NYX'S POV
Pagpasok na pagpasok palang namin ni Feist sa Condo unit nya ay malalakas na tawanan na ang narinig namin at sipol nila Tori na ani mo'y may nakitang sexy at magandang babae.
Ang ingay talaga kahit kelan. Napahinto ako at tinignan yung babaeng nakatayo sa harap ni Tori at Dart.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Wow... Ang ganda nya. Bagay sa kanya yung high heels na suot nya. Napatingin ako kay Feist na tawa ng tawa habang tinuturo yung babae.
Halos maiyak na sya sa tuwa.
Seriously what's happening?
"Hi ate Nyx" Tumingin ako sa bumati sa akin, Si Ylona iyon. Kasunod nya si Yuna "Hi ate" tumango lang ako sa kanila.
"tumigil na nga kayo!!!" teka boses ba ni Angel ang narinig ko? "Angel?..." tumingin sa akin yung babae. "Miss Nyx patigilin mo na nga sila!" Hinubad nya yung dress na suot nya sa harap namin. Pati na rin yung wig na suot nya. "tigilan nyo na ako sa trip nyo pwede ba! Di na tayo bata para pag bigyan ko P kayo sa mga ganito! Hindi ako bagong silang para uto utuin nyo!" nanggagalaite nyang binura ang make up sa mukha.
"halaaa galit na syaaaa..." lumapit si Tori para sya yakapin. "sorry na baby oh wag ka na magalit." malambing ang boses nya pero isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha nya. "hayop kang letse ka DORATORIO KA, kayong dalawa ni Dart may pasimuno nito eh! Dinamay nyo pa si Ylona at Yuna!!" nag walk out sya at pumunta sa kwarto. "honey yung b*a mo na iwan!" sigaw ni Dart.
"mga Bwisit kayoooo!!!" - Angel
"HAHAHAHAHAHAHA" humahagalpak na tawanan ang umaalingawngaw sa loob ng unit.
( ̄へ ̄)
Umupo ako sa sofa at nilabas ang sketch pad ko. I'm not really satisfied sa mga gawa ko. Parang may kulang. "woow ate ang gaganda naman nyan. Yuna tignan mo ooooh" pinagitnaan ako ni Yuna at Ylona.
ICARUS'S POV
habang tinignan ko sya talagang natutuwa ako. Kahapon balak ko nang sabihin sa kanya tungkol sa damdamin ko kung hindi lang talaga ako inatake eh! Pero okay na rin yun. No! Okay na okay yun dahil Naramdaman ko at nakita ko ang panibagong emosyon na meron sya. Patunay na meron talaga syang paki alam. At mahal nya din ako kahit di nya sabihin, alam na assuming tignan o pakinggan pero yun talaga ang sinasabi ng instinct ko at Kahit kelan hindi pa yun pumalya.
Kaya nga nag decide ako na... Pag tapos ng operation at tuluyan na akong gumaling saka ako manliligaw sa kanya para wala ng sagabal kahit sumabog na ako sa kaba. Yung tipong...
*Imagination...*
Puno ng bulaklak ang paligid, kumukutitap Ang paligid, romantic na music ang namuo sa amin, at kaming dalawa magkatitigan lang. Walang Iniintindi kundi kami lang.
Sumasabay ang katawan namim sa music. "Nyx..."
"Icarus?..."
"mahal kita"
"mahal na mahal din kita"
Dahan dahan kong inilalapit ang labi ko sa kanya. Dinadama ang bawat sandali, ang mainit na hangin na nag mumula sa bibig nya.... Ayan na malapit na...
Mag didikit na. Mahahalikan ko na sya... Mmmmmmmmmmmmm....
"boss?" huh? Pagbukas ko ng mata ko si Tori ang nasaharap ko
"haaaaaaaaaaaaaaaaa"
*end*
"waaaaaaaaaaaaah!!! Bakit boss?" tanong nya.
Mabilis na tumakbo si Dart, inalog nya ako ng inalog. "boss boss boss Bakit? Nandyan na naman ba sila? Doratorio kumuha ka ng asin atsaka ng walis tingting pati yung mga dahon na binili ko sa Quapo!!"
Mabilis naman na sumunod si Tori. Alam ko na kung ano ang mangyayari sa akin. "okay na ako!!! Bitawan mo na ako!! Hindi na! Wala lang yung nangyari sa akin nagulat lang ako!!! Okay na talaga ako!!!" aalis na sana ako pero hinapit nya ako sa damit.
"hindi ka okay! Wag ka mag alala boss! Aalisin natin sila sa katawan mo" teka ano bang sinasabi nya? Iba Na ata toh. Nasa extreme level na ba ako? Anong meron sa loob ko? Tekaaa walaaa akong aalaaaam!!!
"Yuna! Ylona!!! Kuhain nyo yung tali bilis!!!" hawak hawak nya pa din ang ako sa mag kabilang kamay.
Ano ba talagang meron sa katawan ko? Σ(っ゚Д゚;)っ
"Alisin nyo sila sa akin!!! Dart alisin mo sila!!! (ㄒoㄒ)" pilit kong inaalis ang pag kakahawak nya sa akin para makita ko kung ano yung nasa katawan ko. Baka mamaya may higad na pala ako!!! "nasaan sila nasaan sila???"
"Dart ito na!!!" inabot ni Yuna ang tali. "itali nyo sya tapos Dalahin natin sya sa kwarto daliii!! Kung ayaw nyong mawala sa atin si Boss ng maaga kailangang alisin natin sila agad!!"
Sinabi ko na nga ba mag higad ako sa katawan eh! "bilisan mo Dart! Kakainin nila ako!! Waaaaaaaaahhhh!!!!" tinali nila ako at dinala sa kwarto. "wag kang mag aalala Nyx mawawala din sila! Jn ka lang hintayin mo ako"
NYX'S POV
Teka...
(︺︹︺) ano na naman kayang kabalbalan yun?
"DAAAARRTTT ITO NA YUNG PINAPAKUHA MO!... Miss Nyx nasaan sila? (⊙.⊙) oh hindi nasaan na sila? Anong gagawin ko? Saan sila nag punta? Baka kinuha na sila ng mga bad spirits!!"
"Tori..." - Me
"oh no, oh no oh no" paikot ikot sya sa harap ko at di nakikinig.
"Tori..." pangalawang tawag ko na yun pero hindi pa rin nya ako pinansin. Ayaw mo talagang makinig huh! Kinuha ko yung throw pillow at binato sa mukha nya. At saka nya pa lang ako pinansin. "nasa kwarto sila" tinuro ko pa yung way kung saan nag lakad sila Ylona. Mabilis naman syang tumakbo palayo. "Hindi mo agad sinabi miss Nyx"
Naiwan lang akong nakaupo dito sa sofa at walang alam sa mga nangyayari. "anong..."
"wag mo silang alalahanin. Normal lang po yun" lumabas si Angel sa CR habang pinupunasan yung mukha nya ng towel.
Normal? Normal pa bang matatawag yun?
"marami talaga silang kabaliwang naiisip. Ewan ko ba kung paano ko napag tiissan yung mga ugali nila. ←_←" -Angel.
Inabot nya sa akin yung Juice saka sya umupo sa tabi ko.
"ang sakit nila sa ulo" -ako
"sinabi mo pa--" napahinto si Angel sa pag sasalita at halos maibuga ko yung iniinom ko sa gulat.
"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHH" sigaw ni Feist yun ah!
"anak ng..." mabilis kaming tumakbo ni Angel papuntang kwarto at sabay pa kaming napanganga sa nakita namin nung binuksan namin yung pinto. ∑( ̄□ ̄;)
Patay ang ilaw ng kwarto at mga kandila lang ang nag sisilbing liwanag nila. Nakaitim na rin sila Dart. Puro bahid ng langis ang Katawan ni Feist at puro tapal ng mga dahon. Nakatali sya sa kama at may...
