CONTINUATION CHAPTER 18

2947 Words
humiwalay sa‘kin sa pagkakayakap. "Hehehe. Sorry po Ma'am Judith. Nasobrahan po ata ako. Over react " nangangamot ng ulo na sabi ko. "Hmm.. Oh ano? ayus ka lang ba?? naku. 'wag mong pinoproblema yung aso ng iba. Ang intindihin mo e yang sarili mo." umiiling-iling na sabi niya pa. Tumango naman ako. "Ano nga po pala ginagawa niyo rito, Ma'am Judith?" pag-iiba ko ng usapan. "Ah yeah, Nandito kami para sa bagong business na itatayo riyan sa ground floor. Kinausap kami ng may-ari para sa babayaran nila sa pwesto. " sagot niya. ' Ah.. e bakit sila yung kakausapin? pwede naman yung si tukmol?' 'Whuaaa Precious wag kana marami tanong.' OO na wag mo na akong pagalitan, Brain. "Oh sya. Pano, Precious? una na kami ah. Marami pa kaming aasikasuhin e. " pag kuwa'y sabi ni Ma'am Judith. " Do the right thing to do and just follow your heart. Walang mangyayari kung hindi mo susubukan." Litanya ni Ser bago tuluyan umalis. Naiwan akong naka tayo habang tulala sa kawalan. 'Should I tell him what's inside my heart? or should I keep it myself nalang?' Bumalik ako ng ground floor pero this time ay nag Elevator na talaga ako. Whueee ayoko na mag hagdan, ang sakit sa binti. Pagdating don ay naabutan ko si Jeff na may kausap na babae.. Masayang nagkukwentuhan. 'SANA ALL MASAYA. SANA ALL NAKA NGITI.' Mapapa sana all nalang talaga ako. "Jeff." banggit ko sa pangalan niya pagkalapit. May ngiti niya akong nilingon. Nginitian ko rin siya kahit pilit. 'Hindi parin ako okay. Mabigat parin pakiramdam ko. Masakit parin..' 'Hindi ko alam kung bakit ko ba nararamdaman ito. Kung saan nagmumula ito. Ni hindi ko nga alam kung may karapatan ba ako masaktan dahil from the first place ay wala naman kami. ' ako lang talaga 'tong assumera. "Oh, Precious? Nandyan kana pala. " aniya. "Ay wala talaga ako Jeff. Imagination mo lang ako Tsh. Malamang nandito ako. Nakikita mo nga ako diba?? Eme ka rin e no." nakangiwi kong sabi. Naiinis ako Whuaaaa huhuhu hindi mawala sa isip ko yung nakita ko whueeee huhuhu. Bad precious, pati si Jeff dinadamay mo sa problema mo whueee huhuhu. "Hahaha.. Ano bang nangyari sayo at parang mainit ang ulo mo?? may nangyari ba habang kinukuha mo yung---- teka, asan na yung kinuha mong folder? akala ko ba ay ipapasa mo kay Sir Aljon 'yon ngayon? asan na? bakit di mo dala?" sunod-sunod niyang tanong. Mas lalo naman akong nainis. Whuaaa bakit ba kasai palagi nalang siyang maraming tanong huhuhu. Mas lalo ko tuloy naaalala yung kiss ni higad kay Ser hmp. 'Dati ako lang yung hinahalikan niya ng ganon. Tapos ngayon pati si Ma'am Izella na rin. Whueeee huhuhu ayoko na sayo Ser bad ka.' "Napasa kona." pagsisinungaling ko. Tinatamad ako. Wala akong gana magsalita para ikwento pa sa kanya kung ano yung buong nangyari. "Ah... O.... Kay?? " nawiwirduhan na sagot nalang n‘ya.. Ngumiti ako kahit na sobrang napipilitan lang talaga ako. Ayoko kasi makahalata pa s‘ya. Tinatamad talaga ako magkwento. Saka baka maiyak at masaktan lang ulit ako. Sariwa panga e. Hindi pa ako nakaka move on. Hindi na siya nagsalita matapos non. Yung girl na kasama niya ay nandon parin. nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan habang ako ay nakikinig lang at hindi nagsasalita. Kumikibo lang ako kapag may itatanong sila saakin.. Wala eh. Wala na ako sa mood. 'Kung talagang wala siyang nararamdaman sa‘kin, bakit niya ako hinalikan noong nakaraan? Ano ba ang ibig sabihin niyon sa kanya? Wala lang ba ‘yon?' Nasasaktan ako kapag naiisip ko ang bagay na ‘yon. Pakiramdam ko ay pinaglaruan lang niya ako. Pinaasa. 'Precious, ginusto mo rin kasi na halikan ka n‘ya kaya siguro inisip niya na ayus lang na gawin niya iyon sayo ng paulit-ulit. ' Sabagay. Baka nga wala lang iyon sa kanya. Baka ako lang talaga ang nag assume na may something na saamin. Ako naman itong si tanga nahulog at naniwala. Nag padala sa mga kilos niya. ' I'm so stupid..' Ilang minuto pa akong natulala bago natauhan. "Hahahaha really?" rinig kong tawa nung babae. Luh, Nagkukwentuhan parin sila hanggang ngayon?? wala akong naintindihan hahaha. "Ahmm Jeff. Una na ako marami pa akong gagawin sa office eh." Maya-maya ay paalam ko. "Oh? tara ihahatid na kita. Pasensya na at naabala pa kita. Ang sabi ko ay saglit lang tayo. Sorry" nahihiyang sabi niya. Nginitian ko naman siya saka kinaway ang kamay ko. "Naku wag na. Ayos lang ako, saka walang kasama si Hazel dito kung iiwan mo siya." nilingon ko pa si Hazel nang sinabi ko iyon. Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kanya. "Sigurado ka?? baka magalit ka ah? baka bukas hindi mo na ako kausapin hahha." "Uyy hindi ah. Ikaw talaga. Sige una na ako. Baka hinahanap na ako ng B-boss ko." pagpapalusot ko. Naglakad na ako pabalik ng office. Sumakay ako ng elevator. After 15 Minutes ay bumukas na ang elevator. Naglakad ako ng dahan-dahan patungo sa office. Kinakabahan ako dahil baka ano na naman makita ko at masurpresa ako. 'Tapos na kaya sila? Siguro naman tapos na sila dahil 5hours na ang nakalipas.' Nanlaki ang mata ko ng makitang 10 na pala ng gabi gizzz ang tagal ko pala nawala, whuaaa huhuhu. Yung folder kyaahhh Mas lalo ako kinabahan whuaaa huhuhu. Siguradong nasa office n‘yan si Ser whueeee. 'Ang tagal ko naman pala mag muni-muni. Sabagay hindi mo naman talaga mamamalayan ang oras pag nakikipag kwentuhan ka.' Nang nasa tapat na ako ng pinto ay huminga ako ng malalim saka bumuntong hininga. Tatlong beses ko yun ginawa ng paulit-ulit. "Come in." Kakatok palang sana ako nang magsalita na si Ser sa loob. 'Luh, pano niya nalaman na may tao sa labas?' . Napalingon ako sa baba. Wala naman butas. Kahit na nagtataka ay dahan-dahan ko parin binuksan ang pinto at sumilip. Nakatalikod si Ser. ' Yes!' mabilis na pumuslit ako at dahan-dahan naglakad papasok. WHUAAAA KINAKABAHAN AKO BENTE "Where have you been? bakit ngayon ka lang." "Ay hotdog mong malaki!" napatalon ako sa gulat nang magsalita si Ser. Whua huhuhu. I'm so dead now whueeeee Dahan-dahan kong nilingon ang table ni Ser na nasa harap ko lang naman. Kyahhhh ang seryoso niya huhuhu. Pumihit na rin kasi siya paharap sa akin. Whueee huhuhu. "I said where have you been?" ulit niya sa tanong niya kanina. Nakagat ko ang labi ko sa baba dahil sa sobrang kaba. 'Whuaaa para na akong maiihi sa kaba huhu bakit kasi ang seryoso niya.' "S-sa Ground floor, S-ser.." nauutal kong pag-amin. Bakit sa ground floor naman talaga ako galing a. "What are you doing there in the middle of your work?" tanong niya ulit. Whuaaaaa ayan na naman yung mukha niya na mukhang unggoy huhuuhu. Galit na talaga sya. Ano ba kasi nangyare at ang init ng ulo niya whueee. Huhuhu baka sa akin niya mabunton galit niya Lord help mee' "K-kumakain ng hotdog po S-ser.." "Ugh! I'm serious, okay? Can you just answer me straight? Even just once, Ms. Altamara." napapitlag ako nang hampasin niya ang table at mangibabaw ang boritonong boses niya. Whueee huhuhu. Maayos naman yung sagot ko ah. Ano pa ba sagot ang gusto niya. "I'm serious too Ser. I really did ate Hotdog there. Ako nga nakaubos lahat ng nakatusok eh" *Pout* ngumuso ako. ' Whuaaa bakit kasi ayaw niya maniwala huhuhu. Totoo naman eh.' "Sinong kasama mo?" "Si Jeff po Ser hehe." ngumiti ako ng peke. " So iniwan mo talaga ang trabaho mo para lang makipag date sa lalaki’ng 'yon." Seryoso niyang sabi.. Natameme ako. Hindi agad ako nakapagsalita. 'Whuaaa ano bang problema niya huhuhu..' "Hindi naman po ako nakipag date Ser." depensa ko. "Ah nakipag landian lang? sabagay wala naman ibang papatol sayo kundi ang isang tulad niya na mababang uri lang." Mabilis na nangilid ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. "For the second time around, he called me flirt again. ' Ang sakit naman sa dibdib non. Pero kahit na ganon ay hindi ako kumibo. Yumuko lang ako dahil ayokong makita niya na umiiyak na naman ako. Ayokong sabihin niyang dinadaan ko ang lahat sa iyak para maawa siya. Ayokong magmukhang talunan. Kahit na naka yuko ay naramadaman ko ang paglapit niya dahil sa mga tunog na nagmumula sa mga yabag n‘ya. "Tapos ngayon iiyak ka?? how weak you are. How pathetic you are. Oh well, Pinalaki ka nga pala ng nanay mo ng bobo at sabik sa pera kaya ginagamit mo yang katawan mo para kumita ng pe----" *PAK!* Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang sampalin ko siya ng buong lakas. He's too much. "With all due respect, Sir. WALA KANG ALAM. Kaya 'wag mo akong pagsalitaan ng mga bagay na hindi naman totoo. OO BOBO AKO. ‘yan naman ang tingin sa akin ng lahat e diba? bobo, tanga, stupida, idiot, walang silbi--- pero hindi ako malandi gaya ng sinasabi mo. Hindi ako bayaran gaya ng inaakala mo, hindi ko ibinebenta ang sarili ko para lang kumita ng pera. Alam mo kung bakit? Dahil yun nalang ang meron ako, yun nalang ang maipagmamalaki ko para sarili ko. Dahil kahit ako mismo ay inaamin na wala akong ganda, wala akong pera, wala ako ng lahat! wala ako ng lahat ng katangian ng isang babae na gusto ng mga lalaki na matapobre gaya mo. Alam ko naman lahat yun e, hindi mo na kailangan ipamukha pa sa akin iyon dahil tanggap ko... Tanggap ko na kahit na anong gawin ko ay hindi parin magbabago na isa lang akong DUKHA. Isang babae na salat sa pera, Isang babae na walang hinangad sa buhay kung hindi ang magkaro'n ng magandang buhay dahil iyon ang tingin n‘yo saakin. Pero alam nyo? ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na ibenta ang katawan ko para lang sa pera. Kaya kong magtrabaho at isakripisyo ang sarili kong buhay para lang kumita ng pera galing sa marangal na trabaho basta huwag lang manggaling sa masama. Pero sabagay, HINDI niyo maiintindihan 'yon dahil lumaki kayong nakukuha niyo ang mga gusto n‘yo. Lumaki kayo sa luho. Lumaki kayong pasan kayo ng mga magulang nyo." "Tama na. That's enough. You know nothing about my family. Don't you dare mention their name here. " Sabat niya. Nginitian ko siya ng mapait, saka pinunasan ang mga luha ko. " Ikaw ba Ser? may alam ka ba tungkol sa pagkatao ko para husgahan ako??hindi ba wala?? kaya wala ka rin karapatan husgahan ako pati ang pamilya ko. Unang una, wala kang alam. Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko sa buhay para lang mabuhay. Hindi mo alam kung gaano kahirap mabuhay mag-isa ng walang magulang na sumusuporta sayo. Ngayon, sabihin mo sa akin kung anong alam mo sa buhay ko para pagsalitaan ako ng kung ano-ano." sigaw ko. pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Sa ginawa niyang 'yon ay muli na naman nagbagsakan ang mga luha sa mata ko. Gusto ko siyang yakapin dahil hindi ko na kaya. Sobra na akong nasasaktan. Hindi ko kayang makipagbangayan sa taong mahal ko. Mas higit akong nasasaktan.. Pero wala akong magawa. 'Bakit kaba nagkakaganya? ' "Alam mo Ser. Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw yung Aljon na nakilala ko. Yung Aljon na hindi ako pagsasalitaan ng masasakit na salita kahit na ano pang pagkakamali ang magawa ko-- Yung Aljon na malambing at may pagka Childish. Hindi na ikaw iyon.. Malayong malayo. Kasi yung Aljon na 'yon? yun yung minahal ko e. Yung Aljon na masungit pero mabait. Hindi ang Aljon na nasa harap ko ngayon. Isang demonyo na mas devil pa sa devil." napayuko ako dahil muli na naman bumuhos ang mga luha ko. Hindi siya nakasagot dahil nagulat siya sa sinabi ko. "You've changed a lot. You're no longer the man that I used to love before anymore.. dagdag ko saka humakbang patalikod. Handa na akong umalis, pero hinigit niya ako pabalik at niyakap ng mahigpit mula sa likod. "I'm sorry.. I'm sorry Precious... Please forgive me.. Don't cry.. I'm really really sorry.." narinig kong bulong niya. Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko hanggang sa mapahagulgol na ako. Muli.. Naramdaman ko yung dating Aljon. Yung Aljon na nakakapag pabilis ng t***k ng puso ko. Aljon na minahal ko. at dahil sa ginawa niya... "Whuaaaa!! Ser... Huhuhuhu. " pumalahaw ako ng iyak. Whueee ayaw huminto ng luha ko huhuhu. ' Huhuhu.. Ang sakit. Parang pinipiga ang puso ko. ' "Don't cry please. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak. Please, My Precious. Stop crying. I'm so sorry." Gumaan bigla ang nararamdaman ko at parang nabunuran ako ng tinik sa mga tinuran niya. 'Pero bakit daw sya nasasaktan? Hindi kaya may gusto na rin sakin si Ser?' Pero ayokong umasa huhu baka mali na naman ako ng instinct ko. Yinakap ko pabalik si Ser at maya maya lang may naramdaman akong basang tumulo sa leeg ko. 'Umiiyak ba siya?' Kinalas ko ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin at tumingala sa kanya. Whuaaa umiiyak nga siya "Whuaaa bakit ka umiiyak Ser?? Pinapatahan mo ako tapos ikaw naman ang iiyak." *pout* ngumuso ako. Itinaas ko ang kanan kamay ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Ganon din ang ginawa niya. Pinunasan niya yung luha ko sa pisngi ko. "I'm sorry my Precious for hurting you again. Sorry for making you cry, again. Sorry for insulting you and your parents. Sorry for calling you flirt. Sorry for everything. Please forgive me. I love you. I love you damn much.." Para akong natuod sa narinig ko. Nagulat ako sa mga sinabi n‘ya. He loves me? Mahal nya ako? Oh God. "M-mahal mo ako? H-how?" Nagugulat parin na tanong ko. "Hindi ko rin alam kung paano.. I don't know how it started. I just realised that I already fell for you." Aniya habang hawak ang dalawa kong kamay. Bumuntong hininga ng malalim habang naka yuko. Natahimik ako ng panadalian habang tintimbang ng sitwasyon namin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung dapat ko na rin ba sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya. And I decided to confess. "I love you too and I forgive you. " sagot ko. Bakas ang gulat sa mukha niya nang mag angat siya ng tingin saakin. Biglang nagliwanag ang hitsura niya at parang mga bituwin na nagkislapan ang mga n‘ya. Nginitian ko siya at magaan na hinawakan ang mga pisngi niya. Inawakan niya ang dalawa kong kamay saka ako marahas na hinalikan. 'Ang lambot talaga ng labi niya. ' Matutuwa na sana ako dahil da mga nangyayari nang may bigla akong maalala. 'Diba nag kiss sila ni Izella kanina?' Whuaaaa oo nga pala huhuhu baka dumikit sa labi ko yung bacteria ewww Naitulak ko siya ng wala sa oras dahil sa naisip ko kyaaahh Pinunasan ko ang labi ko saka masamang tumingin sa kanya. Nagulat s‘ya Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkabitin. Inismiran ko siya saka nagdadabog na nagpunas ng labi. Grhhh "What's wrong my Precious?" tanong pa niya. Kung hindi lang ako naiinis sa kanya ngayon ay baka kanina pa ako kinikilig sa saya dahil sa tinawag niya saakin. ‘My precious’ Ang sarap pakinggan. . " 'Wag mo ko ma-My Precious, My Precious diyan kadiri ka." sigaw ko habang masama parin ang tingin sa kanya. "What?? You said I'm forgiven, do you?" "Yes, I do." sagot ko habang nakakunot ang noo. "So what's wrong?" " 'Wag mo ako ini-english-english d‘yan tukmol ka nabubwisit ako sayo. " duro ko sa kanya habang masama parin ang tingin. "Bakit ba kasi? anong problema?" inis niyang sabi. 'Aba, tamo! tamo! may kasalanan pa nga siya tapos siya pa may gana mainis, whuee, huhuhu bad! ' "Anong bakit? Hinalik-halikan mo si higad kanina tapos hahalikan mo ako? yah! kadiri ka! lumayas ka nga sa harap ko at nagdidilim ang paningin ko sayo." sigaw ko. Napalitan ng gulat ang naka kunot niyang mukha. 'May pa I love you I love you pa siyang nalalaman. Baka nga sinabi niya rin yun kay higad e. ' "Sino naman nagsabi sayong hinalikan ko yung higad na 'yon?" "Wala. Walang nagsabi sa akin. Pero hindi mo ako maloloko tukmol ka, dahil nakita ko kayo kanina naghahalikan. Tsh. Umakyat kaya ako dito kaninang 4 ng hapon. Ipapasa ko sana yung folder tapos... Pagbukas ko ng pinto nagtutukaan pala kayo." inis kong sabi. 'Alam niya ba kung gaano kataas ang inakyat ko nakakapagod kaya. Hingal na hingal ako tapos yun lang madadatnan ko. hmp!'. "Ah hindi ako ang humalik okay. Siya ang kusang humalik saakin. " "Nagpahalik ka naman. Tsh eme mo gusto mo rin naman." "Nah.. Yuck! Hindi kaya. Saka nakapag toothbrush na ako kanina pa. Ma-virus-an pa ko ng higad na ‘yon. Saka ayokong may ibang dumadampi sa labing 'to bukod sa special someone ko." mahabang litanya niya, napa nguso naman ako dahil sa huli niyang sinabi. ' Whueee wala na, wala na. May special someone na siya! na itsupwera na ako. whueee huhuh.. ' "‘Wag kana ngumuso riyan okay. Masyado kang selosa. ‘Wag kang mag-alala sa special someone na tinutukoy ko. Hindi mo kailangan magselos dahil ikaw naman iyon." 'Whuaaaa huhuhu bad! wag ka nga ganyan Ser pinapakilig mo pwet ko eh. ' "Talaga?? promise??" paniniguro ko habang humahakbang palapit sa kanya. "Promise " tinaas niya ang kanang kamay niya as for promising. "Okay." sabi ko saka siya hinalikan sa labi na ikinagulat niya. 'Yieee bate na kami. May free kiss pa. Yum! yum! Inches nalang hindi ko pa nalalaman.. Hihihihi' ~~ * To be continued * ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD