Precious POV
Lumipas ang ang mga araw at linggo at napansin ko na hindi ako kinakausap ni Ser.
'Sa tuwing lalapit ako sa kanya ay lumalayo siya. Whueeee huhuhu.. Ano ba kasi ang problema? Hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap.
kung kakausapin man niya ako ay sa tuwing may ipapasa lang ako na mga folders. Madalang pa 'yon sa isang linggo.
'Tapos hindi manlang niya magawang ngumiti huhu.'
Sa loob din ng ilan linggo na lumipas ay mas naging close kami ni Jeff. Lagi niya ako hinahatid sundo sa bahay mula dito sa Scyneth building to my unit. Lagi rin kami sabay kumain. Breakfast, lunch, at dinner. Pero sa nakalipas na linggo na iyon ay hindi ko ramdam ang sarili ko. para akong wala sa sarili, naglalakad ng lutang. Lagi akong tahimik at wala sa huwisyo.
Sa madaling salita, Bangag. Nawala na yung dating Precious na masigla.
Hindi ko alam kung yung nangyari ba noong nakaraan ang dahilan kung bakit ako nag kakaganito o yung pagiging cold saakin ni Ser? Both. Para kasing naninikip yung dibdib ko sa tuwing iiwasan niya ako. Parang pinipiga yung puso ko sa tuwing nakikita silang magkasama ni Ma'am Izella.
Sa loob ng tatlong linggo ay wala ng ibang pinakisamahan si Ser maliban kay Ma'am Izella. Siya lang din ang kinakausap niya palagi. Bagay na kinatutuwa ni Valentina. (Si Izella daw)
'Sabi nila, everything happens for a reason. Pero anong dahilan ng kalungkutan ko?? bakit ito nangyayari saakin? bakit kailangan maramdaman ko ito? '
Hindi ko rin alam kung anong rason niya bakit siya bigla nagbago.
Araw-araw nasa isip ko si Ser. Iniisip ko kung bakit mas pinili kong lumayo sa taong gustong-gusto ko naman makasama. Bakit mas pinili kong itanggi kung ano yung tunay kong nararamdaman para sa kanya.
'Admit it or not. May nararamdaman na ako para kay Ser.'
Pero ang mas nakakalito ay ako nga ba ang lumayo o s‘ya?
Hindi naman ako in denial na tao. Alam ko naman kung may gusto na ba ako sa isang tao o wala.
At aaminin ko na gusto ko rin si Ser. May gusto ako sa kanya. Pero mas pinili ko nalang na itago ýon para sa sarili kong kapakanan.
Selfish na kung selfish.
Wala naman na akong magagawa dahil nariyan na. Nangyari na.
"Paki iwan nalang sa table ko lahat ng schedule sa meeting na need ko puntahan mamaya. " yun lang at saka na siya lumabas ng office. Ni hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin or daanan manlang na mata niya.
Nasa Office ako ngayon. Katatapos ko lang isulat yung mga pinagawa ni maam Izella.
Hindi na ako naka sagot dahil tuluyan na siyang nakalabas.
Napa buntong hininga ako saka tumitig sa mga papel na nasa harap ko.
'Ang hirap ng ganitong set up. Yung ang lapit niyo lang sa isa't isa pero parang ang layo n‘yo parin. No proper communication at all. '
"Good job, Piece of trash. I can see na you're doing well. Mabuti naman at sumunod ka sa utos ko. Ipag patuloy mo lang ‘yan dahil ayaw ko mag aksaya ng laway para kausapin si lolo para lang mag tanggal ng walang kwentang empleyado." napaangat ako ng tingin nang magsalita si Ma'am Izella. lumakad siya palapit sa table ko at doon naupo sa katabing silya.
"Ginagawa ko naman po talaga ng maayos ang trabaho ko, Maam. Dati pa. " sagot ko habang inaayos kunwari ang kung ano-ano na naka patong sa table ko.
" Well. That's not what I mean. I'm pertaining to between you and Aljon's closeness. Napansin ko kasi lately na hindi kayo nag-uusap. May problema ba kayo?" tanong niya pa. Naiinis ako sa totoo lang.
Ayoko pinag-uusapan yung bagay na pinagsisisihan kona.
"Maam. Hindi naman po kasi sa lahat ng oras kailangan magkausap kami ng boss ko. We have a lot of works na kailangan namin gawin. and for you to know, talking nonsense won't help us finish our work." walang ganang sabi ko saka muling nag kutikot sa lamesa.
"Well, you have a point on that. But still, I'm warning you... Stay away from him. " matapos sabihin iyon ay umalis na siya.
'Boyfriend mo siya pero ako ang gusto?? ayos ka din e no?'
'Gusto ka nga ba? e bakit hindi ka pinapansin?.'
O sadyang nag assume ka lang na may gusto siya sayo.
Muli na naman akong napabuntong hininga sa naisip ko.
Hanggang kailan kaya kami mananatiling ganito? hanggang kailan kami hindi magkikibuan? hanggang kailan niya kaya ako iiwasan?'
Miss kona s‘ya. Miss na miss kona siya.
'Wag kang nagrereklamo, Precious. Tandaan mo, Ikaw ang pumili niyan.'
Whuaa oo na brain wag mo na akong sumbatan, lalo mo akong inistress e.
Hindi ko na nga maintindihan kung ano talaga yung nararamdaman ko.
Una, hindi ko dapat nararamdaman ito. Because I'm just his employee. Pangalawa wala naman ako assurance na may gusto siya saakin. At pangatlo, assuming lang talaga ako kaya ko nag fe-feeling affected samantalang wala naman kami relasyon. Hyssttt kaka basa ko ito ng mga romance novel e.
"Altamars! " sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay biglang bumukas ang pinto ng office at sumulpot mula roon si Jeff.
"Oh, Jeff? anong ginagawa mo rito?" takhang tanong ko saka tumayo at naglakad palapit sa kanya.
"Aayain sana kita kumain sa baba. May opening ngayon doon. Ang alam ko ay bagong bukas na kainan. Ano?? in ka?" masayang aniya habang may naka display na malapad na ngiti sa kanyang labi.
"Ah. May trabaho pa ako e. Ikaw nalang, sorry." Pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo ay wala na akong gagawin. Tapos na ako sa mga gawain ko.
"Ganon ba?? sayang naman. Mabilis lang naman iyon. Kakain lang tayo. Sayang din yun libre ang mga pagkain." biglang lumungkot yung mukha niya.
'Whuaaaa precious bakit hindi mo muna kasi samahan saglit lang naman daw kayo eiii whueee, hindi ka ba naaawa sa tao? nag effort siyang akyatin ka rito sa napakataas na building na to oh para lang yayain kang kumain-- tapos tatanggihan mo whuaa bad!'
Whuaaa ikaw talaga brain ang hilig mo mangunsensya, whueeee huhuhu.
You owed me one, brain.
"Hmm.. Sige na nga. Basta bilisan lang natin ah. Baka kasi mapagalitan ako ng boss ko pag hindi niya ako naabutan dito sa office. " sabi ko habang nangangamot pa ng batok.
"Yeah sure! so let's go??" tumango ako saka sinara ang pinto at sabay na sumakay kami ng elevator pa ground floor.
Naalala ko tuloy yung aksedente ko nakasabay si Ser sa private elevator niya. Laugh trip mukha niya noon dahil sa inis e hihihi.
'Remind you, Precious. hindi kayo bate ngayon.
Nang makarating sa baba ay sinalubong kami ng napaka ingay na speaker na nagmumula sa isang bakanteng espasyo na pinapagitnaan ng dalawang tindahan ng mga damit. Dito ako bumili ng damit ko dati.
'Whuaaa may mga lobo pa na naka sabit kyaahh ang cuteeee huhuhu. '
Lumapit ako sa mga nagkukumpulan na tao na naka pila sa isang side. Akala mo sila hindi mabibigyan ng regalo kapag hindi pumila. Ang organized lang.
Nag ningning ang mga mata ko nang makakita ng maraming hotdog na naka stick!
'Whuaaawww HOTDOG huhuhu ang sarap .'
dali-dali akong naglakad patungo roon sa linya ng mga hotdog.
"Anong sayo Ma'am?" naka ngiti na anang lalaki. Naka suot siya ng kulay dilaw na damit habang may sumbrero na kulay pula na nakapatong sa kanyang ulo.
'Parang nasa jollibee lang ako ah.'
Ganon yung sa jollibee e. Kulay pula lang yung sa kanila.
"Hotdog. Gusto ko ng hotdog hihih.." nagpakawala ako ng matamis na ngiti.
"Eat all you can Ma'am. go ahead" tinuro niya yung mga hotdog na may stick saka matamis na ngumiti sa akin bago ulit umalis.
'Whuaaa mukhang mabubusog ako nito Kyaahh Sarap titigan ng mga hotdog. Pero mas masarap silang kainin'
Walang pag-aalinlangan na kumuha agad ako ng tatlo at agad na kinagat yung isa. Nang maubos ay yung isa naman ang kinain ko. Hanggang maubos ang mga hawak ko. Hindi pa ako ro'n nakuntento at kumuha pa ako sa lagayan.
'Whueee huhuhu ang sarap, lalo na pag libre.'
Dadampot pa sana ako nang wala na akong makapa?
Whuaaa naubos kona kyaah Huhuhu. Baka pagalitan ako..
'Hindi ka naman gutom sa lagay na 'yan self no?'
Gusto ko pa ng hotdog pero teka. Ilan ba nakain ko??
Binilang ko yung nakain ko.
27?
Whuaaaa ang takaw ko naman.
"Altamars? oh? bakit parang naka kita ka ng multo? May problema ba?" mabilis na naitago ko sa likod ko yung mga stick nang marinig ko yung boses ni Jeff.
"A-ah? h-hindi ah, Hehehe. M-may tinitignan lang ako. " pagdadahilan ko.
"Ah. Alin? " tanong niya.. Whuaaahh bakit ba kasi ang dami niya pa tanong huhuhu.
"N-nag hahanap ako ng h-hotdog. Tama! tama wala ata silang handa na hotdog?" *pout* nag pout pa ako na parang nalungkot. Para makatotohanan.
"Whoah talagang hotdog ang paborito mong kainin ha?? haha teka alam ko may mga hotdog silang handa naka stick pa ang mga 'yon." nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya.
'Whuaaa alam niya hutaaa huhuhu. whuaaaa I'm so dead na.'
"W-wala ah. Kanina pa kaya ako paikot-ikot naghahanap ng mga hotdog, pero wala." giit ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga sticks na nasa likod ko.
"Teka tanungin ko si bro." para naman akong namanhid sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya
'Whuaaa precious mabubuking ka huhuhu.. Nakakahiya.'
" 'Wag na. Iba nalang kakainin ko. " agad na pigil ko.
"Sigurado ka?" tanong pa niya.. Naninigurado.
'Sigurista talaga itong si Jeff.'
"Tara doon tayo. " turo niya doon sa putohan saka nangunang maglakad.
Ang daming handa dinaig pa birthday ng 7 years old na bata.
Nang medyo makalayo na sa‘kin si Jeff ay agad akong naghanap ng basurahan at do'n tinapon yung mga sticks.
"Try mo 'to, masarap ‘to." sinubo niya sa‘kin yung kutchinta na hawak niya.. Gizzz ang sarap!
"Saan ka naka kuha nito? hingi pa ako." sabi ko. Whueee ang sarap talaga.
Tumayo si Jeff sa kinatatayuan niya saka naglakad sa lagayan ng mga puto at kumuha ng kutchinta.
Pagbalik niya ang dami ng laman ng plato.
"Ubusin mo ‘yan ah. " ngiting bilin niya. Tumango naman ako. Akala mo talaga e kayang ubusin lahat.
"Kamusta na pala ang relasyon nyo sa isa't isa ni Sir. Aljon? " out of the blue, he asked.
Tumingin ako sa kanya.
"Ganon parin naman. Hindi kami nagkikibuan. " sagot ko. Alam ni Jeff ang tungkol sa hindi namin pag-uusap ni Ser. Sinasabi ko kasi sa kanya lahat. Maliban dun sa kiniss ako ni Ser. May iniba ako sa kwento.
"Hayaan mo na. Ganon talaga mood ng pamilya Costudio. Mood swing." natatawang aniya. Ngumiti rin ako ng pilit.
'Sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Ser may sakit akong nararamdaman sa dibdib ko. kakaibang sakit. Hindi tulad ng dati noong unang beses kaming magkasagutan, kakaiba. Ibang iba.'
Napabuntong hininga ako sa naisip ko.
"Ayos ka lang, Altamars? Matamlay ka. May masakit ba sayo?" nag-aalala ang tono ni Jeff pero nginitian ko lang siya at tumango.
"Kanino folder to?" maya-maya ay tanong niya. May dinampot siyang folder doon sa tabi niya
May naalala ako bigla!
Whuaaaaa magpapasa nga pala ako ng folder kay Ser ngayon whueee huhuhu. Baka mapagalitan na naman ako.
Nanlaki ang mga mata na napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Hala! sa‘kin yan, Whuaaa huhu. Wait lang Jeff, ngayon ko nga pala ipapasa yan kay Ser!" nag-ihisteryang palahaw ko.
"Hahah relax. Pwede mo naman ipasa ‘yan mamaya. Panigurado ay busy ngayon 'yon si Sir. May opening dito sa baba e. " pagkakalma niya saakin pero hindi parin napanatag ang loob ko.
"Hindi. Wait lang Sasaglitin ko muna babalik nalang ako. Whueee huhu.. Ayokong magalit na naman siya saakin huhu. Sandali lang ah. Aakyatin ko lang saglit." saka ako tumakbo palabas. Hindi ko na inintay ang sagot niya dahil alam ko naman na pipigilan lang niya ako ulit. Huhuhu
PATAY AKO NITO
Bakit ba kasi nawala sa isip ko yung bagay na 'yon! importante pa naman yun, saka hindi pa nga kami bati ni Ser, madadag-dagan na naman kasalanan ko.
'Puro ka kasi hotdog, Press e. Excuse me lang ah, hindi masarap masermonan no, hindi iyon gaya ng pagkain na pagkatapos mo ma-nguya at ma-lunok ay mabubusog at ma sa-satistied ka. Pero ang sermon ng taong mahalaga sa‘yo?? hindi masarap ‘yon---, masakit yun sa dibdib.'
Pag-dating ko sa tapat ng elevator ay hindi ako mapakali. Lakad lakad ako pabalikbalik. Whueeee bakit kasi ang tagal bumukas huhuhu
Nasa bandang 40th floor palang ang elevator dahil bumubukas ito kada floor na madaanan para magbaba ng sakay bago makarating dito sa ground floor. Whueee huhuhu.
Feeling ko habang inaantay ko maka baba ang elevator ay aabutin ako ng isang taon bago maka sakay. Habang tumatagal ay pakiramdam ko binabayo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako.
Sa sobrang pagka-inip ay inakyat ko nalang ang hagdan. whuaaa huhuhu. Mapapagod ako nito huhu
Hingal na hingal ako ng marating ko ang 3rd floor! Takbuhin mo ba naman paakyat mula first floor di ka hihingalin.
tumakbo ulit ako papunta sa Elevator dito sa third floor pero wala, sarado rin kaya no choice ako kundi makipag mano-mano sa hagdan whuaa huhhu ang taas.
Simula nang masimulan ko ang pagtakbo paakyat ay hindi ko na nabibilang kung saan floor na ako dahil hindi naman ako maliligaw. Nasa pinaka last floor lang naman ang pupuntahan ko whueee huhuhu.
'Whuaaa kaya mo yan Precious kasalanan mo yan dahil mas inuna mo ang Hotdog kaysa sa trabaho.'
Huminto ako sa bandang 30th floor dahil hindi kona kaya. Hingal na hingal na ako. Hindi na ako makahinga!
Sapo-sapo ko ang dibdib ko habang nakatuwad dahil naninikip ang dibdib ko. Humawak ako sa tuhod ko ng makaramdam ako ng hilo.
Whuaaaa ayoko na!! huhuhu... Dapat pala nag-intay nalang ako maka-baba yung elevator huhuhu. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala kahirap mag hagdan whueee!
Hinahapo na naglakad ako sa may elevator para sana mag elevator nalang dahil hindi ko na talaga kaya pero nasa 33 floor na ulit pataas ang elevator huhuhu. Nakakaiyak. Sana pala nag intay nalang ako napagod pa ako.
Wala na rin naman na ako magagawa naumpisahan kona e, edi tapusin ko na lang.
Nang maka kuha na ako ng sapat na hangin ay bumuntong hininga muna ako at muling inumpisahan ang pag akyat ng hagdan.
After 10 minutes..
40th floor
takbo ulit.
10minutes
50th..
15 minutes...
60th floor!
Sa wakas! narating ko rin ang impyerno!
Napa-upo na ako sa tiles ng floor dahil sa sobrang pagod.
Hindi ako maka hinga!
Habol habol ko ang hininga ko habang nagpupunas ng pawis.
Tagaktak ang pawis ko sa buong katawan.
Makalipas pa ang sampung minuto ay naka recover na ako ng kaunti.
Tumayo ako sa pagkaka upo at naglakad papunta sa Office kahit na ayaw pang kumilos ng mga paa ko dahil sa pangangalay.
nanginig ang mga binti ko sa sobrang taas ng inakyat ko. 60th floor lang naman, self.
'Gusto kong humiga whuaaa huhuhu.. Ang sakit ng binti ko. biruin mo 'yon?? 45minutes akong lakad takbo? tapos hagdan pa ang kalaban ko, natapilok pa'ko kanina sa may bandang 50 floor huhuhu pinalo ko nga yung sahig salbahe siya eh, Wala naman akong ginagawa sa kanya hmp. '
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng office dahil sobra na talaga ako nanghihina. Halos hindi ko na mai-galaw ang paa ko sa sobrang pangangalay.
Nang sawakas ay nabuksan kona ang pinto ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin, whuaahh baka nasa loob si Sir huhu, lagot talaga ako.
kinakabahan ako.
Wala akong makita...
"Malamang naka pikit ka, gaga.'
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa katangahan ko. Oo nga naman, paano ako makaka kita e naka pikit ako.
1...
2...
3..
Minulat ko ang mga mata ko.
Bagay na sana hindi ko nalang ginawa.
Kasabay ng pagmulat ko ay sakto naman na actual kong nakita kung paano hinalikan ni Maam Izella si Ser Aljon.
Hindi ako nakagalaw.
Natulala ako.
Parang biglang huminto ang t***k ng puso ko.
Nanginig lalo yung tuhod ko.
Nawalan ako bigla ng lakas.
Siguro pag gumalaw ako sa kinatatayuan ko ngayon ay matutumba ako.
DAHIL NANGHIHINA NA ANG MGA TUHOD KO
Kung kanina ay nanghihina ako dahil sa pagod-- mas lalo na ngayon--- Pero hindi pagod ang dahilan kundi ang nakikita ko.
Ang paninikip ng dibdib ko ay mas lalong tumindi. Hindi ako makahinga, Pakiramdam ko ay may naka bara sa lalamunan ko. Nanunuyo ang labi at bibig ko.
Nanginginig ang buo kong katawan.
Gusto kong umalis pero para akong na glued sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko para tumakbo paalis.
Nakatingin lang ako sa kanila habang hindi malaman kung ano ang unang gagawin.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pangingilid ng mainit na likido sa palibot ng mata ko, kalaunan ay unti-unti itong bumagsak.
'Bakit ba ako nasasaktan? bakit ko ba nararamdaman ang bagay na ito?'
'Nahihirapan na ako.'
"'Wag na titigan kung nasasaktan na." naramdaman ko ang paghila saakin ng taong nagsabi niyon. Doon ay hindi ko na nakita ang halikan na nagaganap sa pagitan nila Ser at Ma'am Izella.
"Bakit hindi mo nalang aminin ang tunay mong nararamdaman para sa kapatid ko kaysa sa nagtitiis ka ng ganiyan. Nasasaktan at nahihirapan." napaangat ako ng tingin kay Ser Andrew dahil sa sinabi niya.
Yes, si Ser Andrew ang nag layo saakin sa eksenang dumurog sa puso ko.
Sa halip na sumagot ay pumalahaw ako ng iyak.
"Whueee Huhuhu, Whuaaa huhuh.." atungal ko. "Bakit ganon Sir?? ginawa ko naman lahat para pigilan ang nararamdaman ko para kanya. Pero bakit mas lalo pa po ata lumalim Huhuhu. Nahihirapan na po ako, sobra na po ako nasasaktan sa mga nangyayari." patuloy lang ako sa pag-iyak habang binubuhos ang sama ng nararamdaman ko.
"Ganon naman talaga kapag nagmamahal ka. Kung kailan umiiwas ka-- ay saka ka mas lalong nahuhulog sa tao. "
"Pero hindi kami pareho ng nararamdaman. Magkaiba kami ng napupusuan. Gusto ko siya, pero baka ang gusto niya naman ay iba. Masakit sa dibdib yun Sir.. Like he stabbed my heart million of times." napayuko ako sa sinabi ko.
Hindi parin nawawala ang paninikip ng dibdib ko.
Matinding lungkot ang nararamdaman ko at aminado ako ron.
"Precious. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. "
"Paano kung malaman ko nga po ang totoo tapos mali ako?? edi mas nasaktan lang po ako lalo."
"Well, You have to take the risk. Nothing's going to happen if you don't make any act."
"Wag mo ko ma english english diyan Sir! broken ako."
'Itong si Sir ang hilig mag english. Na nonose bleed ako sa kanya e tsh. Iko-comport ako tapos bibirahan ng English, ano nalang maiintindihan ko non?.'
"Hahaha. Ikaw talaga puro ka Biro. Kaya lagi kang nasasaktan e. Iniisip nila na wala kang nararamdaman, wala kang pinagdadaanan, malakas ka, at matatag. Hindi na nila naiisip na tao ka parin at nakakaramdam din. They are taking advantage it dahil masayahin ka at palabiro." natatawang ani Sir.
'Tamo! tamo! pinagtatawanan pa ako whueee huhuhu. Naiiyak na nga ako dito tapos pagtatawanan pa, huhu bad ka Sir! parehas kayo ng tukmol mong kapatid.
"Oh, Precious? bakit ka umiiyak? anong nangyare?" nag-angat ako ng tingin at doon nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Ma'am Judith.
Yung luhang kaninang umurong na ay muling bumalik.
'Bakit ganon?? nakita ko lang si Ma'am Judith bakit parang mas gusto kong umiyak? huhuhu..'
Nang makita ko si Ma'am Judith ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi.
"Maam Judith. Whueeee huhuhuhuhuhu. " at ayun na nga. Pumalahaw na naman ako ng iyak. Parang batang iniwan ng nanay.
Totoo naman.
Naglakad palapit sa‘kin si Ma'am Judith at niyakap ako. Doon ay humagulgol ako ng iyak.
'Bakit parang sobra naman ata ako kung mag react?? nag kiss lang naman sila.'
Saka FYI normal yun sa mag jowa. Duh.
"Shhh.. Stop na. Kumalma ka. Ano ba nangyari?? " pagkakalma niya sa‘kin. Hindi ako nagsalita pero huminto ako saglit sa pag-iyak. Naisip ko lang na bakit nga ba ako umiiyak? samantalang wala naman kami relasyon ni Ser?
"Wala po maam, Judith." sagot ko.
"Precious?"
"Whuaaa huhuhu. Namatay po kasi yung aso ng kapit bahay namin. Kaya ayun po, Nalungkot ako." palusot ko. Nakita ko sa peripheral vision ko ang hitsura ni Sir Andrew, whueee huhuhu nakakahiya
Nagpipigil siya ng tawa.
'Whuaaaa ano ba kasi pinagsasabi ko huhuhu nababaliw na naman ako.'
"Hyyy naku Precious. Akala ko naman kung ano na nangyayari sayo. Aso lang pala ng kapitbahay nyo na namatay. Nag-alala ako sayo ng sobra." ani Ma'am Judith saka hum