Pinuntahan namin kinabukasan ang restaurant na sinasabi ni Jaycob. Nakita ko si Mamita. Galit ito sa akin ng Makita niya ako. "Bakit mo siya dinala dito Marco?" Tanong niya kay Marco. "Wag kang magalit sa kanya Mamita ako Ang nagpilit sa kanya." Sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama. "Ano naman ang kailangan mo bat nais mong nakapunta dito. Wag mong sabihin na nais mong arkilahin ang restaurant para sa kompanya mo. Hindi ako maniniwala dahil siguradong hindi ka papayagan ng mama mo at Hindi rin naman ako papayag na madawit ang restaurant ko sa inyo." Mataray na Sabi nito. "Ahhm. Ang totoo niyan Mamita nais sana kitang makausap." Sabi ko sa kanya. "Naguusap na tayo Gabriel sabihin mo na kung ano ang kailangan mo sa akin. Dahil marami kaming ginagawa Hindi kagaya niyo wala ak

