Precious POV
Umiiyak parin ako paglabas ko ng office. Sumandal ako sa pinto at doon inayos ang sarili.
Nang makitang ayos na ko ay saka ako nagtuloy sa elevator.
"Where are you going, piece of trash? " mataray na tanong sakin ni maam Izella.
Kalalabas nya lang ng elevator.
"Ahm uuwi lang po sandali Maam, Izella. May inuutos po kasi sakin." pagsisinungaling ko.
'Wala ako sa mood makipagtalo kay higad ngayon.'
"Is Aljon inside the office?" maayos na tanong nya. Tumango lang ako bilang sagot saka na umalis.
Sumakay ako ng elevator.
Habang pababa ang elevator ay dumadami din ang sumasakay. Hanggang sa magsik-sikan na.
"Arayy.." daing ko nang hindi sinasadya ay naapakan ako nang nasa harap ko.
"Hey! people. Dahan dahan nga kayo, can't you see?? may tao dito sa likod." napalingon lahat ng sakay ng elevator sa likod. Doon kasi nanggaling yung boses na sumigaw.
"Sorry po madam Alta." hinging paumanhin nang mga empleyado.
"Are you okay, Miss?" napalingon ako sa likod ko nang may humawak sa balikat ko.
Isang magandang babae na may edad na ang bumungad sakin.
'Hala! ang ganda nya! hitsura palang mukha ng mayaman.'
Naka white dress sya tapos may gold necklace sya sa leeg. Malaki yung kwintas nya diko alam kung anong tawag don, tapos may bracelet din na silver.
Mayaman nga.
"Ah, ayos lang po ako hehehe. Kayo po? ayos lang po ba kayo dyan? baka po naiinitan na po kayo. Hehe" nahihiya kong sabi.
Ngumiti sya sakin saka tumango.
"Are you okay? why are you blushing?" tanong nya na sinipat pa yung magkabila kong pisngi.
Whuaahh hindi pa pala nawawala yung pamumula ng pisngi ko galing sa sampal sakin ni maam Izella huhuh..
"Ah. Ganto po talaga ako pag naiinitan, Namumula hehehe." palusot ko. Gizzz ang bait nya sakin and yet what I'm doing now?? nagsisinungaling ako sa kanya.
Napapitlag ako nang haplusin nya yung mukha ko Pinagmasdan nya ako, at ani mo'y may naaalala.
Malungkot ang kanyang mga mata.
'May pinagdadaanan kaya sya?? kawawa naman.'
"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ko saka hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.
"Ah. Y-yeah. S-sorry. may naalala lang ako." aniya saka ngumiti. Ngumuti din ako saka na humarap sa pinto ng elevator. Napapa isip tuloy ako kung bakit sya biglang nalungkot?
'Precious, you're being chismosa na naman.'
Hehe sorry na brain, curious lang ako hihi.
*TING!*
Bumukas yung elevator dahil nasa ground floor na kami.
"Ahm sige po, Ma'am mauna na ho ako. " nilingon ko yung ginang saka nagpaalam at ngumiti. Nginitian nya din ako saka tumango kaya tinalikuran kona sya at lumabas na ng elevator.
~*~
Nang marating ko ang bahay ko ay agad akong naupo sa sofa. Napasabunot ako sa ulo ko at napayuko.
'Dahil mahal mo ako.. Diba mahal mo ako? sinabi mo sakin yon kamakailan lang, pero bakit ngayon may iba kana? bakit hindi mo ko hinintay.'
'Dahil mahal mo ako.. Diba mahal mo ako? sinabi mo sakin yon kamakailan lang, pero bakit ngayon may iba kana? bakit hindi mo ko hinintay.'
'Dahil mahal mo ako.. Diba mahal mo ako? sinabi mo sakin yon kamakailan lang, pero bakit ngayon may iba kana? bakit hindi mo ko hinintay.'
Hindi kita maintindihan sa parteng sinabi mo na bakit hindi kita hinintay?
Para saan pa?
May Izella kana, tapos gusto mo manatili pa rin ako??
Pano naman ako? wala na ba akong karapatan maging masaya?? dapat ba sayo nalang lagi iikot ang mundo ko?? dapat ba ikaw na lang lagi ang susundin ko??
Pano naman ang mga kagustuhan ko.
Gustuhin ko man manatili sa tabi mo pero hindi pwede. May magagalit at masasaktan.
Gustuhin ko man piliin ka pero paano, may girlfriend ka at kayo pa, samantalang ako isang reserba lang na naghihintay mapansin mo.
Hindi madali ang kalagayan ko. Para akong nanlilimos ng atensyon ng ibang tao mapansin lang ako.
"Ang daya mo naman kasi universe. Pinapahirapan mo ko ng ganito samantalang yung iba dyan ay gumagawa ng hindi tama. Nang-aagaw ng may karelasyon para lang mapunta sa kanila ang gusto nila, Pero hindi mo hinahayaang masaktan sila gaya ng ginagawa mo sakin. Unfair ka! huhu, gusto ko lang naman ay magmahal at mahalin ako pabalik. Hindi ko naman hinihiling na masaktan ako." tumulo ang mga luha ko kaya napatingala ako.
"Hindi na ba talaga ako pwedeng maging masaya?? wala na ba talaga akong karapatan maging maligaya sa piling ng iba??
Kasi sa buong buhay ko never kong naramdaman na may nagmamahal sakin. Na may ibang taong nakaka appreciate sakin bilang tao. Na may ibang taong nagpaparamdam sakin ng caring.
Ni isang beses hindi ko naramdaman yun. Kahit isang beses walang nagparamdam sakin non. Dahil simula palang, wala na'kong nakagisnang magulang. You're really being unfair, Universe." natutop ko ang ibibig ko dahil napahagulgol na talaga ako.
OA man tignan pero yun ang nararamdaman ko.
Nasasaktan ako ng wala sa linya.
Alam ko na wala akong karapatan na isumbat sa universe ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa simula't sapul--- Ako, Ako ang may mali. Ako ang may kasalanan. Dahil masyado akong nagpaka tanga, nag assume at umasa.
Alam kong hindi tama pero nagpatuloy parin ako.
'Mas pinili kong umasa kahit na alam ko naman wala kaming pag-asa.'
Siguro nga tama si maam Izella na dapat nung umpisa palang ay nilayuan kona si Ser.
Na dapat umiwas na ako.
Dahil kung noon palang ginawa kona 'yon? siguro hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.
'Sakit na hindi mo dabat nararamdaman dahil wala namang kayo. Wala kayong label at malabong magkaro'n kayo dahil may girlfriend sya.'
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ng utak ko.
Whueeee Huhuhuhu. Bad ka brain! nahihirapan na nga ako dito gagatong kapa hmp!
'Nagsasabi lang ako ng totoo'
Napa buntong hininga ako saka pinunasan ang mga luha ko
Kinuha ko ang laptop ko at nagbukas ng site.
"Good afternoon, Ms. Precious G. Altamara. Just to inform you of your exam results, click the link below." basa ko sa lumabas sa screen ng laptop ko.
Kinakabahang kinlick ko yung link na tinutukoy sa screen.
Habang naghihitay ay hindi ako mapakali dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Whuaaaah Nakalimutan kong ngayon nga pala labas nung result nung Online exam ko! gizzz
'For sure failed ako Whueeee huhuhu. Hindi ko kasi to napaghandaan nung tinake ko sya.'
Nung nag loading na yung link, Unti-unting lumabas yung mga keme-keme sa internet.
"Hi! Precious Altamara, you've got 89.89% points on your test. But we are sorry because you failed the exam. Come again next time! Good luck!" nanlambot ako sa nabasa ko at pabagsak na naisara ko ang laptop ko.
"I failed." nasambit ko sa sarili ko.
Naluluhang napa dungaw ako sa bintana. Mukhang nakikiramay sakin ang panahon dahil biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan.
"Wala na. Wala na lahat ng pinangarap ko." muli ay sambit ko.
Bagsak ang balikat na humiga ako sa kama ko
Ang sama ng pakiramdam ko, pakiramdam ko ay lalagnatin ako.
Lumipas ang mga oras nang hindi ko namamalayan. Nagising nalang ako dahil nilalamig ako at ang init ng buo kong katawan.
Tumayo ako sa kinahihigahan at dumampot ng kumot at unan saka tinapal sa nanlalamig kong katawan.
Muli akong bumalik sa pagtulog pero wala pang tatlong minutong nakapikit ang mga mata ko nang magsimulang tumunog ang cellphone ko.
* Egg is for pancake, hotdog is for putlong, bacon is for breakfast.. Yum! yum!*
* Egg is for pancake, hotdog is for putlong, bacon is for breakfast.. Yum! yum!*
* Egg is for pancake, hotdog is for putlong, bacon is for breakfast.. Yum! yum!*
*Egg---*
"Hello." sagot ko sa tawag sa may nanghihinang boses.
