CHAPTER 14

2417 Words
Aljon Pov Fuck it! Ano na naman ba ang ginawa ko? Did I really said that to her? did I really hurt her??? Pagkatapos ibuhos ni Precious ang saloobin niya ay tumakbo siya palabas ng office. Honestly. I didn't mean to hurt her feelings. I didn't mean everything that came out to my mouth. She's actually a good girl not a b***h. If there is a b***h here, it's no other than Izella. She ruined everything. Hindi ko maiwasan mainis sa sarili ko dahil sa simpleng bagay ay nabigo ako na ipagtanggol sya mula sa babaeng iyon. Si Izella ay anak ng business partner ng Scyneth company. Pinakikisamahan ko lang talaga siya dahil sa pakiusap ng tito niya. Tito Longton has a good heart, he's also a good person. He's been our business partners simula palang nang una. May mga share sila saamin aside sa SC. Mayro‘n din sa iba pang business namin outside the country. That's why I respect him that much. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Izella to do all this s**t. ' Precious got mad at me because of her.' It's not really my intention to call her a slut, stupid, or flirty. I just wanted to get her attention. Two weeks na niya akong hindi pinapansin.. I just miss her so much. I miss her silly behavior. Sa loob ng dalawang linggo never ko siya nakita na ngumiti. Hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Hindi niya ako kinakausap. Ginawa ko na ang lahat pero hindi parin niya ako pinapansin. I know na it's not her responsibility to have her attention always. I know that it doesn't necessary to have a smooth communication with her because she was just one of my colleague. But I can't afford to stay still while she's continually puting a barrier between us. Yes, Halos sa buong dalawang linggo ay walang araw ko siyang hindi sinigawan para lang mapansin niya ako. But still not working. Tahimik lang siya at walang kibo. I want her back. I want the old Precious’ back. Mas gugustuhin ko pa ata ang marindi sa maingay niyang bibig kaysa mabingi sa katahimikan. 'hanggang kailan niya ba balak iwasan ako? hanggang kailan niya ba balak hindi ako kibuin?? she's hurting me damn much.' "Honeeeyyyy, I'm back! How was your sleep?? Naka tulog ka ba ng mahimbing?" Mula sa pagkaka-upo ko sa swivel chair ay agad akong tumayo. Alam ko na didikit na naman saakin 'tong higad na 'to pag nag stay pa ako. "Not now, Izella. I'm not in the mood to argue with you." Inis kong sabi saka lumabas ng opisina. I want to be alone.. Hahanapin ko Precious. I want to apologize for everything I've done. Precious Pov NANDITO ako ngayon sa park malapit sa simbahan kung saan madalas kami dati mag simba ni Nanang Jess. Namiss ko tuloy siya bigla. *pout* Dati noong bata pa ako dito ako dinadala ni Nanang para mabawasan ang lungkot ko. Nag t-tiyaga siyang dalhin ako rito kahit na malayo,para lang mapasaya ako. 'Sana tulad nalang ng dati ang lahat.' Oo nga, tama ka brain. Sana tulad nalang ng dati ang lahat. Yung wala kang poproblemahin na masungit na amo. Yung wala kang paper works na dapat asikasuhin, at higit sa lahat--- wala ka pang muwang sa mundo. Yun bang hindi mo pa alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang... 