Wait...
Demon circle ba ang nakikita ko na nakadrawing sa ilalim ng kama nya gamit ang asin?
May hawak din si Tori na walis tingting. Nakaluhod naman si Yuna at Ylona habang may hawak na mga kandila. At si Dart? May hawak syang bible at rosary habang nakatayo sa paanan ng kama Ni Feist.
"k-kayo?" napatingin ako kay Angel na galit na galit sa kanila. Napatingin din sa gawi namin sila. May inilabas na panyo si Angel, winagwag nya iyon at hinawakan ang mag kabilang dulo saka inikot iyon. Lumapit sya sa kanila.
"kayong apat kayo? Nasasapian na naman kayo noh? Wag kayong mag alala, pagagalingin ko kayo ^_^" mabilis na nagsidikitan yung apat na parang magnet.
"\( ̄▽ ̄;)/ hahaha tapos na kami wala na yung bad spirits!!" -Ylona
"ヘ( ̄▽ ̄*)ノ oo na naman Angel wala na talaga sila Hehehe" -Yuna
"v(=∩_∩=)フ oo nga dude wala na talaga sila! Ang galing namin noh?" -Tori
"(*'▽'*)♪ oo nga dude! Kaya wag ka nang mag worry pa!" -Dart
"sumapi sila sa inyo eh nakikita ko." -Angel.
Nakita ko kung gaano sila natakot sa inaasal ni Angel habang inii-ikot yung panyo nya.
Ipinitik nya iyon sa mga pasaway nyang kaibigan. "kayo huh! Namumuro na kayo eh!" sunod sunod na pitik ng panyo ang dumampi sa mga katawan nila. Mabilis na nagtakbuhan palabas ng kwarto sila Yuna pero hinabol pa din sila ni Angel.
"aw! Aw! Dude! Ayaw ko na! Masakit!!!" reklamo nila.
Ako naman... Binuksan ko ang ilaw. Niligpit ang mga kalat nila at tinanggal ang tali sa katawan nya. Gusto kong tumawa sa mga nakikita ko. Grabe ang Epic. Napaka legendary ng mga taong toh.
"ano buhay ka pa?" umupo sya at mabilis na nag inspect ng katawan. "wala na ba sila? Tignan mo, tignan mo!" kabadong kabado sya sa kung ano man na yun. "Nyx tignan mo baka may Higad pa!! Dali! (╥﹏╥)"
Higad?
"pfft Hahaha" nagpa exorcist sya dahil sa higad? "hahahaha"
"Nyx naman eh! Seryoso ako wag mo akong tawanan! Baka mamaya may nakakadiri pang mabalahibo at panget na uod sa katawan ko eh!" Nakasimangot sya habang tinignan ang kamay nya.
"hahaha wala na" kakaiba rin tumakbo ang mga utak nila. Tinanggal nya na yung mga dahon sa noo at iba pang parte ng katawan. "Hala FEIST MAY HIGAD SA HIGAAN MO ANG DAMI!!!" tumayo ako at lumayo sa kama nya.
"NASAAN NASAAN?" Tumayo din sya at tumakbo palayo. "HAHAHAHAHAHA" pano mo makikita kung tumakbo ka agad.
Niligpit ko na ang mga nakakalat na dahon at kung ano ano pang ginamit nila. Maliban sa Bible at rosary na nakakalat lang sa sahig. Dinaan ko lang yun at hindi na binalikan.
Pagdating ko sa kusina ay nilapag ko ang mga dala ko. Si Feist naman ay naka upo lang at may hawak na baso ng tubig. Nag alala naman sila Angel habang nakatingin sa kanya.
Anong nangyari? Parang kanina lang ang saya nila tapos ngayon para silang namatayan. "hahaha grabe Nyx kinabahan ako sa Joke mo! Kala ko totoo na talaga" uminom ulit sya ng tubig. "wala naman yung higad eh. Tinignan kong maigi yun bago binili. Kaya wala yung higad" sabi ni Dart.
