Pinuntahan namin si Luis, kinulit namin ito na ibigay ang address ni Jhanina. Pero hindi talaga niya sinabi ang tinitirhan ni Jhanina. Hindi niya daw alam. Hindi daw kasi sinasabi nito ang address ng bahay nila. Para iwas media daw at tapos na raw mag recording si Jhanina ng bagong album niya. Kaya hindi daw pupunta ngayun si Jhanina. Kaya ang naisip ko yung dating bahay niya.Matagal na akong hindi pumupunta dun. hihintayin ko na lang siya dun. Baka makita ko na siya ngayon. Kinabukasan umaga pa lang naghihintay na ako sa bungad ng skinita.Nakikipag kwentuhan ako sa mga tambay. Binilihan ko sila ng inumin. Nagdala din ako ng mga groceries sa mga tao dito. Kanina pa ako wala pa rin si Jhanina hanggang dumating na ang hapon. ***JHANINA POV#** Samantalang dumaan muna ako sa Baclaran. Bago

