Rinig sa apat na sulok ng gym ang tunog mula sa bawat suntok ni Red. Basa ng pawis ang suot niyang sleeveless, tumutulo na rin mula sa mukha ang buo-buo ng pawis. Hindi niya inabalang punasan ito at nagpatuloy lamang sa pagpapakawala ng suntok. Abala ang isip niya sa nakitang dokumento sa bahay ng kanyang mga magulang
"Sama ka sa'kin?" Aya ni Red kay Shane matapos ang training nila sa boxing. Wala silang pasok dahil ngayon sana ang schedule nila sa propesor na pina-cancel ang kanilang klase sa buong linggo. Tumigil sila sa paglalakad at tumingin sa kalangitan. Maaliwalas ang langit, payapa sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Tinapunan ng tingin ni Shane si Red, kalmado ang mukha ng kaibigan, sunod niyang tinignan ang kamao, unti-unting bumalik sa normal na kutis ang kaninang pulang kamao.
Nabigla si Red nang nilundagan siya ng kaibigan, binigay pa sa kanya ang bigat matapos inangkla ang kamay sa may leeg niya, halos nasakal na siya. "Ano ba?" Reklamo niya ngunit habang tinatanggal ang kamay sa leeg ngunit malakas ang dalaga, tinatawanan pa siya, at hindi nakakatulong na nakakahawa ang tawa niya, kaya mas lalo siyang nahihirapan huminga dahil nadadamay siya ng kaibigan.
Tumigil ang kaibigan niya sa tangkang sakalin siya, ngunit nasa leeg parin ang kamay. "Where?" Tanong niya. Akala ni Red ay titigil na si Shane, nang sinumulan na naman siyang kinaladkad ng kaibigan pakanan at pakaliwa, pabalik-balik ito kaya pabalik-balik rin sumunod katawan ni Red sa kaibigan upang hindi masakal.
"Papawis tayo" Nabitawan ni Shane ang leeg ni Red sukad sa narinig. Hinawakan agad ng dalaga ang leeg niya habang napaubo. Tumaas ang kilay ni Shane at nilagay ang kamay sa bewang at hinarap si Red. Nakataas man ang kilay ng dalaga ay bakas naman na naguguluhan siya. Katatapos lang nila mag gym... tapos yayain siyang magpapawis? Parang sinasabi na rin na gawing times two ang set nila kada magbubuhat. Mas lalong lumukot ang mukha ni Shane nang nagpatuloy ang dalaga. "Ano sa tingin mo? Ang ganda pa naman ng panahon"
"Yeah, the weather is clear. Very unlikely to your head, I think it's clogged" hindi makapaniwalang saad ni Shane.
"My head's fine" kaswal na sagot ni Red. Nakakainsultong matawag siyang mahina ang utak, ngunit sanay na siya sa bibig at ingay niya. Hinaksi niya ang kamay ng kaibigan nang sasakalin na naman siya.
Nagtinginan at dalawa at binigyan ni Red ang kaibigan ng isang nakakalokong ngisi. "Ready na?"
"You know this is ridiculous, right?" Naluluging wika ni Shane at umayos ng posisyon.
"Ayaw mo ba?" nanghahamon ang boses ni Red. Nakataas na rin ang kilay niya at determinado sa gagawin. Halos lumuwa ang mata ni Shane nang makita ang ekspresyon ng kaibigan, minsan lang siya gumanyan kaya parang nakakita siya ng lobong walang palahibo.
Tumuwa si Shane at hinampas ang abaga ni Red, hinampas pa niya ulit nang matauhan na kinompara niya ang kaibigan sa isang panot na lobo. Ngumisi lang si Red sakanya at hawak-hawak ang abagang pinaghahampas. Napansin niyang huminga siya nang malalim si Shane at nagsalita.
"It's been a while since we last did this" Akala ni Shane ay makakatanggap siya ng sagot kay Red ngunit tikum ang bibig ng dalaga.
Gabi bago ang araw na 'yon ay pumunta ulit si Red sa mansyon ng namayapa niyang mga magulang. Siyam na taon na ang nakakaraan nang huling beses siyang nakadalaw sa mansyon. Malamig at mabigat ang simoy ng hangin, inayos niya ang suot na puting jacket at huminto sa tapat ng gate. Hinayaan niya sa labas ang kotse dahil hindi rin naman siya magtatagal. Gano'n parin ang ayos nito sa huling dalaw niya, mataas ang bakod ng gate, kulay itim ito at makikita sa hitsura ng pintura na ni-re-repaint. Bubungad mula sa gate ang maluwag na harden, may fountain ito sa gitna na pinaganda lalo ng iba't ibang kulay, sa may di-kalayuan naman ang isang set ng coffee table na pinalilibutan ng kulay pink na rosas. Mapait na ngumiti si Red sa mga nagsibalikang alaala.
"Magandang gabi, Miss" Bati nang nakaabang na kanilang kanang kamay na si Paciano. Binuksan niya ang pinto at sumunod na dalaga. Walang narinig na kahit anong salita si Red mula sa matanda, ibinigay lang sakanya ang hinihinging susi at dumistansya upang makapag-isa. Nilibot ni Red ang buong mansion, walang nagbago sa lahat ng gamit, tanging pagtanggal alikabok lang at pagpapanatili sa kalidad lang ang ginawa ng mga katulong. Ayon na rin ito sa pakiusap niya kay Paciano. Ang mga koleksyon ng ama na mga painting ay nakasabit parin sa receving area at hallway ng mga kwarto sa apat na palapag. Ang mga antigong gamit ay naka-display parin sa bawat sulok, kung noon ay natatakot siya rito dahil kakaiba ang itsura... ngayon naman ay natutuwa siyang meron sila nito. Ang lahat ng mga furniture at kitchenware sa mansyon ay handpick ng mama niya. Malinis ang mga ito at nagagamit parin. May munting ngiti sa labi si Red habang hinahawakan ang mga ito. Buhay na buhay sa kanyang isipan ang mga memorya ng kanyang mga magulang. Pinanghahawakan niya ito sa pagpapanatili ng kanilang tahanan.
Ang kinaibahan ng buong mansyon sa study room ng kanyang mga magulang ay ang magulo nitong silid. Nanginginig ang kamay ni Red habang binabalik ang susi sa bulsa, tumambad sa kanya ang madilim at maalikabok na silid, bawat sulok nito ay puno ng cobwebs, pati na rin sa ceiling. Sa kaliwang bahagi ng silid, may nagsilaglagang mga libro sa istante. Receiving area ang kanang bahagi nito, wala sa wastong ayos ang couches, basag ang salamin na mesa at nakakalat ang mga papeles. Palakas na palakas ang kabog ng dibdib ni Red habang kinakapa ang switch ng ilaw. Nahihirapan na siyang huminga sa sobrang lakas ng kabog at sumisikip na rin dibdib niya. Humihina ang kanyang tuhod at tuluyang napaluhod sa sahig hawak-hawak ang dibdib, pumipikit ang mata niya tuwing nakakaramdam ng matalas sa puso. Tanging ang mahinang pagsuntok lang niya sa dibdib at kuyom ng kamao sa kabilang kamay ang kaya niyang gawin. Unti-unti, sinubukan niyang huminga, kapos pa no'ng una dahil naghahabol pa siya ng hininga. Ayaw niyang tawagin si Paciano, wala dapat siyang alam sa nangyari at ang rason bakit bumisita si Red. Nagawa niyang tumayo at nagkalad ulit at pinagpatuloy ang pangangapa sa pader hanggang nabuksan ang ilaw.
Lumiwanag ang paligid, mas naging malinaw ang magulong silid na inabutan niya kanina. Bakas dito ang huling sandali ng kanyang mga magulang. Walang bahid ng dugo o force entry ang silid, kaya nanatiling misteryo ang totong nangyari. Pinakiramdaman ni Red ang kwarto, lumalim ang kanyang hininga, dinamdam niya ang daloy ng enerhiya niya sa katawan mula ulo hanggang talampakan pati ang kalamnan at organs. Binago niya ang daloy nito at pinukos sa kanyang mata hanggang makapaglabas siya ng awra.
Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay nagawa niyang buksan ang third sight. Sari-saring kulay sa kagamitan ang nakita niya. Humakbang siya sa nagliliyab na kulay dilaw na mesa, working table ito ng kanyang ama. Nang malapitan ito, may nakatayo ditong frame ng family picture nila at kulay asul ang nakapalibot. Naluluha si Red at pinipigilan niya lang itong kumawala, wala siyang oras umiyak. Pinasadahan parin ng mga daliri niya ang mesa kahit maalikabok, pati ang mga drawers nito ay hindi niya pinalampas i-check. Nais niya lang ma-refresh ng utak niya lahat tungkol sa kanila. Nangungulila parin ang dalaga ng magulang, lalo na't nawala sila sa mura niyang edad at hindi laging nakakasama. Napangiti si Red ng makita ang photo album na nakatago sa huling drawer. Nagkukulay pink ang lahat ng lawaran dito na puro litrato ng kanilang pamilya.
Tumayo si Red at nagtungo sa istante ng mga libro, ang iba nito ay naka-plastic cover habang ang halos. Kinuha niya ang nasa pinakailalim at nasa sulok, naintriga siya sa kulay nitong kahel, halos lahat ng libro sa silid ng kanyang ama ay kulay sa kahel dahil sa nakakabit nitong stress. Kaya nakakapanghinala ang kulay lila. Pagbukas niya ay puro sa trabaho naman ang buong laman ng text. Pabalik-balik na siya sa unang pahina hanggang sa huli nito ngunit wala parin. Hindi pwedeng magkamali ang kulay lilang nakikita niya sa libro. Umupo siya sa couch ng receiving area nila at hinilamos sa mukha ang kamay. Bumuntong hinala at binuklat muli ang libro at naglaan ng isang oras upang basahin ang buong libro. Lumipas ang isang oras na ginugol niya sa pagbabasa at natigil nang may tumawag. Agad siyang kumapkap sa kanyang bulsa at kinuha ang cellphone.
Tinignan muna ni Red ang caller ID bago sumagot. "Oh?" Tinungo niya ulit ang istante at binasa ang titulo ng mga libro sa bawat book spine.
"Can you be more friendly my dear?" Masiglang bati sa kanya ni Shane. "Hindi na" Mabilis na tugon ni Red. Umungot si Shane sa kabilang linya, naririnig ito ni Red at napatawa nang mahina. Alikabok na ang buong katawan at damit ni Red pero patuloy paring binabasa ang text sa book spine. "I call since I have news for you" Bakas sa boses ni Shane ang pagkasabik sa ibabalita, hula ni Red ay umupo pa ang kaibigan mula sa pagkakahiga. "You know Vice Pres... right?"
"Yeah" puro kahel parin ang nakikitang kulay ni Red sa mga libro. Sinunod niyang hinagud ang pangalawang hilera sa istante.
"Guess what!"
"Ano?" Hindi interesadong tugon niya.
"Secret! Hindi ka naman makikinig" Pikong saad ng kaibigan. Mahinang tumawa si Red sa pagdradrama ng kaibigan, binabasa niya parin ang title ng mga libro. "I'm in—" Naputol niya ang sinasabi nang madampis sa daliri niya ang sirang cover ng libro, simpleng colorless lamang ito na plastic. Nadako ang tingin ni Red sa librong nasa mesa, kulay maroon ang book cover na hard paper. Tumigil si Red sa pagbabasa sa book spine at mabilis na binalik ang atensyon kay Shane. "Tatawagan kita mamaya, bye" Hindi na niya inantay na sumagot ang dalaga at binaba agad ang tawag.
Nagsisimula na namang kumabog ang kanyang dibdib at nanginginig ang kamay na humawak sa libro. Binuklat niya parin ang cover page nito kahit matanggaNasal na ito sa pahina. Matapos matanggal ni Red ang maroon na cover page, tumambad sakanya ang isang nakatuping papel. Tama nga siya, ito ang nag-iisang kulay lila.
Nabasa na niya ang lahat na laman ng dokumento ngunit isa lang ang naiintindihan niya. Isang matagumpay na eksperimento ang nagawa ng kanyang mga magulang.
Nagtagumpay ito. Kaya bakit tila labis na nakakot ang kanyang mga magulang? Lalo na't sila mismo ang nagsagawa nito.