"hay hayaan na! Hahaha at least nakaramdam ulit ako ng takot noh! Hahaha... Ay maalala ko lang Dart di ba Monthsarry nyo ng GF mo oh Kamusta na?" tanong ni Feist para maiba lang ang usapan.
Kakaiba yung atmosphere na nararamdaman ko. Parang galit sila... Sa akin.
"ah! Nag Break na kami, ayaw nya daw kase ng cookies na ginawa ko" - Dart.
"eeeeh?" gulat sila sa narinig. "parang nung nakaraan lang ang saya saya mo ah habang nag kukwento anyare?" -Tori.
"nakipag break ba sya sayo" -Tanong ni Yuna.
"ako ang nakipag break noh, pagtapos kung gawin lahat lahat sa kanya. Naging sunod sunuran ako na parang aso mapasaya lang sya. Nung sinabi nyang mag aral ako dahil ayaw nya ng bobong boyfriend... Nag aral ako. Pag sinabi nyang 'baby ibili mo naman ako nito oh' o kaya 'baby kailangan ko kaseng makipag meet sa mga friends ko pwede bang ikaw na gumawa ng projects at assignments ko?' ginagawa ko naman ah! Kase nga mahal ko sya... Ang kaso... Yung cookies ko napinag puyatan namin ni Yun para maging sobrang cute na akala ko magugustuhan nya eh tinapon nya lang sa harap ko... Sa harap pala ng lahat. May dignidad ako noh. Ano porket mahal kp sya aabuso na sya at ipapahiya nya na ako sa mga ka-division ko? F*cking hell no." Kung mag kwento sya parang hindi sya nasasaktan pero makikita yun sa mata nya.
Kung bibig ay saksakan ng kasinungalingan para mapagtakpan ang isang bagay nanjn naman ang mga mata para sabihin ang totoo. Katotohan na ayaw mong ipakita sa iba lalo na kung emosyon ang nakapaloob dun. Kahit anong tago mo malalaman at malalaman yun dahil sa mga mata mo.
Sometimes the eyes can say more than the mouth.
"Bat Hindi na lang si Yuna kase Tol?" si Tori ang nag salita.
Oo nga napansin ko na maasikaso talaga si Yuna kay Dart.
"ano ba naman Tori, si Yuna tropa at ang tropa hindi sinusyota!" sagot naman ni Dart sa kaharap. "atsaka wag mo nang binibigyan ng malisya ang pagiging mabait ni Yuna"
"haaaay... Ang manhid talaga" bulong ni Ylona sa likod ko. Pinatong nya pa ang braso nya sa balikat ko. Tiniis ko ang sakit nun. Tinignan ko yung mga pasa ko sa CR kanina. Naging violet at black na iyon sa katawan ko. Mahaba ang manggas ng damit ko kaya di halata minalas lang talaga ako kay Lelouch kanina.
"ate Nyx!! Ito na po" binigay nya sa akin yung kulay pink nyang sketch pad. I hate pink. "ate pahiram po ako nito huh. Pinakita nya sa akin yung sketch pad ko. Tumango lang ako saka ko binuksan yung kanya at tinignan yung mga designs.
Wow... Talaga bang amateur sya? I think this is it. For sure magugustuhan toh ng board. Ito yung mga hinahanap kong designs. Bago sa paningin, elegant yet simple.
"AAAAAAAAAHHHHHH!" napatingin ako sa tabi ko. "ate Nyx ano ba tong mga drawing na ito?" Mangiyak ngiyak nyang reklamo. Kahit sila Dart bakas ang takot sa mukha. "Dugo ba toh?" tanong ni Feist.
"oo" yun Lang ang sagot ko.
Nag dial ako sa phone. "may nakita na akong mga design sunduin mo kami." pinatay ko na yun at tinext yung address. "Yuna halika na!" hinila ko sya palabas ng pinto saka kami pumunta at naghintay sa labas ng building.