"Good eve, Girlfie!" si Jeff pala. Ang saya ng boses nya.
"Good eve, Boyfie.. Bakit ka napatawag?" walang gana kong sabi.
Honestly, wala talaga akong lakas kahit na magsalita manlang.
"Girlfie, ayos ka lang?? bakit parang matamlay ka ata??" bakas ang pag-aalala sa kanyang tono kaya napangiti ako ng bahagya.
"Nukaba boyfie, ayos lang ako baka pagod lang 'to. Ipapahinga ko nalang muna." ngiting sabi ko. Bumibigat na talaga talukap ng mata ko, pinipilit ko lang idilat.
"Ah ganon ba, Girlfie. Sige girlfie magpahinga ka muna. Nasan kaba ngayon?" pagkuway tanong nya.
"Nasa bahay na ko, Boyfie. Wag kanang pumunta ng office baka mapagod ka lang. ibababa kona 'tong phone Inaantok na talaga ako e. Sige salamat." hindi kona sya hinintay makasagot at binaba kona ang tawag.
Saka muling natulog..
~*~
"Ugh! hmmm.." nagpa biling biling ako sa higaan ko dahil talagang ang sama ng pakiramdam ko.
"Ate Presss, bangon ka muna. Kumain ka at uminon ng gamot. Kasi e, ang tigas ng ulo." napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Christel Mae?
"Christel Mae? a-anong ginagawa mo dito??? saka pano ka naka pasok??" gulat na tanong ko.
"Naku ate Precious. Hindi mo nga sinara yang pinto ng bahay mo. Iniwan mong naka buyang-yang yan dyan. Pano nalang kung masamang tao ang pumasok dito? kamusta ka? tsk. Buti nalang at pinuntahan kita dito kagabi. Sabi kasi ni kuya Jeff may kakaiba sayo nung tinawagan ka nya, E hindi naman sya pwedeng umalis dahil may shift sya. Kaya ako nalang ang pumunta." umiiling-iling nyang sabi.
Napa pout naman ako dahil sa sinabi nya.
'Whueee.. Huhuhu. Nakukunsensya tuloy ako. '
"Kamain kana at uminom ka ng gamot para mabawasan yang sakit ng nararamdaman mo. " dagdag pa nya. Napalingon naman ako sa kanya.
"May gamot bang nakakawala ng sakit ng nararamadaman?" gulat na tanong ko kasabay ng mabilis kong pag-upo.
'Whuaaaahh!! ang sakiitt ng ulo ko naalog ata utak ko'
'Teka, Meron ba ko non?'
Napa hawak ako sa sintido ko dahil bigla akong nahilo hmp!
"Oo malamang! " nawiwirdohang sagot nya.
"Pahingi ako. Ayoko ng maramdaman 'tong sakit sa dibdib ko, masyado ng masakit. Kasi naman kasi e. Bbakit pa kasi ako umasa e wala naman syang sinabing umasa ako." *pout*
*Poink!*
"A-aray! ano ba Christel Mae! ba't kaba nambabatok." inis kong sabi.
Hmp batukan daw ba ako?? nahihilo na nga ako babatukan pa. Grhhh
"Sira, ano bang pinagsasabi mo? Paracetamol ang tinutukoy ko, pwedeng pang lagnat at pwedeng pang masakit na ulo. Tsk, Ikaw talaga ate Precious puro ka kalokohan. May lagnat na't lahat--- nakukuha pang mag biro." naka kunot ang noo niya saka ako tiningnan ng nagbabanta.
Napanguso tuloy ako.
'Ano bang malay ko na gamot pang may lagnat pala yung tinutukoy nya. Saka hindi ko naman alam na may lagnat ako. hmp'
Akala ko masakit lang pakiramdam ko.
"Pero hindi mo kailangan mambatok tsh. Saka hindi ko naman alam na may lagnat ako. Hmp"
"Ano te? namanhid na? tsh. Ang taas po kaya ng lagnat nyo. Saka halos maging gulong na nga po kayo dyan sa ayos nyo e, Baluktot na baluktot. " nangangamot ng batok na aniya. Animo'y nauubusan na ng pasensya.
"Hmm. Sige na, Sige na. Magluluto lang ako ng umagahan." tatayo na sana ako nang pigilan nya ako.
"Hep hep. Dyan ka nalang ako na mag-aahin, at baka lalo kang lumala tsh. Saka kanina pa ako naka luto alerrr, Kanina pa kaya kita tinatawag ayaw mo bumangon. Daing ka ng daing. " tumayo sya saka naglakad pakusina.
' Luh.. Pa'no nalaman ni Christel Mae yung bahay ko?'
' Baka binigay ni Jeff yung address ko? di kaya? '
Napa tango-tango ako sa naisip. Baka nga.
"Oh ate Precious, Kumain kana po. " nilapag ni Christel ang dala nyang pagkain sa mesa saka naupo sa isang sofa.
"Salamat." sabi ko saka umayos ng upo at nagsimulang kumain.
"Balita ko ate sinagot mo na po si kuya Jeff?" maya-maya ay tanong nya.
"Wag mona nga akong tinatawag na ate. Isang taon lang pagitan natin. and yeah, Sinagot kona sya kahapon." nilingon ko sya saka ngumiti.
"Wow congrats! yieee yun ba dahilan kung bakit ka nilagnat?? nasobrahan sa kilig? haha" natatawa nya pang tanong. Napailing nalang ako.
Bigla kong naalala si Ser Aljon. Nawala ang mga ngiti ko saka nilapag ang mga kubyertos.
"Christel, 18 kana rin naman diba?? siguro naman may alam kana sa love?" sinulayapan ko sya nang itanong ko yun.
'Kailangan ko ng mag aadvice. Wala akong mapag labasan ng saloobin. '
"Hmmm. Meron naman na po. Nagka BF narin ako dati. If I'm noy mistaken 16 palang ako non. bakit? may problema ba kayo ni kuya?" biglang naging seryoso ang mukha nya. Yung mukha nyang palaging naka ngiti ay napalitan ng pagka seryoso.
Bumuntong hininga ako saka tinabi ang mangkok na hawak ko. Sopas lang naman kinain ko.
"Sa totoo lang hindi naman talaga dapat magiging kami ni Jeff. " muli akong bumuntong hininga saka tumingin sa mga daliri ko. "I just took the opportunity to escape from the mess I've involved." pagpapatuloy ko.
"What do you mean?? I don't get it. " bakas nga ang pagkalito sa kanyang mukha.
"Well, No body's perfect. tao rin ako at nagkakamali. " sagot ko.
"Pecious, Will you straight to the point?" naiinis na niyang sabi.
"I just like Jeffrey while I love him." lalo akong napa yuko.
"The who? "
"My boss." nilingon ko sya saka ngumiti ng mapait.
Nagulat sya. Lumaki ang mga mata nya. di sya makapaniwala sa sinabi ko.
"Si S-sir Aljon? sya ba?" gulat parin nyang tanong. Tumango ako saka nag-iwas ng tingin.
"Pero diba may jowa yun?"
"Yes."
"Kyaaaahhhh!!!!!" bigla ay malakas niyang tili kaya napa takip ako sa tainga ko.
"Shete! 'wag ka ngang tumili ang sakit sa tenga! " sita ko sa kanya.
"Sinasabi kona nga ba't may something sa inyo eh!! yiieeee! kinikilig ako gizzz " aniya pa sa paraang kinikilig.
"Tsh Hindi yun ganon, wag kang OA." depensa ko.
"E bakit ka nagkakaganyan kung wala?? whusuuu. Aminin mo? attracted kayo ni Sir sa isa't isa no?? " sinundot sundot nya ang tagiliran ko kaya napaiwas ako. Napangiti ako ng maalala ko yung hinalikan ako ni Ser nung isang araw.
'Gizzz precious galit ka sa kanya remember.'
'ay, oo nga pala hmp'
"Well yeah, Pero hindi parin kami pwede dahil may Izella na sya." nawala ang ngiti sa labi ko.
"Pwede naman kung gugustuhin nyo." Napalingon ako sa kanya sa tunuran nya.
"Ehhh??? "
"Ouhm. Pwede naman. Makipag hiwalay si Sir kay higad tapos sumama sya sayo, o edi kayo na. Suss basic!"
"Sira! hindi ganon kadali yon! gusto mong nilichon ako ni maam Izella tsh."
"O e ano naman ang connect non sa inyong dalawa ni kuya Jeff?" naguguluhang tanong nya.
"Kasi feeling ko parang niloloko ko sya? sinagot ko sya pero hindi naman sya yung totoong laman ng puso ko. Pakiramdam ko ginagawa ko lang syang panakip butas. But one thing that I'm sure, I like him.. Gusto ko sya pero bilang kaibigan lang. Unlike Ser Aljon na alam kong mahal ko na. Ang hirap, Ang hirap ng ganitong set up."
"Kung ganon naman pala ang totoo mong nararamdaman-- bakit nag titiis kang mahirapan yang sarili mo?? bakit hindi mo sundin kung anong gusto ng puso mo at hindi ng isip mo?"
"Because if I follow my heart, Marami ang masasaktan. Isa na do'n ang kuya mo. At yun ang iniiwasan kong mangyari." Tumingala ako saka tumanaw sa bintana.
" Presss, sa tingin mo ba sa ginagawa mo ngayon ay wala kang nasasaktan?? kung patatagalin mo pa yan, baka huli na ang lahat bago mo ma realize yung tama?" nilingon ko sya dahil sa sinabi nya.
"Hindi naman siguro.. Sinagot ko ang kuya mo dahil alam kong mabuti syang tao. Alam kong matututunan ko din syang mahalin balang araw. "
"Kung yan talaga ang gusto mo edi susuportahan nalang kita. kung san ka, Doon din ako " lumapit sya sakin saka ako niyakap.
"Kyaahhh ang init mo! Arghh" napalayo sya sakin saka bumusangot.
"Hahaha! ang OA mo. Amina nga yung gamot sa SAKIT NG PAKIRAMDAM baka sakaling mabawasan yung bigat ng nararamdaman ko." pabiro kong sabi. Naka ngiwi niyang inabot sakin yung bilog na gamot. Ininom ko agad yon at nilunok.
'Gizzz!!! ang pait!!'
sing pait ng nararamdaman nya para sakin.
~*~
Lumipas na yung tatlong araw at finally magaling na ko. Sa loob ng tatlong araw na yun kasama ko si Christel, Hindi nya ko iniwan. Inalagaan nya pa nga ako e.
Dito din sya sa bahay ko natulog. May dala na kasing gamit pang palit ang loka. Tsh.
Pero sa tatlong araw ding 'yon ay walang palya si Jeffrey na dalawin ako. Madalas ay may dala syang mga prutas which is nakatulong sakin para maka recover ako agad. Nawalan kasi ako ng panlasa kaya kailangan kong kumain ng maasim.
Ngayon araw ng lunes, papasok na ulit ako sa trabaho ko.
'Hindi pa ako handang harapin sya.'
Pero kailangan dahil apat na araw na akong hindi pumapasok baka wala na akong sahurin nyan?
'Fighting, Precious'
"Tara na Presss baka ma late tayo." tinig ni Christel. Tinanguan ko sya saka sumunod papasok ng building.
"Ano? kaya mona ba talaga?" tanong niya. Nilingon ko sya saka tinanguan.
pumasok kami sa elevator at hinintay na sumara yon.
*TING*
Bumukas ulit ang elevator pagdating ng16th floor. Lalabas na si Christel dahil doon ang floor na nakaasigned sya sa Scyneth Company.
"Una na ko, Presss. Ingat." paalam nya bago lumabas. Sinara ko ulit ang pinto ng elevator. Mag-isa nalang ako whueee Hmp!
*TING!*
"Uh!! ano ba yan!" napairap ako nang huminto na naman ang elevator sa bandang 20th floor. tsh. Anong oras pa ako makakarating ng office kung maya't maya hinto ng elevator?
Bumukas ang pinto pero hindi ko alam kung sino ang pumasok dahil naka yuko ako.
"You're back." para akong tinuod sa kinatatayuan ko at nanigas ang buo kong katawan. gizz
'Yung boses na yun'
Palihim na nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
Kyaahh Gizzz
Buti nalang talaga at naka yuko ako, hindi nya makikita ang pagka gulat sa mukha ko.
"How are you?" muli ay tanong nya. But still, hindi parin ako sumagot. Nanatili akong naka yuko habang pinipigilan ang paghinga ko.
Wuaaaa ang lakas ng kabog ng dibdib ko whueee huhuhu. Ang malas naman ata ng salubong sakin ng lunes!
"Ms. A-altamara. I'm asking you. Would you mind answering your boss? " muli ay tanong nya sa tono ng pag-uutos.
'tsh. Pasalamat ka at boss kita'
"I'm doing fine, Sir." sagot ko saka tumingala.
'You don't have to be afraid, Precious. He was just your boss.
"W-why are you absent in the fast 3 days?" sa tono palang ay alam ko nang nag-aalinlangan syang magtanong.. Tsh.
"Do I need to report to you everything that I do within my daily life, even if it is not related to my work, sir? " tanong ko saka siya tiningnan ng deretso sa mata.
"I-I just wanna know." napaiwas sya ng tingin. Hindi ata kinaya ang pagiging seryoso ko.
"Then don't ask. I don't think that your questions are necessary to be answered." sabi ko saka binalik ang tingin sa harap.
"Nah! I have the right to ask my employee WHY IS SHE absent in the past 3 days straight without saying or passing an excuse letter. " natameme ako sa sinabi nya dahil totoo naman. WHuuaaah
wala na! wala na! nahuli na!
"I-I. Fine! I just got sick. I had a fever, so I wasn't able to go to work. Now happy?" inis kong sabi saka nag cross arms.
'Bakit ba kasi ang tagal maka akyat nitong elevator na 'to sa 60th floor? tsh.. Kanina pa ako naiilang sa lalaking 'to grhhh nasa 30 palang hanggang ngayon.'
"Nagkasakit ka? how are you feeling now? bakit ka agad pumasok, baka mabinat ka. Ano? ayos lang ba pakiramdam mo? Nakaka hinga ka naman ba ng maayos? s**t!" sunod-sunod na tanong ni Ser. Hindi sya magkandaugaga sa kinatatayuan nya. Hindi nya alam kung ano ang unang gagawin, Kung hahawakan ba nya ako o hihipuin ang noo ko o didistansya sya.
'Luh Mas OA pa sa OA. '
'Walang pinagbago Emerot parin. Kanina lang nagrereklamo syang umabsent ako, ngayon tinatanong naman ako kung bakit ako pumasok?? me saltik talaga.'
napangiti ako ng wala sa oras.. Pero hindi ko pinakita syempre ehehe..
"Mind your own business, Sir. You're out of this." tinaas ko ang kaliwa kong kamay. Animo'y pinapahinto sya.
"My Precious. If you still thinking about----"
"Stop calling me 'My' Precious. Because I'm not yours. NEVER AND EVER BEEN YOURS. You don't own me; no one owned me, so stop acting like you care for me. You're just my boss, and I'm only an employee working for the Scyneth Company you owned." mata sa mata ko iyon sinabi. Nalungkot ang mukha nya saka ngumiti ng mapait.
'Anyare sa mukha ni Ser?? bakit nangingitim yung palibot ng mata nya?'
Stop asking, Brain. Wala na akong pakelam sa kanya.
"Yeah right. Sorry. " yumuko sya saka umatras palayo sakin. Nag bigay sya ng spasyo sa pagitan namin animo'y kapwa kami mapapaso kapag nagdikit ang aming mga balat.
'Sangayon didistansya muna ako sayo Ser. Marami kasing hindi magagandang nangyayari kapag malapit ka sakin.'
*TING!*
Hyyyy salamat! after many years, bumukas din ang elevator.
Walang lingon-lingon akong lumabas ng elevator at mabilis na naglakad papuntang office.
"You're not doing your work well, Izella." pag bukas ko ng pinto ay yun agad ang narinig ko. Gizzz wrong timing
Napalingon sakin si maam Izella at masamang tinapunan ako ng tingin.
'Whuaaahh Precious bakit kasi hindi ka marunong kumatok'
"Heheh Sorry po maam Izella. Hindi ko po alam na may meeting kayo. Sige po babalik nalang po ako mamaya. Sorry po." Isasara kona sana yung pinto nang pigilan ako nung kausap ni maam Izella.
"No. You may come In. We're done with our topic. " Humarap sakin yung Kameeting ni maam Izella at bahagya pang nagulat nang makita ako..
'Hala! sya yung ginang nung nakaraang linggo sa elevator. luh Anong ginagawa nya dito?'
"Ahm. No Maam. It's okay. I'll be back nalang po after ng meeting nyo."
"No ija. Pwede kanang pumasok. Tapos na kami sa pinag-uusapan namin. Come in." nginitian nya ako saka ni lead yung kamay nya sakin. Tinuturo papasok ng office.
"Piece of trash, You're back. Sana hindi nalang. Akala ko nalunod kana sa ulan at namatay. Mag-aabuloy na sana ako." inirapan ako ni maam Izella.
"Izella, watch your mouth. Give respect to your employee! " sita nung ginang. Kundi ako nagkakamali ay madam Alta ang tawag sa kanya nung mga co-workers ko.
"A-ayos lang po hehe. Saka maam Izella hindi naman po nakakalunod ang ambon. Onti lang naman po ang naging pag-ulan, hindi naman bagyo Hehehe.. Saka marunong po akong lumangoy, ikaw po?" nakangiting tanong ko.
"How dare you asking me?! we're not even close, nor friends! so shut up." nanggigigil na sigaw nya.
"Izella Elisabeth De Jesus. " napalunok ako dahil biglang naging strict ang boses ni madam Alta. Gizzz mas nakakatakot sya kay maam Izella.
"I'm sorry, Mom. " yumuko si Izella saka kumikibot kibot ang bibig na tumingin sakin ng palihim.
'Luh inaano ko t? pero wait, MOMMY nya pala yang si madam Alta?'
"I'm sorry Ija. for my daughter's behavior. " hinawakan nya ang balikat ko at hinaplos.
Bigla akong nakaramdam ng kuryente.
'Luh natitibo naba ako gizz!!'
"Mom! you don't have to say sorry to that piece of trash! she's just a trash on our company. She deserves to be fire." nanlaki ang mga mata ko at nagmamadaling lumuhod sa harap ni maam Izella at pinagsiklop ang mga kamay ko. Gizz
"Whuaaaahh!! I'm maam Izella wag naman po!! huhuhu. Wala na po akong ibang mapapasukan na trabaho whueeee.. please maam wag nyo po akong tanggalin, promise ko po na mas pag-iigihan ko pa sa trabaho ko. Kung kinakailangang doblehin ko ang sipag ko ay gagawin ko po, Kahit mag over time pa po ako ayos lang, wag nyo lang po akong tanggalin. Please maam. I'm begging you po, wag nyo po akong alis sa trabaho ko. Whueee" Pinagkuskos ko ang mga palad ko habang patuloy na nagmamakaawa.
'Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho huhuhu di na nga ako naka pasa sa online exam ko e. mawawala pa 'tong pinagkakabuhayan ko. Whuaaaahhh hindi pwede.'
Hey, Ms., stand up! You're not going to be fired out. Izella, we'll talk later. tinayo ako ni madam Alta sa pagkaka luhod at binagpagan ang mga tuhod ko.
"A-ah. I can manage maam. T-thank you po." nahihiyang ngumiti ako sa kanya saka inayos ang sarili.
"You okay?" tanong nya pa at agad agad naman akong tumango-tango bilang sagot.
"Izella, let's go. Meet me in the conference." binalingan nya si Izella na namumutla na ngayon.
"Ms. Precious?" tiningnan nya ako ng nagpapaalam.
"T-thank you madam, Alta. take care" tinanguan nya ko saka na lumabas ng office.
"Plastik. Basura. Sipsip." matalim na tingin ang pinukol sakin ni maam Izella bago ako talikuran. Pero bago sya makalabas ay sumagot ako.
"Are you referring to yourself, maam? it seems like kasi eh." nakangiting sabi ko.
"Ugh!!!! bwisit!!" nagdadabog syang lumabas ng office Hehehe.. Panalo na naman ako.
~*~
Lumipas ang oras at hindi naubos ang paper works na nasa harap ko gizzz!!!
Panong hindi ako matatambakan e pati yung trabaho ni maam Izella ako na rin ang gumagawa. grrhh
Nakakapagod ang unang pasok ko ah! lunes na lunes na iistress ako hmp.
Lakad takbo ang gawa ko dito sa office. kasi dumagsa ang unexpected calls. Kaya bawat may tumatawag ay may bitbit akong extra notepad. Kasi yung ibang tumatawag ay nagpapa appointment. Set ng meeting. Then after non ay itatransfer ko sya sa recording book. Duon kasi lahat nakalagay yung mga record list ng important details e.
Also, maya't maya din ang katok sa pinto at nagbibigay ng mga printed copy. Per pages need ng tatak. E kung gaano ka kapal yun--- ganon din kakapal ang mamarkahan ko.
'Go Precious, nag promise ka kay maam Izella na dodoblihin mo ang sipag mo. at take note, sa harap ng mommy nya mo yun sinabi.'
Gotta go! fight! fight! fight!
3 na ng hapon ng mabawasan naman ang mga paper works sa harap ko. Konting kembot nalang ay matatapos na. Saka makaka kain na rin ako.
'Hindi pa ako nakain ng tanghalian.'
1hour past. Natapos ko rin ang mga gawain ko.
Inaantok ako..
"Sleep lang ako ha?? wala na rin naman na akong gagawin. 5minutes lang naman. Tapos kakain na ko. okay ba yun sayo, tummy?? good." pagkasabi non ay tumungo ako sa table ko. Wala pang isang minuto ay nakatulog na ko.
~*~
Aljon POV
I didn't expect na papasok sya ngayon. Also hindi ko rin inaasahang makakasama ko sya ng solo kahit na saglit lang.
I'm happy because she's now here. kahit na hindi nya ako pinapansin.
It's just that. I just missed her so bad.
I want to hug her, kiss her, and lock her in my arms. Pero di ko magawa dahil sa alitan naming dalawa.
Na kasalanan ko na naman. I'm so stupid for hurting her over and over again.
"Stop calling me 'My' Precious. Because I'm not yours. NEVER AND EVER BEEN YOURS. You don't own me; no one owned me, so stop acting like you care for me. You're just my boss, and I'm only an employee working for the Scyneth Company you owned."
"Fvcking s**t!" binato ko ang hawak kong can drinks dahil sa inis.
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi sakin kanina ni Precious sa elevator. It's really hit me hard.
Honestly, hindi ko ginustong gawin sa kanya yung nangyari last week. I'm just upset that time. I didn't know what I was doing. Masyado akong nadala ng galit at selos ko para sa Acosta son of a b***h na 'yon.
'But you already did. She's now avoiding you over and over again.'
Shit! s**t! s**t!!! bullshit!!
Bakit ba kasi ginawa ko 'yon??? ang tanga-tanga ko talaga! ugghh!!! what now???
Siguro baka bigyan ko muna sya ng oras para mag-isip. Para naman hindi ko sya masyadong nadedepress.
"Tama. " tatango-tangong bulong ko..
Matapos akong iwan dito ni Precious sa elevator ay napag pasyahan kong 'wag munang bumalik ng office. Dahil alam kong mainit pa ang ulo sakin ni Precious.
Dumeretso ako sa rooftop ng ng Scyneth building at doon nag pahangin.
Gusto ko munang ma refresh ang utak at buo kong katawan dahil tatlong araw na kong walang tulog for christ sake, tsk.
Yeah, I haven't slept yet for three days. I'm busy searching for my precious, wondering where in the hell she is. I'm going crazy because I can't find her. I don't even know where her f*****g home address is, s**t!
'Why didn't you look at her biodata?? There, you have a chance to know more about her.'
I already check her data pero wala naman akong napala Tsk. Pano ba natanggap yung babaeng yun sa kumpanyang 'to?
Sinong matinong tao ang magpapasa ng data nya na ang mga nakasulat e puro kabalastugan?
DATA INFORMATION
Name: Precious G. Altamara
Age: 19
Birth/date: May 26, 2000. Hindi po ako nag-aapply para makipag date hehe
live in/ address: Bahay, apartment lang po e.
Province: Pampanga
Contact No (Active): Secret hehe baka malaman mo e.
Guardian: hindi ko sila kilala e, Ikaw? kilala mo?
Essay/Tell something about yourself.
-Aba malay ko sayo, sakin mo tinatanong mga tungkol sayo e hindi naman kita kilala. emerot ka rin e.
Ughh sumakit lang ang ulo ko nang mabasa ko yan tsk. Sagutin daw ba yung mga tanong ng tanong din?
Ughhh
Minsan napapaisip ako kung kulang lang ba talaga sya sa aruga o sadyang may sayad na sya sa utak.
Napa buntong hininga ako saka naupo sa isa sa mga sofa dito.
Kahit namam papa'no ay narelax na ko dahil alam kong ligtas sya.
'Kung nagkasakit pala sya, sinong nag-alaga sa kanya?'
'Her Boy friend.'
Shit! that fvcking asshole.
"Don't tell me nasa iisang kwarto sila natutulog? fvck it!"
"Mapapatay ko talaga yung g*gong yun. ugh! "
Sa inis ko ay sinipa ko yung sofa na nasa harap ko.
'Ano na naman ba kasing naisip nya at sinagot nya ang ulupong na yon? tsk.'
*Kringggg* *Kringggg*