'Maharot or flirt' 'Idiot or stupid' Nung bata kasi ako kapag nagkaka crush ako sinasabihan lang ako ng Nanang na makulit pero hindi ko dinaramdam. kasi totoo naman. Dati kasi dumadayo pa ako sa bahay ng kapitbahay namin para lang makita yung crush ko, ganon ako kakulut. At tanggap ko naman ‘yon. Pero alam niyo, ‘di ko matanggap yung paratangan ako na humaharot ako sa mga lalaki. Hindi okay sa‘kin yon. Hindi kayang tanggapin ng sistema ko kasi hindi naman ako ganon. Hindi naman kasi ako pinalaki ng Nanang na ganon ang pag-uugali. Pinalaki niya ako ng maayos. 'kaya galit ako kay Ser. Dahil parang ininsulto na rin niya ang pag-papalaki sa'kin ng Nanang ko dahil sa mga sinabi niya.' Galit ako sa kanya dahil nambibintang siya ng wala naman matibay na ebidensya. "Whuaaa huhuhu ang bad bad mo kasi Ser. Okay lang naman saakin na sabihan mo ako ng stupid, at kung ano-ano pa-- wag lang yung MAHAROT. Whuaaa huhuhu. Hindi naman ako ganon e, tapos palagi mo pa kinakampihan yung higad na 'yon whueee. Ayoko na sayo Ser!" malakas na atungal ko. Muli na naman tumulo ang mga luha sa mata ko. Nanang multuhin mo nga si Ser. Inaaway niya po kasi ako eh. Whueee huhuhu "Ate.. Ate... Ayos ka lang po?? " napaangat ako ng tingin dahil sa tinig na tumatawag saakin. "Ayos lang ako.. *snif*" sumisinghot na sabi ko. 'Teka.. Parang familiar sa‘kin yung mukha n’ya. Saan ko nga ba siya nakita??' "Ate Precious??" Ilan saglit lang ay buntag niya. "Hehhe, sino ka nga ulit?? kilala ba kita?" tanong ko. "Ayay! ako po ito si Tonette. Antonette. Ako po yung batang lumapit sa inyo niong nakaraang linggo sa North Island. Hindi n‘yo na po ba ako naaalala??" pagpapakilala niya sa sarili. 'Ay oo nga siya yung batang sinamahan ako sa pag e-emote ko bago ako kamuntikan na marape. Naalala ko na heheh.' "Ay oo nga naalala kona ikaw. Ano pala nigagawa mo rito?? sino kasama mo?" tanong ko. Umupo si Antonette sa tabi ko. Nasa bench kami ng park. "Bulol ka po ba ate? bakit tawag mo po sa *Ginagawa* 'nigagawa?' " Aba, loko na bata to ah. "E ano ba kasi pakielam mo kung sa gano'n paraan ko siya gustong ideliver? Lokong bata 'to.. " sopla ko sa kanya. Aba naman, ako na nga itong nakikisama at nag aadjust dahil bata kausap ko-- ako pa nilait at tinuruan?? matindi. "E bakit ka po ba na naman nag-iisa?? nung last na magkita po tayo mag-isa ka rin e. Broken hearted ka po ba?" deretsong aniya. Pigilan niyo ko masasapak ko itong bata na ‘to. Whuaaa bad Precious! bata yan. "Wala naman akong boyfriend, Bebelabs. Paano ako magiging broken hearted." nakangiwi na sagot ko. "Edi mag boyfriend ka po. Problema ba yun." " E kung isako kaya kita? pwede ba ‘yon? kaloka kang bata ka. Ke bata-bata puro lablype nasa utak. Saka whueee huhu.. Wala naman may gusto sa‘kin. Pano ako mag boboypren." naka nguso na sabi ko. "May dalawa po akong kuya, Gusto nyo po ipakilala ko kayo sa kanila?? kaso po hindi na available yung isa, Engage na kasi yun po eh. Yung isa nalang po. Yung sumunod sa kuya kong ikakasal. Hihihi mabait po yun! saka gwapo. May abs at matalino, sweet at mapagmahal. Ano deal?" Anak ng kagang parang binebenta na niya ang kuya n‘ya sa lagay na yan ah. Ayus lang kaya itong bata na 'to?? pero whuaaa may abs daw! kyaaah What inches naman kaya 'yon? baka mamaya may abs nga, supot naman. Wag nalang. "Saka malaki po ang---" "Shhhhh... Hoy! ikaw na bata ka, ang bata-bata mo pa. Kung ano-ano na nasa isip mo. Saka hindi kaba nahihiya at sinasabi mo sa ibang tao ang parte ng pagkato ng kapatid mo? nakuuu." putol ko sa sasabihin niya. "Eh ikaw lang naman po ang nag-iisip ng kung ano-ano. Ang tinutukoy ko po kasing malaki ay yung tyansa na magkita po kayo sa company na pinapasukan mo. " pinaikot niya pa ang mga mata niya nang tapusin niya ang sasabihin niya. Napakamot ako ng batok dahil sa hiya. 'Kyaahhh ano na naman ba kasi ang iniisip ko. huhuhu nitong nagdaan na linggo okay naman na ang pag-iisip ko pero bakit bumalik na naman sa dati?' "Ah eh Hehehe.. Saan ba nag ta-trabaho yang sinasabi mong kuya mo?" kunwari ay tanong ko. "Doon po sa building na may SC na tatak.. Ano nga kasi tawag don." nagkunwari siyang nag-iisip. "Scyneth Company ba?" tanong ko. "Opo! yun po sa Scyneth Company. Doon ka rin po nag work diba??" tanong niya ulit. Nangunot naman ang noo ko dahil paano niya nalaman na doon ako nagtatrabaho e hindi ko pa nga sinasasabi sa kanya kung saan ako napasok. "Stalker ka ba? paano mo nalaman na sa SC ako nagtatrabaho?" naka turo ang hintuturo‘ng daliri na sabi ko. "Luh, Feeling si ate. Nakita ko lang po ‘yang ganyan na uniporme sa phone ng kuya ko. Ang sabi niya ay iyon daw yung babaeng gusto niya. Hindi ko nakita yung mukha kasi tinago n‘ya po agad." "Ah Oo. Doon ako nag wo-work. Saka maraming may ganito na disenyo na kasootan dahil provided ito ng SC. Maraming may copy nito kaya baka nga sa SC nagtatrabaho yung gusto ng kuya mo. Teka nga, E may nagugustuhan na pala yang kuya mo e bakit nirereto mo pa saAkin? hanep ka rin eh no." "Eh hindi naman daw po s‘ya gusto nung babae e." "Hayy nako bata. Wag kang magpaka kupido. Ang tadhana na ang bahalang maglapit samin ng kuya mo. Darating din tayo riyan, wag mong madaliin. Kasi kung meant to be kami, mangyayari ‘yon sa tamang panahon." nginitian ko sya saka nag pout. "Sabagay may tama naman po kayo. Pero kung gugustuhin n‘yo naman po pareho ay walang impos sible." Tugon niya. "Sige na umuwi kana sa inyo at baka hinahanap kana sa inyo. Masyado ka maraming sinasabi. Nauubusan ako ng words sayo, hala lakad." tinaboy ko siya pero hindi manlang siya gumalaw sa kinauupuan niya. Whuaaa ang bad mo Preciousss bakit mo s‘ya pinapaalis huhu *pout* Wala kana nga kasama nakuha mo pa paalisin yung taong nandyan para samahan ka. "A-ate Precious. U-uwi na po ako heheheh. Whuaaa" sabay takbo niya. 'Luh problema non?' 'Whuaaa! ikaw kasi Precious e, Inaway mo ayan tuloy iniwan ka. Wala na, wala na... mag-isa ka na naman whueee' Naka nguso akong yumuko at kinatikot ang mga kuko ko. "Whuaaa huhuhu. Ang bad mo kasi Press e whuee ayan tuloy mag-isa ka na naman." *pout* Palahaw ko saka mas lalong ngumuso. "Dapat kasi hindi ko niaaway ang mga tao sa paligid ko e huhuh.. Ayan tuloy napala ko iniiwan din nila ako. Hmp " "Haha talaga bang kakausapin mo ang sarili mo kahit na mag-isa ka lang?" napabalikwas ako ng upo nang may magsalita sa likod ko. Si Ser Ajon! 'Teka... Anong nigagawa niya rito?? saka bakit niya ako kinakausap?? Hmp hindi ko sya bate.' "Ano pong nigagawa n‘yo dito Ser? hindi po ako papasok ngayong araw. Absent ako. Wala ako. Liliban ako. " naka yukong sabi ko. 'Whuaaa huhuhu bakit naiiyak ako? whueee huhuhu gusto na tumulo ng luha ko huhu' "I'm here to say sorry.. I'm so sorry for everything I have done wrong to you, Precious." dinig kong sabi niya. Whuaaaa huhuhu tumulo na yung luha ko wala na! wala na! nag taksil na yung mata ko huhuhu. Bakit feeling ko ang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi n‘ya? Bakit feeling ko parang nawala lahat ng tampo ko sa kanya. Nawala lahat ng kinikimkim kong sakit at sama ng loob sa kanya. Why it feels so good to hear him say sorry to me? "S-sorry saan Ser??" naka yuko parin na tugon ko. Whuaaa huhuhu ayoko makita niya ako na umiiyak hmp. "Sorry sa mga masasakit na salitang binitawan ko. Sorry sa mga bagay na nagawa ko na hindi mo nagustuhan. Sorry sa lahat. I'm so sorry, Precious." mahabang litanya niya. "Whuaaa huhuhuh Ser Aljon whueeee" hindi nag tagal ay pumalahaw na talaga ako ng iyak huhu hindi ko na kaya ang sakit sakit na ng dibdib ko mag pigil ng luha huhuhu. "s**t! Why are you crying Precious? Shhhh." sambit niya saka naglakad palapit saakin at niyakap ako. Mas lalo akong humagulgol ng iyak. Wuaaa! huhuhu bakit ganito ang nararamdaman ko huhuhu bakit gusto kong ibuhos lahat ng nararamdaman ko? Gusto kong magsumbong, gusto kong umiyak ng umiyak dahil inaway nila ako. whueee huhuh. "Shh.. Sorry.. Sorry Precious.. Please stop crying. Sorry for making you cry. Sorry for making you feel this way. Sorry. Please. " Pang aamo niya saka hinaplos ang buhok ko kasabay niyon ang paghigpit niya na pagyakap saakin. Mas lalo akong pumalahaw ng iyak. "Whuaaaa huhuhu Serrrr... Huhuhu" "Hey.. wag kana umiyak.." "Sino pong hindi maiiyak Ser e sinasakal mo na po ako sa higpit ng yakap mo? whueee huhuu hindi ako makahinga." Pagdadahilan ko. Pumadyak-padyak pa ako dahil totoo na hindi na ako maka hinga huhhu. "s**t! are you okay? how are you feeling? can you breath now? what?? tell me. let's go, I'll drive you to hospital." naghihisterya niyang sabi. "Teka naman Ser. Masyado kang maraming tanong. Isa lang naman ang meaning. Iniba mo lang ng paraan mo ng pag eenglish e. Saka ayos lang po ako. " sabi ko saka dumistansya sa kanya pero hinila niya ulit ako palapit sa kanya at niyakap. This time yung saktong yakap lang. Hindi mahigpit, hindi maluwag, sakto lang. "Ser. Hindi pa tayo bate. Stay away from me." panggagaya ko sa tono ng boses niya nung nasa elevator kami. Hihih wala lang trip ko lang. Humiwalay siya saakin saka ako tinignan ng may lungkot sa mga mata. "Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" seryosong aniya. Bakas ang lungkot sa kanyang tono. "It's a prank!" malakas na sigaw ko saka ko pinisil yung ilong niya. "Silly." rinig kong bulong niya saka bahagyang natawa. Tumayo siya ng casual at namulsa. "Hindi ako sili no! may sili bang nagsasalita at kulay brown? sa pagkakatanda ko ay kulay green at pula lang ang kulay ng mga sili. Eme 'tong si Ser." *Pout* ngumuso ako "Tsk. bumalik ka na nga talaga." Naiiling na aniya "E, di naman ako umalis Ser, Nasa kompanya n‘yo parin naman ako. " *pout* "'Wag mong ugaliin ngumuso sa harap ko--- baka angkinin ko ‘yan." Naka ngiwi niyang sabi. "Luh! Ang sugapa mo naman Ser may sarili ka naman nguso bakit mo pa aangkinin yung sakin?" "Tsk.. hindi mo naintindihan. Slow ka talaga. Tara na. Doon mo na pag-isipan kung anong ibig kong sabihin." Saka na siya naglakad paalis. 'Ano ba ibig niyang sabihin sa aangkinin niya yung nguso ko?? Luh.. Ang takaw naman ni Ser. Gusto niya ata ddalawa ang nguso niya. Hindi kaya kulang pa sa kanya ang isa? Kawawa naman s‘ya.' ~~ * To be continued * ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD