Chapter 12

2115 Words
LELOUCH'S POV Nakita ko sa Mukha ni Nyx ang bakas ng pag kabigla. Tila hindi mag process sa utak nya ang mga sinabi ko. Kaya nga ayaw kong sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyayari sa company pero pinilit na kase ako ng board of directors upang matulungan nya kami. Magaling ako pagdating sa loob ng korte pero sa business... No. Law and Business... Hello ang layo kaya nun! Kung batas lang din pala ang magpapa asenso at mag papalago sa company na toh, kahit buong mag damag ko pa e-state ang fundamentals at constitution eh! Kaso hindi. Oh my... I forgot... Hi I'm Lelouch Velvet, 27 years old, 6 ang height, 10 ang sukat ng sapatos ko, single and ready to mingle. Sabi nila pogi daw ako pero di ako naniniwala dun. I define my self as greek god tinalo ko pa sa kagwapuhan si Adonis. At hindi ako yung tipo ng tao na nagpapatalo. Mataas ang superiority complex at Extrovert ako. "what did you say?... Nalulugi ang kompanya? Bakit ngayon nyo lang sinabi huh?..." napakagat ako ng labi. I know how precious this company to her and it's hurt to tell her this situation. "I'm sorry" yun lang ang tangi kong nasabi. Purong katahimikan lang ang namumuo sa loob ng napaka lawak na kwartong ito. Walang gustong mag salita, walang gustong kumibo, bakas ang lungkot sa mga mata. But I know... Kaya nga si Nyx ang tinawag namin eh dahil kahit papalugi na ang kompanya alam kong makakagawa sya ng madalian at epektibong solusyon. "Now what's your plan?" tanong ko sa kanya. "Before that... Ano muna ang naging dahilan upang malugi ng ganito ang company?" tanong nya sa amin. Binuksan ng secretary ko ang projector, lumabas ang dalawang Line Graph na nag papakita ng mag kaibang rating ng Company. Nakita ko ang pagkadismaya ng Maganda nyang mukha. Saka nag salita at ipinaliwanag ng secretary ko ang hinihinging dahilan ni Nyx. "If I'm not mistaken Miss Nyx, aware po kayo sa kalaban nating company na umangat ng mabilis sa loob lamang ng 4 months. Iyon ay dahil sa pag babago ng kanilang design ng sapatos. Its more Elegant yet simply at talagang tinangkilik hindi lang ng mga teen girls pati na rin ang mga adult women. Sila ang nag pauso ng sikat na design ng stiletto ngayon--" "sa madaling salita, nasawapawan tayo dahil luma at hindi sunod sa uso ang design natin?" tumango ang lahat sa sinabi ni Nyx. "nasaan ang new design na ginawa nyo?" ibinigay ng isa sa mga designers ang 10 folders na nag lalaman ng purong sketch ng sapatos. "ito lang yun?" tanong ni Nyx sa kanila. And that kind of tone... Alam ko kung anong meaning ng tanong na yun. "ito lang ba yung kaya nyong gawin?" Walang nagawa ang mga designers kundi ang yumuko na lang. "okay Fine we don't have a choice. Kailangan nating lumabas sa comfort zone at i-expand pa lalo ang talents natin. Kung ano ang hinahanap ng customers yun ang ibibigay natin. Kailangan nating gumawa ng sapatos na kailangan hindi lang maganda kundi maganda ang kalidad at mura. Kailangan bukas, at exact 5am ipasa nyo sa akin lahat ng designs na maiisip nyo. Gagawa tayo ng stiletto at pauusuhin natin yun." nakita ko kung gaano ka diterminado ang mga mata nya. Wala ng umangal sa sinabi nya hanggang sa natapos ang meeting. Diretso kami sa ceo's office. "hindi ka pa uuwi may pasok ka pa ah" nakaFocus sya sa tambak na mga folders sa lamesa at walang tigil sa pag babasa kaya hindi nya ako sinagot. Pinagmasdan mo lang sya hanggang sa lumabo na ang paningin ko at tuluyan nang nag dilim ang paligid ko. ... ... ... ... ... ... "NO! NOT THIS ONE! ARE YOU SURE YOU CAN CALL YOURSELF A DESIGNER? HUH?" napabalikwas at nalalaglag ako sa sofa bed ng marinig ko iyon. "Ay constitutional Law! Anong meron? Nasaan yung yung criminal? Yung court nasaan na? Nasaan ba ako?" mabilis akong bumangon at nag ayus ng mukha. Kailangan ko pang pumunta ng office Nalulugi na yung company. Nasaan na ba yung mga gamit ko? Kanina pa ako palakad lakad sa kwarto na toh wala yung mga gamit. "um... Sir?" Napatingin ako sa nag salita teka anong--- "ayus lang ba kayo sir? Gusto nyo po ba ng kape?" tanong nya ulit sa akin. Ano bang ginagawa nya sa kwarto ko? ... Umuwi ba ako kagabi? Tumingin ako kanan ko. Lahat pala sila nakatingin sa akin at nag aalala pero si Nyx walang paki alam. Si Nyx?... Teka... Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. s**t nasa office na pala ako. "Attorney Velvet...?" Inayos ko ang polo ko. "Morning Exercise ang tawag dun. Tsaka sige timpla mo ako ng kape. 1 litter huh." umupo na ako sa tapat ni Nyx. 4:59 AM na pala. "hindi ka ba natulog?" hindi sya nag salita. Ano bang tanong yun eh halata naman. "kumain ka na ba?" hindi pa din sya nag salita kaya ang ginawa ko ay sinara ko yung folder na kanina nya pa binabasa. "What the hell Lelouch!" okay galit sya. "tinatanong kita di ba?" "tss" bubuksan nya sa na ulit yung folder pero mabilis ko yung sinara. "okay fine! Hindi pa! Are you happy now? Alisin mo nga yung kamay mo" tinabig nya yung kamay ko ng malakas. Ang payat at ang putla mo na nga di ka pa kumakain. Hay naku Nyx. "may pasok ka pa di ba? Sige na iwan mo na yan jn. Ako na bahala mag asikaso sa mga yan." "Hindi ako papasok" "anong hindi ka papasok?" tumayo ako sa upuan ko at hinila sya. "ano ba? Bat lahat na lang kayo hinihila ako!" pilit syang nag pupumiglas sa hawak ko. "hindi ka pwedeng hindi pumasok! Baka ma miss mo yung important lessons nyo!" patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa parking lot. Diretso kami sa Lamborghini sports car ko. Wow kahit kelan talaga kumikinang ang baby ko sa paningin ko. At dahil wala pang bukas na mall or restaurant ng ganito kaaga ay sa 7-11 kami pumunta. Binilihan ko sya ng lahat ng klase ng pagkain na nandun sa tindahan na yun. Ewan ko ba, di ko maintindihan kung bakit sobrang payat at putla nya. Inaalagaan naman sya ng mabuti ng Auntie nya. Maganda nga ang turing sa kanya eh. Pero di ko maunawaan kung paano sya naging ganito karebelde. Sinasaktan nya pa ang sarili nya at di ko na sya nakikitang ngumiti. Pag Kinakamusta ko si Nyx sa Auntie nya lagi naman daw syang okay. Kahit na pagpupunta ako sa Mansion nila maganda at mabuti ang pakikitungo nila kay Nyx. Hay... Siguro dahil pa rin toh sa pagkamatay ng magulang nya. Hindi nya pa din matanggap hanggang ngayon. "kumain ka ng kumain tignan mo Nyx oh, kahit electric Fan kaya kang tangayin" humigop ako ng kape. "tss" tinignan ko sya habang kumakain. Huh? Parang hindi nya Masyadong naigagalaw yung braso nya. Kinuha ko iyon saka Tinignan ng mabuti. "ang dami mong pasa ah! Saan mo nakuha yan huh?" tinignan ko pati yung kabilang braso nya pati yun meron. Umiwas sya ng tingin saka hinigit ang braso nya pabalik. "Nyx!" "tingay ako ng electric Fan" sinong niloko mo. "pwede ba Ny---" "wag mo na lang kaya ako paki-alaman, pwede ba yun?" tinuloy nya ang pagkain kaya di na nya ako pinansin. "kakausapin ko ang Principal ng school nyo, sobra na ang pambubully sayo ng mga schoolmates mo. Matagal nang may nilabas na batas laban sa pambubully. Ipakukulong ko yung mga magulang nila kahit maubos pa ang studyante sa Montenegro University walang akong paki-alam" inubos ko ang kape sa baso ko sa sobrang inis. Hindi ko pwedeng pabayaan si Nyx noh. Baka mamaya multuhin ako nila Tita At Tito dahil pinabayaan ko sya pagkatapos ng lahat ng tulong nila sa akin. Atsaka... Kapatid na ang turing ko sa kanya and as her Big Brother its my responsibility to make her safe. Tumayo sya "halika na" aalis na kami? Di nya pa nga naubos yung mga pagkain nabinili ko eh. Mabilis kong kinuha yung mga pagkain at sinilid sa plastic. Ipapabaon ko na lang sa kanya yung mga Dutchmill at mga cookies na toh. =0= Hindi nya ba alam ang mga nangyayari sa loob ng school na ito? At kung makapag tanong ng "Ano pong ibig nyong sabihin Att. Velvet?" eh kala mo kaka enroll nya lang dito. "wala naman pong nababanggit o nahahatid na reklamo sa amin tungkol sa mga ganyang bagay. Alam mo namin ang kalagayan ni Miss Schultz Attorney kaya po talagang iniingatan namin sya dito. Nagiging unfair na nga po kami sa ibang students sa school na ito." So ano gusto mo pasalamatan kita sa pag bibigay ng special treatment kay Nyx. Lahat na ipinaliwanag nya sa akin pero hindi ako kumbinsido. Maaaring wala talaga silang alam dahil patago ang ginagawa ng mga students na yun kay Nyx. Ang bata lang talaga na yun ang makakapag bigay sa akin ng totoo pero impossible naman na aamin sya. "Okay, Thank you for your time Mrs. Pille" nakipag shake hands lang ako sa kanya sabay alis. Dadaanan ko muna si Nyx sa room nya. Habang nag lalakad ako panay ang bulungan ng mga estudyante at ngitian. Hay... Alam ko gwapo ako tama na. Napapailing na lang ako sa mga nakikita at naririnig ko. Nang makarating ako sa room ni Nyx sinilip ko sya. Nandun sya sa pinaka likod. Wala pa yung homeroom teacher nila kaya sobrang ingay. "excuse me Sir" tumingin ako sa likod. May lalaki na malungkot sa likod ko. Pinadaan ko sya, classmate siguro sya ni Nyx. "Good morning Icarus!!" wow. Ayaw naman mag sabay sabay ng mga classmates nya. Pero hindi sya sumagot o kahit ngumiti man lang. Ang aga aga alburuto agad mukha. Inilapag nya ang bag sa katabing mesa ni Nyx saka Tumayo lang sa gilid nun habang nakayuko. Si Nyx naman ay busy sa pag du-drawing for sure design yun para sa project namin. Kinuha nung lalaki yung upuan nya saka umupo sa gilid ng Mesa ni Nyx. Huh? Close ba sila? Bat walang nababanggit sa akin ang batang toh? May kinuha si Nyx sa bag nya, yung Dutchmill yun nabinili ko sa 711 at ibinigay nya sa lalaki. Yung kaninang nakabusangot na na mukha nya at napalitan ng pagkalaki laking ngiti. Hindi naman sila ng uusap na dalawa pero nakikita ko na mag eenjoy sila. Especially si Nyx, nagulat ako. Hindi sya ngumiti pero yung aura na meron sya... Kakaiba. Nang makita ko yun feeling ko safe sya sa kamay nung lalaking yun. At ang gaan sa pakiramdam ng makita syang masaya. Sa tagal ng panahong Kahit katiting na ngiti ay di ko nakita sa kanya... Nakakamiss. ICARUS'S POV Kanina ko pa napapansin yung lalaki na yun na nakatingin sa amin. Ano kayang problema nun? Ito naman si Nyx busy sa pag du-drawing mga sapatos. "Nyx alam mo si Yuna mahilig din mag drawing ng ganyan" mabilis syang tumingin sa akin. "maganda ba?" bakit parang interested sya. "uummm... Ewan ko. Hindi naman kase ako mahilig dun eh" pano ko ba malalaman kung maganda o hindi? "Nyx hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako sad?" umiling lang sya. Uminom na lang ako ng Dutchmill. "tanungin mo ako Dali!" hindi sya umimik. Wala ba talaga syang pake??? (╯3╰) "hmm. Inantay kita sa Gate. Tapos sabi ni kuyang guard may kasama ka daw na lalaki sakay ng Lamborghini" Hindi pa din sya nag salita. Yumuko ako "nagseselos ako..." mahina lang ang ppagkakasabi ko nun yung tipong hangin lang ang lumabas pero napansin kong huminto si Nyx kaya napatingin ako sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko nasusunog ang mukha ko sa init. Nakita ko yung lalaki na tatawa tawa sa labas ng pinto. Kaya sinungitan ko sya. "hmmp!" sya siguro yun. Nakakainis! "tss" yun lang yung narinig ko sa kanya saka patuloy na nag drawing. Yung akala ko na wala syang sasabihin ay may lumabas sa bibig nya "don't worry makilala mo rin sya." ouch! "sige tapos sasapakin ko sya" inubos ko ang laman ng Dutchmill ko. "... Pero di mo naman sya Boyfriend di ba?..." natuwa ako nung "oo" ang sagot nya. Syempre ako na ang boyfriend mo kaya di pwede na may boyfriend pa syang isa. "punta tayo mamaya sa Unit ko huh. Namimiss ka na nila Yuna. Atsaka ipapakita ko sayo yung mga drawing nya." tumayo na ako para bumalik sa sarili kong desk. "yan din ang plano ko" Dumating na yung teacher namin kaya di ko na narinig yung sinabi ni Nyx dahil mahina lang ang boses nya. Wala na din yung lalaki sa pinto kanina, sino kaya yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD