CHAPTER 14

1827 Words
TORI'S POV Hinabol namin sila Miss Nyx dahil bigla na lang nyang hinila si Yuna pag tapos nyang ibaba yung phone. Nakasakay kami ngayon sa Kotse ko at si Dart ang nag da-drive. Ang ganda ng sports car na yun! "sigurado ako ayun yung lalaki na nasa school kanina!!!! (๑و•̀ω•́)و" nanggagalaiti na naman sya. Kanina pa yan. "bilisan mo Dart" utos ni Boss. Waaaaah! Baka magasgasan ito naku! Huminto kami sa tapat ng napakalaking building. Nakita namin napumasok sila Yuna at miss Nyx sa loob nun kasama yung lalaki. Pi-nark lang namin ang kotse ko at bumaba na papunta doon. Diretso lang kami ng lakad. Pero... "oi! Oi! Oi! Saan kayo pupunta? ID nyo?" sita ng guard. "may sinusundan po kami" si Ylona yung sumagot. "anak ng..." bulong ni Angel sa likod ko. Nakita ko kung paano nag iba yung tingin sa amin nung tatlong guard. Mukha ba kaming kahina-hinala? Mabilis kaming hinila palabas nung mga Guard pero... "teka ano ba? Nyyyyyyyyxxx!!!" sigaw ni boss. Papasakay na ng elevator sila pero hindi nila kami marinig dahil nasa malayo sila. Hanggang sa ayun... Wala na. Nag pumilit kaming pumasok. "Teka masira yung damit koooooo" sigaw ko naman. "Kuyang manong Guard yung buhok magugulo mo na!! Mag siCR na lang kamii!!!" -Dart "oo sa Jollibee Ng pwede mag CR eh! >_<" -Boss Icarus Pero natulak nila kami sa labas at nasubsub kami sa sahig. Pero tumakbo ulit kami at nagpumilit na pumasok sa loob at sa pangalawang pagkakataon humalik kami sa sahig. "ang kukulit nyo ah!" sigaw nila manong Guard. "kayo kaya yung Makulit! Ang damot pa!" sigaw din namin. Lumakad kami at nag-isip kung anong Magandang plano para makapasok. Nang makita namin ang isang delivery Van. Nagbaba si Kuya nung malalaking boxes. Sya lang naman ang nag iisa na gumagawa nun kaya nag palit kami ng damit. May mga extra shirts ako sa loob ng kotse eh. "Kuya." tumingin sa akin si Kuya. Mabilis namim syang inakbayan ni Dart. Mukha atang natakot sya. Tsk tsk tsk. "mukhang kailangan mo ng Tulong?" tanong ni Boss habang nakangiti. Mabilis ang paghindi nya. "hindi nakikita ko kailangan mo ng tulong." pinalagutok ni Boss yung kamao nya. "di ba?" mabilis na "oo! Oo! Oo!" mabait naman pala sya. Sakto lang na tig iisang box yung dala namin. May extra rin na caps si kuya kaya sinuot namin. Habang papalapit sa entrance ay abot abot ang kaba ko. Nakayuko lang kaming apat. Hucha! Nasa dulo pa naman ako! "deliveries para kay att. Lelouch Velvet" tumango sila kuya guard. Nakapasok na yung si Kuya delivery. Sumunod si Ylona, pati si Boss, si Angel at Dart... Ako na lang. Inaaaaa... Yung tuhod ko. "ayus ka lang bata?" tanong ni Kuyang Guard. Mahina pa naman ako sa ganito. "a-ayus l-lang." dali dali na akong nag lakad paloob kahit na hindi ko maramdaman ang mga binti ko. Nakinga na ako ng maluwag nung malapit na kami sa elevator. Pero isang nakakagimbal ang nangyari... "WUUHOOOOOO!!! NAKAPASOK DIN!!!!!! P*TANG *NA! sa wakas!! KALA NYO HUH! MAUTAK TOH BOY!!" sigaw ni Dart sa sobrang saya. Napalingon kami sa mga secu! At tumatakbo na sila palapit sa amin. "hoiiii sabi na nga ba kayo yung kanina eh!!!" Mabilis na tinulak ni Boss si kuyang delivery boy. "bilis!!!! Takboooo" nung makapating kami sa elevator ay nag unahan kaming pindutin yung elevator. Mabilis at walang tigil!!! "t*ng na! Ayan na silaaaaaaa" malapit na sila sa pwesto namin. Tumatalon talon na kami sa kaba! Pati si kuya DB (delivery boy) tumatalon na din at napapasayaw sa pwesto nya. Pag bukas ng elevator ay sobrang dami ng tao. Lahat sila nag silabasan. "hala! Pabebe lumabas ang p*ta! Biliiiiissssssss" pinag tutulak na namin yung mga tao makapasok lang sa loob! "aayaaan na siilaaaaaaa" sigaw ni Ylona. Sinipa ko yung mga pindutan sa elevator. Bahala na kung anong floor kami matapat! "sa 27!!! Sa 27!!!!" sigaw ni kuya DB. Tinignan ko yung 27. "ang taas hindi abot ng paa ko!!!!!!!" pagtingin ko sa may tapat andun na yung mga guard! "f**********ck" buti na lang bago nila mahawakan ang pinto ay nag sara na ito. Puro katahimikan ang nandun ng bilang sabay sabay kaming... "YEEEEEEEEEESSSS!" parang nanalo kami sa basketball laban sa NBA super stars sa sigaw na yun! "T*ng *na mo boy! G*go ka!!!! Hiyang hiya ako sa talino mo! Sh****t" sigaw ko kay Dart. "you're welcome" - Dart. Letche! Naka upo na lang si Boss at na kay kuya DB na yung box na dala nya. Hinabahol nya yung hininga nya. Mabilis naming pinatok kay kuya DB yung mga boxes na dala namin. "boss okay ka lang?" tanong ni Ylona. Tumango lang sya at hindi na nag salita. Pinainom ko sya ng tubig at medyo nabawasan yung pag hahabol nya ng hangin. "t-tulong!" napatingin kami kay Kuya DB. Labas na lahat ng ugat nya sa katawan dahil sa bigat ng binubuhat nya. Hahaha oo nga pala. Pinindot ko muna yung 27 floor bago kinuha yung box. Ako na din ang nag dala dun sa box ni Boss. = 0 = Bilang pasasalamat hinatid namin sya sa 27 floor, nag tanong sya kung saan ang office ni Att. Velvet. Tinuro naman ng babae kung saan pero kinindatan ko sya bago kami umalis nakita ko namang kinilig sya. "lumaki na naman tenga mo, babaero talaga?" natatawa si Ylona habang sinasabi yun. Kaya natawa na din ako. "hehehe Sowe na pogi eh" -ako "hala sya puring puri na naman ang sarili" - singit ni Dart "ingay nyo" - Angel "sorry father" sabay sabay naming sabi nila Dart. Pano parang pari kung manermon. "ito na ata yun" huminto kami nung matapat kami sa isang pinto. Bago kumatok si kuyang DB ay bumukas na ang pinto at tumambad sa amin sila Yuna, Miss Nyx at yung isang lalaki. "aba andito na pala yung pinadeliver ko eh" masayang sabi nung lalaki. "NYYYYYX!!!!" - BOSS "YUNA" - ako, Dart, Ylona Mabilis na niyakap ni boss si Miss Nyx pero pilit din sya nitong inilalayo. "tumigil ka nga Feist!!! Aliiiissss!!!!" naiirita nyang taboy kay boss. "nag-alala ako ng sobra! Akala ko kung ano na ang gagawin sayo ng lalaking toh!!" tinuro nya pa yung katabi ni Miss Nyx. Inangasan nya yung lalaking yun "hoy! Ikaw! Sino ka ba huh?! Kanina ka pa sa school ah! Kala mo di ko nakita na tingin ka ng tingin kay Nyx! May boyfriend na sya kaya lumayo ka na! SPACE!" tinulak ni boss yung lalaki. Napaka globally competitive nya talaga! "Feist!" -Miss Nyx. "what? May Boyfriend ka na?" - tanong nung lalaki pero si boss ang sumagot "oo! At walang iba kundi ako! Ako! Ako! Ako!" - Boss "ano bang sinasabi mo Feist! Tumigil ka nga!!" naiinis na si Miss Nyx sa kulit ni boss "at ikaw sino ka naman? Huh?" tanong nya sa lalaking kanina nya pa pinanggigilan. "Att. Lelouch Velvet, kuya ni Nyx, not biological but still i'm her brother and she's my little sister" sagot nya. "hmmp! Kuya lang pala eh! ( • ̀ω•́ )" boss ano ka baaaaa... Gumalang ka. Pero nung mag sync in na yung sinabi ni Attorney sa utak nya ay "(¯**) whaaa...t? Haaaa?" mabilis na inayos ni boss ang sarili sabay "good evening po kuya. Ako po si Icarus Feist, 17 na po ako, classmate po ni Nyx. (⌒o⌒) hehehe" inilahad nya yung kamay nya. Hay boss boss boss. "Ano ba kase yung ginagawa nyo dito huh??" mahina pero iritableng tanong ng GF ni boss. "kase Miss Nyx bigla na lang kayong umalis eh! Kaya sinundan namin kayo. Tapos ayaw kaming papasukin ng security guard sa baba kaya nag disguise kami" si Dart na ang sumagot sa tanong na iyon at kami puro tango lang ang tugod. "tsss, mga baliw" lumakas na sya paalis kasunod si Yuna. Pumirma muna si Attorney para sa delivery boxes na dala namin at Sumunod na din kami. "iwan nyo na yan!" sigaw nya. "yes attorney" ibinaba namin yung mga box saka umalis. Sabi nya iwan eh. Di nya naman sinabi kung saan. Masakit mang mang-iwan pero kailangan, dahil may mga pag kakataon na mas kailangan nyong pakawalan ang isa't isa kesa ipagpilitan ang mga bagay na alam mong mas lalo lang kayong masasaktan. Pumasok kami sa conference room. "woooow" sabay sabay pa kami sa pag bigkas nun. Pano ba naman kaseng hindi ka mapapawow! Eh ang ganda dito sa loob. Sobrang laking kwarto, salamin ang pader kaya kitang kita yung mga nag iilawang mga sasakyan at mga building sa labas na parang mga stars! Pwede akong mag bike dito sa loob. Parang yung conference room ni Bruce Wayne. "Good evening" sabay sabay na bati ng mga tao sa loob. Kahit ako na overwhelmed sa ginawa nila. Inilapag ni Miss Nyx yung sketch pa ni Yuna. May ipinamahagi yung sexytary ni Att. Lelouch. Hindi ko napigilang ang sarili kong "witwew!" sumipol. Napalakas ata yun dahil napatingin lahat sila sa akin. Pati na rin si Ateng sexytary. Nginitian ko sya nung dumaan sya sa harap ko. Napakagat labi ako nung matapos ko syang tignan mula ulo hanggang pa. "shocks" bulong ko "yung libido mo tumataas" bulong ni Angel. Nag tawanan kami nila Dart. "sshhhh" saway ni Yuna. Umupo na lang kami sa mga bakanteng upuan at tahimik na nakinig. Nagandahan sila lahat sa design ni Yuna kaya napa OO ang lahat. Sisimulan na nilang gawin yung mga designs, at pumipili na lang sila ng mga teen stars psra maging model. "si Ella Cruz!!!! (*O*)/ " - sigaw ni Dart. "si LIZAAAAA!!! ヾ(≧▽≦*)o si Liizaaa" - sigaw ni Angel! At ako? "si Janella Salvador!!!!! ฅ(๑*▽*๑)ฅ!!" Crush na crush ko talaga sya eeeeh!! "hindi dapat si Ella!" - Dart "Si Liza!!! Mas maganda syaaaaaa!" - Angel "no! No! No! No! No! Mas maganda si Janella!" - ako "ssssssssssssshhhhhhhhhhuuuuuttt UP!!!!" bigla kaming tumahimik tatlo nang marinig namin ang nakakatakot na sigaw ni Boss. "stop acting like a stupid spoiled brat! Can't you see? It's very important thing. And you guys are interrupting them. Your talking nonsense. And besides... Si Nyx ang mas maganda sa kanila." Malakas na batok ang natanggap nya kay Miss Nyx. Hahaha ang cute nag bablush sya. Nadadalas na yan. "tss!" - miss Nyx. "gusto ko si Angel ang magiging model?" "sinong Angel?" tanong ng lahat "si Angel Locsin?" tanong ni Yuna. Pero tumingin si Miss Nyx sa iisang direksyon lang. "t-teka... Nag bibiro ka lang di ba?" - Angel. Pero Seryoso si miss Nyx. "hucha" ang tanging na bulong ni Angel. At kami? "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" yun lang ang nagawa namin. Ang tumawa ng tumawa. Hindi na ako makapag hintay. "kailangan pag pasok ng December 25 mailabas na natin ang mga new designs" - miss Nyx. "yup, for sure lalakas ang sales natin dahil bibilihin nila iyon for their gifts to themselves and for the family or friends" - Attorney. Basta excited ako sa hitsura ni Angel. Hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD