Simula
Lingid sa kaalaman ng nakararami ang nakakubling isla sa Karagatang Pasipiko. Isang regalo ang isla na nagpapangalaga sa kanilang lahi, at... isang sekreto upang matigil ang walang humpay na pagbanak ng dugo sa kanilang lahi laban sa gustong pumuksa.
Ito ay ang isla Pitchu.
Sa parteng Timog-Silangan ng Pitchu nakatayo ang Pamantasan na nangangalaga ng mga taong lobo. Simula ika-16 na siglo pa ito nakatayo sa tuktok ng bundok El Recuerdo. Kilala na ang paaralan sa purong puno at kulay berde nakapalibot dito, ang sari-sari ditong hayop pati na ang iba't iba nitong klase. Napapanatili ang kanilang pamumuhay dahil sa protokol ng gobyerno; dahil sila ay puro predator at natural ang komunsumo ng karne, hinahayaan silang mangaso basta't nasisigurong ayon ito sa pangangailangan.
Sa loob ng mahabang panahon, mapapasailalim ng Pamantasan ang dalawang shifters. Ang isa na nais maghiganti at mahanap ang sagot, habang ang isa'y hinahanap ang kanyang silbi.
˚₊‧꒰ა ☆ ໒꒱ ‧₊˚
Hinahangaan si Red sa Enceladus University bilang isa sa mga kilala, maimpluwensiya at makapangyarihang shifters. Dagdag na rito ang kanyang talino, husay, at mga nakamit niyang tagumpay. Kahit sino ay luluhod sakanya upang mabigyan ng pabor. Isang pabor na ang mabigyan ng iskolar ng Pamantasan, lalo na't tito niya ang tsanselor.Sa likod ng kanyang kalmadong ugali ang kumukulong galit at pagnanais na makahiganti sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Isa pa sa kinakaharap niya ang pagpupumilit ng kanyang tito na hanapin ang kanyang kabiyak sa edad na bente tres habang nasa huling taon niya sa kolehiyo.