede na mabuhok ka sa photo shoot mo!" sabi ni Yuna. Binigay nila ako sa dalawang babae na nakaputi. Humawak ako sa lahat ng pwede kong makapitan. Naiiyak na ako. "ISINUSUMPA KO!!! HINDI KAYO MAGKAKA BOYFRIEND!!!" ( TДT) pag tapal pa lang ng wax ay sumagaw na ako. "ayoko na!!!" "wala pa sir" sabi nung isang babae. "kalma ka lang saglit lang toh" dugtong nya bumilang sa ng "pagbilang ko ng tatlo bubunutin ko na sya huh!" tumango ako. "matapang ako..." bulong ko. Inulit ko ulit "matapang ako..." Sinabayan ko si ate mag bilang ng "1... 2... 3---AAAAAAAAAAAAAHHHH! B*LLSH*T" feeling ko natanggal yung kili-kili ko at nasama sa pag bunot yung balat ko, yung kili kili ko kase yung inuna nila. "ouch! Shoot!!! Hooo!! Mmmmmmmnn!!!" pinigil ko na yung sigaw ko bandang huli. Nawala ata ang pride ko beset!!! *END* Hanggang ngayon damang dama ko pa din sya. Nakatingin ako sa mga braso ko ng biglang may pumisil sa pwet ko. Pagtapos ng isa may pumalo na naman. Kilala ko na kung sino ang mga iyon. "*(-_-)*, ito kayo" mga hayop talaga kayooooo! Nang gigigil na ako sa pag mumukha ng dalawang to eh. Kanina pa toh nang iinis eh. Aakmang hahalik si Tori pero nasapo ko kaagad sya. "taray pakipot sya oh" narinig kong sabi ni Dart. Inaalipusta na naman nila ako! Pero okay lang! Malaki naman ang bayad nila sa akin eh. "para sa 100 thousand kaya mo toh Angel" bulong ko. "anong 100 thousand?" so hindi nila alam? *smirk* "nothing" tipid na sagot ko. Alam kong kukulitin nila ako dahil pag umandar na ang curiosity ng dalawang ito ay talagang mangungulit sila parang pabebe girls, walang makakapigil. At hindi nga ako nag kamali. "oiiiii Angel ano ngayon??" - Tori "Sabihin mo naaaaa!!!!!" -Dart "ayaw -___-" ako. Tumahimik silang dalawa... Kaya mas nag taka ako. Akala ko aalis na si Dart pero pumunta lang sya sa likod ko. Hinawakan ang dalawang kamay ko ng mahigpit. Pushaaaa! Alam ko na toh! At ito ang pinaka ayaw kong trip nilang dalawa. Lumapit ng dahan dahan sa akin si Tori, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "ATEEEEEEE NYYYYYYYXXXXX!!!!!!!!!!! BOOOOOOOOSSSSS!!! SI TORI AT DAAAART MANGHAHALAY NA NAMAN!!! Lumayo kayo sa akin!" pilit kong tinanggal ang pagkakahawak ni Dart at hinisipa ko naman si Tori. "sabihin mo muna kase kkung para saan ang 100 thousand?" tanong ni Tori. Hindi ko pwedeng sabihin dahil nasa contract yun! "ayaw nga sabi eh!" ayaw nyo talaga huh! Naalis ko yung hawak sa akin ni Dart kaya mabilis kong dinampot yung t'shirt ko at binalot ko sa mukha ni Tori. Si Dart naman ay hinagupit ko ng sinturon ko. "hindi nyo talaga ako titigan dalawa huh!" "oo na oona titigil na kamiii!" sigaw ni Tori. "Bakit ba ang iingay nyo?" pumasok sa pinto si Ate Nyx. Kung nagtataka kayo at hindi Miss ang gamit ko well, isa yun sa mga hiningi ko sa kanya. Nung una hindi sya nag salita pero bandang huli napapayag ko naman sya. Binitawan ko silang dalawa at tumayo na ako ng maayus. Nakakahiya kase kay ate. "Ate" natutuwa talaga ako pag sinasabi ko yun. Naiinggit ako kay Yuna at Ylonna pa ganun ang tawag nila sa Kanya, pero Nahihiya lang talaga ako. Dalawang taong naman ang tanda nya sa akin eh. Tumayo yung dalawa kahit hirap na hirap sila. "bakit ba ang Lakas mo maka ate kay Miss Nyx?" parang bata talaga toh si Tori. "she allowed me to call her ate so I grab that opportunity" ininggit ko silang dalawa. Lumapit ako kay ate Nyx saka matamis na ngumiti. "Ready na po ako ate Nyx" yeah I know hindi lang si Tori at Dart ang nag aasal bata dito pati rin ako. Gusto ko rin kase na may tawaging ate, wala kase akong kapatid sila boss at sila Dart na ang tinuring mga kapatid kaya ito tiis tiis lang. "AAAANNGG DAAAYAAAAAAAAA!!!! Σ( ° △ °)" sigaw nila. Pfft! Mamatay kayo sa inggit! Kala nyo jn. " (* ̄︶ ̄*) eeeehhh ateee Nyyyx~" mas lalo ko pang pinagdiinan yung ate para mas ininggitin yung dalawa. Hinabol nila kami ni Ate palabas ng dressing room. "gusto ko din ng Ate!! (ㄒoㄒ)" tatlong magkakapatid sila Dart at puro sila lalaki, sya ang bunso kaya Ayan spoiled brat. Kaya rin siguro mabilis syang ma fall in love kase walang babae sa kanila. Namatay na ang mama nya bata pa lang sya kaya naghahanap sya ng "love" sa isang babae pero ganun din kabilis mawala yun. "miss Nyx ako din gusto rin kitang tawaging ateeee!!! (・'з'・)" gaya ko si Tori ay only child din kaibahan nga lang, ako buo ang pamilya ko. Ang mama ni Tori kase ay single mom. Kahit babaero ang hayop, gentleman yan. Malaki ang respeto sa babae. "hay naku wag nyo nga syang kulitin!" pang sasapakin ko na tong mga ito eh! "ah basta tatawagin ko syang ate!" kulit talaga nito ni Dart. "ako din!!!!" dagdagan pa nitong Doratorio na toh! "ATE NYYYX!" sabay sabay silang dalawa. "tumahimik nga kayo! Ang ingay! Anong bang problema nyo huh?" naiinis na sabi ni Ate. "pano kase itong si Angel may sinasabi na 100 thousand! Tapos nung tinanong namin wala naman daw yun" nakanguso pa si Mokong (Dart) "oo nga ayaw nya pong sabihin kung ano yun! Ang damot" sinamaan ako ng tingin ni Tori. "that's his talent fee" walang ka abog abog na sabi nya. Teka ang akala ko confidential yun? Bakas sa mukha ang pagkagulat ng dalawa kaya "and Guess what... Pwede ko pang makita si Liza in person" (•ω•) oh ano kayo ngayon. "HA HA HA HA" pang-aasar ko. Iniwanan namin silang dalawa na nakatayo lang dun at tulala. Hindi ata mag sync in sa mga utak nila yun. Hala oo nga pala mag sisimbang gabi na ano kaya plano ni Boss? "ate Nyx Merry Christmas nga pa--" tumigil ako sa pag sasalita nang huminto sya sa pag lalakad. Pinagmasdan ko yung mukha nya, hindi yun mapinta ng kahit na sinong pintor. Galit ba sya?--- "Angel!" mataas ang boses nya kaya napapitlag ako. "po?" sagot ko dahil sa gulat. Pero huminga sya ng malalim saka nag salita "shut up and please don't mention it" lumakad na sya palayo sa akin. Nakita ko yung lungkot sa mukha nya, nangingilid ang luha sa mata nya. Shocks!! Pinaiyak ko sya. ICARUS'S POV Habang na nunood kami ng pictorial ni Angel ay Pinagmasdan ko si Nyx pero may napansin ako, Bakit kaya ang tahimik ni Nyx? Pfft! Hahaha lagi naman syang tahimik eh. Ang baliw ko talaga. Lalapit sana ako sa kanya pero naunahan ako ni Kuya Attorney, "Anong problema?" ttanong ni Kuya sa kanya, so may problema nga? Nakinig ako sa usapan na Lang nila. "wala" walang ganang sagot nya. "ilan taon na ba tayong magkasama huh? Nyx?" dagdag ni kuya "dahil sa December 25 Na naman?" huh? Bakit? Anong meron sa December 25? Nag isip ako kung anong meron sa December 25. Hmmm... Ano nga ba? Ano? Isip Icarus, isip "aha!!!" bakit ko Nakalimutan ang Christmas!! happy birthday baby Jesus!! Pero teka? Bat malungkot ang Nyx ko?... Ah! Baka nahihirapan syang pumili ng nga Regalo. Haaay si Nyx talaga grabe kung alala. Tulungan ko kaya syang mamili? Tama! Ipapaalam ko sa kanya ng di nya napapansin pero paano? Teka ano ba ang gusto? "I hated it! Lagi na lang akong pinaparusahan ng ganito!" sabi ni Nyx. Tsk tsk tsk. Grabe na kaka depressed talaga bumili ng gifts. Kahit si Mommy hindi magkanda ugaga kakabili ng regalo. "laging ang sakit sa ulo at sa dibdib ang ganito. Nagiging sariwa ang lahat." dagdag nya pa. True! Ganito talaga pag December eh! Sariwa lahat ng mga paninda. Yung mga gulay at mga prutas pagkinagat mo pa ay juicy at malutong. Pero kung minsan yung mga karne di mapagkakatiwalaan eh, uso din kase yung botcha. Kaya dapat sa supermarket buminili. Hay akala ko gifts lang problema ni Nyx, pati pala pang handa problemado sya. Wag kang mag alala Nyx tutulungan "what?" nasa harap ko na pala sya ng di ko na papansin. Pero bago ang lahat... "Nyx!" "what? -__-" inabot ko ang phone ko. "anong gagawin ko jn?" huminga ako ng malalim. "baka gustong hingiin ang # mo?!" huh? Nakita ko si Kuya Attorney na nakangiti sa akin atsaka kumindat. Tumingin ako kay Nyx at determinadong tumango "mmn!" tumingin si Nyx sa Cp ko at sa mukha ko. *puppy eyes* "sige na Nyx ibigay mo na tignan mo ang cute cute nya oh" buti andito si kuya Attorney "tss!" mabilis na kinuha ni Nyx ang CP ko. At pagbalik ng CP ko ay nakita ko ang # nya na naka register sa CP ko. (๑♡∀♡๑) waaaaaaah! Tinapik pa ni kuya Attorney yung balikat ko saka sila umalis."Maiwan ka muna namin jn Icarus, may aasikasuhin lang kami ni Nyx" saka sila nawala sa paningin ko "o...kay" sagot ko. Nang maka move on na ako ay mabilis kong hinalikan ang phone ko, paulit ulit ulit. Umupo ako sa isang table dun. "saya natin boss ah!" si Tori at Dart pala ito. Hahaha Syempre may number na ako ni Nyx. Pinakita ko yung phone ko sa harap nila. "taaadaaa!" nagkatinginan silang dalawa saka kinuha ang mga phone nila at ipinakita sa akin. Nang makita ko yung # ay "paanong... Saan nyo nakuha yan??? Mga lapastangan! "kay Ate Nyx po" sagot ni Tori. Mabilis kong kinuha ang mga phone nila at "oh ayan deleted na!" "waaaah? Boss!" sigaw nila "hingiin nyo sa akin ang Number nya. Hmmp!" hiningi nila. "you're welcome" hindi pa man sila nag papasalamat ay sinabi ko na. Saka kami nag tawanang tatlo. Hahaha! Para kaming mga timang. "aba mukhang nag kakasiyahan kayo jn ah!" si Yuna at Ylonna ang dumating may dala silang mga cookies at juices. "BARNEY!!!!!" kinuha ko yunh cookies na Barney. "waaaah! RILAAKUMA!!!!" -Dart "oooiii! Si Elmoooo!" - Tori. "aba! Sakto lang pala ang dating ko!" kinuha ni Angel si Bugs Bunny. Umupo sya sa tabi ko inabutan sya ni Ylonna ng Juice. "andito na pala abg model natin eh" pang aasar ni Yuna. "wag mong inaasar may 100 thousand yan" sabi ni Dart. Talaga? Woow. "ay boss misa de gallo na sa 16... Ano plano?" napatingin ako kay Angel. Oo nga pala. Naalala ko na naman yung nangyari last year. Yung time na wala ako at nag ka rayot mismo sa loob ng simbahan dahil nag abot yung mga g**g at nadamay pati ang Lucifers. "makikipag meeting ako sa mga leaders ng ibang g**g, hindi na pwedeng maulit ang nangyari. Hindi sa loob ng simbahan o kahit sa labas" "ngayon na po ba?" tanong ni Tori. "matatapos na din po kami boss sa pictorial, sabihin mo lang ipapatawag ko na ang division ko para makapunta na sa asylum" uminom muna ako ng juice saka sinagot si Tori at Angel. "oo ngayon na dahil mahaba habang usapan ang mangyayari" To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD