CHAPTER 19

4631 Words
Precious POV ~~*K*I*N*A*B*U*K*A*S*A*N~~ May malawak na ngiti sa mga labi ko nang pumasok ako sa Scyneth building. 'Masaya lang ba't ba. hehehe.' Di ko maiwasan maging masaya dahil una sa lahat at hindi sa huli ay bati na kami ni Ser. pangalawa, natatawa ako dahil sa nangyari kagabi! gizzz nakakainlab! 'Wews..' Hindi ko pa naman talaga alam kung paano ang ma inlove. Nafifeel ko lang ba't ba. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganitong klase ng pakiramdam. Yung ang saya-saya ko kapag magkasama kami. Yung parang kinikiliti ako kapag nakikita ko siyang ngumingiti. Bumibilis ang t***k ng puso ko kapag lalapit siya sa akin lalo na kapag hinahalikan niya ako. 'Am I In Love with him already?' Siguro nga ay in love na ako. pero bakit parang ang bilis naman?? Dalawang buwan mahigit palang nung makilala ko siya, tapos in love na ako sa kanya?? 'Walang sinusukat na araw, oras o panahon ang pag-ibig, Precious. If you fell In love, You're in love. You have nothing to do with that. Just go with the flow and embrace the reality.' Hyyy naku brain. Wag mo kong pinangangaralan, alam ko ang ginagawa ko. Saka naamin kona naman na sa sarili kong mahal ko siya. Hindi naman ako magseselos kung hindi. 'Mahal mo siya-- pero paano si Jeff?? he's courting you, remember?' Whuaaaahh oo nga pala huhuhu.. Nakalimutan ko na nililigawan niya ako whueee huhuhu. Bakit ba kasi nawala sa isip ko 'yung bagay na yun! Gizzz *BLAG!* Naibagsak ko ng napakalakas yung mga hawak kong folder sa lamesa sa sobrang inis, whueeee huhuhu.. malaking problema 'to "Bakit kasi nawala 'yon sa isip mo Presss??? huhu." tanong ko sa sarili ko saka hinilamos sa mukha ko ang palad ko. Buti nalang at mag-isa lang ako dito sa office. Wala pa sina Ser at maam Izella. hehehe. 4 palang kasi ng umaga. Napaaga ako masyado dahil sa sobrang excitement 'Susss... Gusto mo lang makita yung tukmol mo e. Yieee..' Manahimik ka nga brain, hindi ako kinikilig ah! naiinis ako. Hmp! Habang lumilipas ang bawat sigundo ay unti-unti rin bumibigat ang talukap ng mata ko. Hindi nagtagal ay nakatulog na ako ng hindi namamalayan. "My Precious, Wake up. It's already lunch. My Precious." Ano ba yan si Ser! hanggang sa pagtulog ko ba naman napapanaginipan ko siya hmp! bahala ka r'yan. "My Precious. Bangon na, Masisisante ka ng wala sa oras niyan.. Pstt.. Precious..." 'Whuaaa usto ko pa matulog hhuhuh.. Hmp! "May hotdog akong pinaluto para sayo. Bangon na." "Mauubos na yung hotdog sige ka, pag di ka gumising." "Ugh! ang hirap mong gisingin silly ka. Ayaw mo gumising ah." maya-maya pa... Whuaaa hindi ako makahinga! bakit ganon? whueee binabangungot na ata ako gizz Napamulat ako ng mata dahil talagang wala akong masagap na hangin. Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa harap ko si ser at nakangiting nakating sa akin. MAGKADIKIT YUNG LABI NAMIN Napaurong ako dahil sa gulat. E ako naman itong si tanga, nakalimutan kong naka upo nga pala ako sa upuan, ayun na out of balance at tumumba. " Kyaaahhhh!" Malakas na sigaw ko nang unti-unti ay tumutumba ang upuan 'Whuaaaahh huhuhu.. Ano ba kasing ginagawa ni Ser sa harap ko whuee tapos magkadikit pa yung labi namin, sinong matutuwa ro'n. ke aga-aga nanghahalik. Whuaaa hindi pa ako nakakapag sipilyo gizzz nakakahiya huhuhu.. ' Isang minuto na akong nakapikit at hinihintay ang pagtumba ko pero hindi nangyari nagmulat ako ng mata at doon nakita ang iiling-iling na ulo na ni Ser 'Hehehe nasalo niya pala ako. OA ba masyado? sorry naman.' "Good AFTERNOON my Precious. " saka ako hinalikan sa labi. Nawindang ako sa sinabi at ginawa niya madaya. Wala sa oras na naitulak ko siya palayo sa akin at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo. Whueee huhuhu.. hindi pa ako ulit nakakapag mumog anong oras na. Tumingin ako sa orasan sa taas at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan na naka turo ng galamay ng orasan. Oh my... OH MEH GESH, OH MEH GESH, ISA PA. OH MEH GESH TALAGA! it's already 12:30 in the afternoon Kyahh huhu nakakahiya wala pa akong natatrabaho huhuhu. 'Baka matanggal ako sa trabaho nito whueee.. Huhuhu. Ikaw naman kasi precious bakit ang aga mong pumasok. 6:30 pa ang pasok mo-- 4:00 palang nandito kana? Hindi ka naman excited masyado no?' Whuee huhu.. Gusto ko lang naman pumasok ng maaga. 'Maaga ka nga. Natulog ka rin naman ulit.' Nag toothbrush lang ulit ako saka na lumabas ng cr. May sarili akong gamit dito pang banyo wag kayong ano. Hehe.. Sabi kasi ni Ser kagabi magdala daw ako ng gamit ko pang Cr kaya nagdala ako. 'Which is nakatulong ng malaki sa akin.' "Kumain kana. Hindi kapa nag be-breakfast. Tulog kasi ng tulog-- Hindi naman tumataba." nakangiwi niyang sabi. Ngumuso ako dahil natamaan ako. Whueee huhuhu anong magagawa ko e kahit anong lamon ang gawin ko ay hindi ako tumataba. "Ganon talaga Ser pag sexy ehehe" kunwaring tawa ko. "Tsk. Saan ang sexy riyan? buto't balat kana." pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan. *Pout* "Hindi naman po Ser, 24 waistline ko saka 26 na baywang, hmp. Baka pag nagsoot ako ng swimsuit, Ser, Maglaway kayo? " nakangisi kong sabi. 'Di ka naman nang-aakit niyan Precious no? ' Hindi ah! sinong nang-aakit?? ako?? nang-aakit?? hindi ah tsh.. Story maker ka, brain. Hindi ako natutuwa sayo. "Tsk.. Tama na yang pang-aakit mo. dahil m*t*g*l n*k*n* n*a*i* sayo. " nakangisi siya saka naglakad palabas ng office. 'Hanudaw?? wala akong naintindihan sa sinabi niya. ' Hmp! bahala nga siya. Nagtuloy ako sa table ko at nakita ang napakaraming nakaahin na HOTDOG! huwaww meron ding Egg at bacon! yyieepieee kumpleto peyburit ko giz 'Whuaaah kanina lang napanaginipan kong sinabi ni Ser na pinaluto niya ako ng hotdog tapos ngayon meron nga. ' Mabilis na umupo ako sa upuan ko at kumagat ng isang hotdog. YUM! YUM! Nagutom ako bigla. 'Pero mas masarap hotdog ni ser.' WHUAAA BRAIN BAD! ' Totoo naman.' Hmp balaka r'yan brain, nilulumot kana talaga. Mabilis kong nilantakan yung mga pagkaing nakalatag sa harap ko. hehehe. Ako lang naman ang kakain ng lahat ng 'to, hindi naman nakain ng pang mahirap si Ser, tsh. Remember nung nasa South Island kami? Hindi raw siya kumakain ng hotdog. Tsh ang arte. nang matapos akong kumain ay niligpit ko agad yung pinagkainan ko at nilagay sa isang tabi. "Back to work na." Whuaaa ang dami huhu. Pag lingon ko dun sa mga bagong folder ang kapal whuee huhu. Bagong dating ang mga 'yon dahil wala naman yung mga 'yon kanina. hmp *Kringggg..... *Kringggg* Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa telepono. May tumatawag e. ' 'Wag kang nagrereklamo dahil ngayon ka lang gumising ' "Good afternoon, Scyneth Company speaking." sagot ko. 'Whoa, Precious. Kelan pa nagsalita ang kumpanya?' Whuaahh brain 'wag kang magulo nagpopokus ako. Saka yun kaya yung naririnig ko kay Ser pag sinasagot niya yung tawag. *pout* "Looking for Mr. Aljon Costudio. Can you give him the phone, I wan to talk to him." anang nasa kabilang linya. Sasagot na sana ako nang may humablot sa kamay ko nung telephone. "Pardon me, Mr. Costudio?" si Ma'am Izella. 'Luh Epal. Hindi naman siya yung kausap e. Pero sabagay, mas okay na sigurong siya na makipag-usap. English spoke yung nasa kabilang linya, baka ma nosebleed lang ako.' "Oh, I'm so sorry, Mr. Costudio. He has not arrived yet. He's currently in a meeting with co-stockholders of Scyneth Company. But he'll be back anytime soon. " "Yes, Sir. ahm Any longer Sir... Oh hahaha.. Not really Sir.. Ahm.. His girlfriend Sir.... Thank you Sir... Yeah.. I will." ayun lang at pinatay na niya ang telepono. 'Girlfriend ba siya ni Ser? ' Natulala ako kay Ma'am Izella dahil sa narinig ko. 'Kahit naman pala nag-aminan na kami ng feelings di parin kami pwede. May girlfriend na pala talaga siya.' Nanikip yung dibdib ko dahil sa maliit na bagay na 'yon. 'Maliit na bagay pero malaki ang impact.' "What are you still doing here, piece of trash? " humarap sa akin si higad at tinarayan ako "A-ah hehehe.. Wala po Ma'am sabi ko nga po babalik na ako sa trabaho ko hehhe.." nag peace sign ako saka nagmamadaling bumalik sa upuan ko. 'Whuaaaa huhuhu. Bakit ganon? bakit nasasaktan ako whueee huhuhu.. Pero sila may label. Kami wala kaya dapat wala akong karapatan masaktan.' 'May karapatan ka, Presss. Nagmamahal ka rin gaya niya kaya may karapatan kang masaktan. Kung meron man ang walang karapatan dito, Si Ser iyon. Wala siyang karapatan saktan ka at paasahin na may pag-asa kayo kahit na ang totoo ay wala naman.' Naiyak ako sa naisip ko. Tumulo yung luha ko ng sunod-sunod. 'Ang tanga mo naman kasi Presss. Bakit ka umaasa sa wala. ayan tuloy--- nasasaktan ka.' Hindi naman masamang umasa, brain. Lalo na kung alam mong pareho kayong may nararamdaman para sa isa't isa. pero minsan masama rin umasa lalo na kung walang pag-asa. Matapos kong umiyak ay pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang sarili. Saka muling bumalik sa ginagawa. ' Pero WHUAAAAA HINDI AKO MAKAPAG FOCUS huhuhu.' *pout* Narinig kong bumukas ang pinto kaya nag-angat ako ng tingin. Si Ma'am Izella, lumabas. "hyyssttt. Parang ang sarap umuwi nalang. " wala sa sariling bulalas ko. 'Waw naman sayo, Presss. Kakagising mo nga lang, wala ka pang natatrabaho, uuwi kana?? mahiya ka uyy.' E kasi naman kasi e whueeee hindi ko kayang harapin si Ser. Whueee huhuhu.. Baka maiyak lang ako. Umasa ako eh AKALA ko okay na. Akala ko lang pala. 'May Jeff ka pa naman. Manliligaw mo naman siya e, bakit hindi mo nalang sa kanya ibigay yang pag-mamahal mo para kay Ser? besides may girlfriend na siya. Ikaw wala.' Napayuko ako sa naisip. Minsan yung isip ko rin ang nagiging karamay ko pag may problema ako. Sarili ko rin ang kumokomport sa akin. Wala naman ibang gagawa n'on dahil wala naman akong kaibigan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit walang ibang tao dito sa office kundi kaming tatlo lang. The rest nasa ibang room na nagtatrabaho. May minsan naman na binabati nila ako kapag kasama ako ni Ser na lumalabas ng office. Minsan lang yun pag may gagawin siya or may ka' meeting. Sinasama niya ako. *Tok tok tok** Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. "Hi Precious! " si Danzel. Yeah gaya nung sinasabi ko kanina, may mga bumabati rin sa akin pag kasama ako ni Ser. Kaya ayun nakilala na nila ako. "Oh Denzel? ba't nandito ka? me kailangan ka ba?" tanong ko saka lumapit sa kanya. "Ah oo.. Pinapaabot kasi 'to ng boss ko kay Sir Aljon, nandyan ba sya? " pinakita nya yung hawak nyang envelope sakin. "Ay wala pa, Denzel eh. Kung gusto mo ako nalang mag-abot? promise ibibigay ko. Sakin naman lahat dumadaan lahat ng documents na pinapaabot nila kay tukmo--- kay Ser Aljon. " naka ngiti kong sabi. 'WHUAAA muntik kana don, Presss. whueeee huhuhu tukmol kase!' "Ganon ba. Sige paki abot nalang kay Sir. Sorry Precious ah naabala pa tuloy kita. " bakas talaga sa mukha nya ang paghingi ng pasensya. "Nakuuu wala yon. Trabaho ko naman yun may bayad hahah" "Ikaw talaga puro biro haha. Pero alam mo? Pansin ko close kayo masyado ni Sir. Nakakapag biro kapa nga sa kanya eh. Sa sungit nyang 'yon? kahit sino walang nagtangka samin na asarin sya. Pero ikaw, Parang tropa mo lang kung ituring. Kakaiba hahaa." namamangha ang mukha nya nang sabihin nya yon. "Hindi naman.. Boss ko kasi sya kaya akala nyo close kami. Saka mabait naman kasi talaga yun si Ser. Although, mahirap talaga syang kaibiganin, saka mahirap din makasundo. Lagi kasi yun may topak eh. " nangangamot ng ulo kong tugon. "Sabagay. Pero kakaiba talaga pagiging mag workmate nyo. Parang pantay lang kayo. Walang boss, walang empleyado. Ang sweet nyo ngang tignan pag magkasama kayo eh. Para kayong couple." pinamulahan ako sa huli nyang sinabi gizzz ganon na ba kami kahalata ni Ser??? Pero ngayon lang naman kami nagbati ah?? Sa nakalipas na linggo di nga kami magkasundo non. "Ah ahahahaha hindi.. Parang lang, pero hindi talaga. May G-girlfriend na yun si Ser." nautal ako sa huli kong sinabi. 'Whuaaahh bakit kasi pinaalala nya pa. huhuhu.. wala na! wala na! nasaktan na naman ako!! ' Luh.. OA mo girl. hehehe jokie lang. "Talaga??? sino GF nya?? wow!! ang swerte naman nya. Siguro maganda gf non ni Sir no?? ang gwapo ni Sir eh. kyaaah kinikilig ako! yun ba yung lagi nyang kasama? yung maputing babae na matangkad? " pag-uusisa nya pa. 'Maganda nga. Ang gaspang naman ng ugali.' "Ah oo. Si maam Izella. " Nasabi ko nalang. "Aytt.. Maganda nga! pero diko bet ugali non ni maam Azila ba yun? basta yun. Feeling ko mataray sya, Saka medyo maarte. Shhhh kalang ahh. 'Wag mo ko isumbong. Baka mawalan pa ko ng work hehee." natawa ako dahil sa pagiging straight nya haha.. Atlis may kakampi ako hehehe "Oum. Totoo naman lahat ng sinabi mo hihihi lagi nga akong pinapahirapan non eh. " gatong ko. "Uyy Denzel! Hnahanap kana ni Sir. Glendon bakit ang tagal mo daw bumalik." nabaling ang paningin ko sa bagong dating na babae. Sa tancha ko ay nasa 16 anyos palang sya. "E Christel Mae wala kasi si Sir. Aljon eh. Kaya kinakausap ko pa yung Secretary nya para makiusap na iabot ito kay Sir." palusot nya dun Christel Mae. 'luh baliw. Eme 'tong si Denzel! Ako pa dinahilan e sya naman 'tong madaldal na kung ano-ano inuusisa. Hmp!' "Hi po! " bati sakin nung Christel Mae. "Hello." kaway ko pabalik. "Ako po pala si Christel Mae.." nang ilahad nya yung kamay nya ay agad ko yun tinanggap. alangan naman isnabi ko? bad yun Presss.. "Ay ako si Precious Hehehe. Ilan taon na kayo? kasi parang ang bata nyo pa para mag work dito sa SC. " Tanong ko. Totoo naman kasi. Masyado pa silang bata para mag trabaho. Saka kataka-taka naman na naka pasok sila dito sa SC sa ganyang murang edad para mag trabaho. 'Wews. Eme mo Precious. Matanda kana? matanada kana?? susss.' "Ah disi-otso na po kami pareho." si Christel Mae ang sumagot. Tumango naman si Denzel bilang pag-sangayon. Ako naman ay nalaglag ang panga dahil sa gulat. Like what the fudge? " A-ah.. E-eighteen na kayo?? as in?"gulat na tamong ko. Gizzz mukha lang silang 16 at 17. Oh meh gesh!! oh meh gesh!! isa pa! Oh meh gesh talaga!! Kyahhhh whueeee. 1year gap lang kame?? shete. "Bakit po?" tanong pa nung Christel Mae. "Ah.. Akala ko kasi 16 or 17 lang kayo, hehehe." parang napapahiyang sabi ko. "Naku. Hindi po! syempre po nag lelevel up din kami gaya ng iba. Ikaw po ba? anong edad mona?" Hindi agad ako naka sagot. 'Teka.. Teka.... Parang mas lalo ata akong nabobo sa level up thiny nya, diba dapat matured yun?? maturity.' "ah.. 19 na ko hehe" "ah.. Edi ate po pala namin kayo?" ani Denzel. Ngumiti nalang ako dahil nagsasawa na ko sumagot ng sumagot. "Sige ate, una na po kami. Nakakaabala na po ata kami sayo. Ikaw na po bahala riyan ah? paki abot nalang po. Salamat! tara, Christel Mae." sabi ni Denzel saka na nilabit paalis Christel Mae. 'Lengyang bata ang daldal tsh. Hayaan ko na nga.' Muli kong sinara ang pinto at bumalik sa upuan ko. "Ang boring naman dito." nasambit ko saka muling nag focus sa pagsulat. Maya-maya ay bumukas na naman ang pinto! Ano na naman ba... Nag angat ako ng tingin at nakita ang Batang babae na naka tayo sa may pinto. "Ate Precious!! " tawag nito sakin. Whuaaaah si Antonette yun ah! whueee di ko nakilala. "Tonette! anong ginagawa mo dito??" tanong ko. Di na ko tumayo dahil sya na mismo lumapit sakin. "Ah pupuntahan ko sana si kuya kaso mukhang wala pa sya. Baka wait ko nalang siguro sya. E kayo po? anong ginagawa nyo dito?" mahabang paliwanag niya. 'Nakalimutan mo atang may pagka madaldal yan Presss?' Napasapo ako sa noo dahil sa naalala ko. "Ah.. Dito ako nagtatrabah hindi ba?" tanong ko pabalik. 'Ulyanin? sya pa nga unang nakaalam bago ko sabihin sa kanya. Me saltik ata to e. sabagay meron naman talaga. Hehehe.' Precious bad! "Ay oo nga po pala. Pero bakit po nandito kayo?" turo nya dito sa loob ng office. PIGILAN NYO KO MASASAPAK KO 'TO'NG BATANG 'TO! ANG KULIT EH 'Precious, Kalama. Bata lang yan easy..' E ang kulit e, sinabi na ngang dito ako nagtatrabaho paulit-ulit pa. "Ah hehehe. Dito nga kasi ako nagtatrabaho Pwede wag kang maraming tanong?? marami pa akong sinusulat oh. Gusto mo palitan tayo?? ikaw gumawa ng mga gawain ko tapos ako uupo lang dyan at dadaldalin ka? usto mo??." nanggigigil kong sabi. Bwisit! "E bakit ko naman po gagawin yung trabaho mo e trabaho nyo nga po yan?? sayo naman po yan inutos hindi sakin." sagot nya pabalik. WHUAAAABAKIT BA KASI NGAYON PA SYA DUMALAW SA KUYA NYA GIIZZZ NANGGIGIGIL AKO 'Hindi lang may saltik, pilosipo din. whueeee huhuu..' '' Hmp ewan ko sayo. Pinagloloko mo na lang ako e." saka ako muling nagsulat. "E ate tama naman po ako, saka work is work. It was given to you, so you have to do it all by yourself. Help from others is not indeed required." saka sya humalukipkip. "Aba, 'wag mo nga akong ineenglish-english dyan. Nanonosebleed ako. Saka sino naman ba nag turo sayo nyan. " Muli kong binaba ang hawak kong ballpen at tiningala ang lintik na bata. "Kuya taught me to be fair. He said that every human living or dead are deserve to be respected. He also said, we deserve to be loved and appreciated not only for one , but also for all. " napanganga ako dahil sa pagiging totoo nya. Her kuya was right. Every individual deserve to be loved.. hindi lang sa taong mahal natin, yeah hindi lang dapat sa isang tao, kundi sa lahat. "Oh well, your kuya is right. Because.. Because.. We don't deserve to be heart.. No one deserve to be heart. Basta yun! hindi natin deserve na masaktan. Dahil lahat naman tayo ay hindi gugustuhing masaktan. " sagot ko. 'Ano ba yan!! ang hirap naman mag english! ' "Hurt yun ate, Hindi heart. Pero tama ka naman po.. Kahit naman sino di gugustuhin masaktan.. Why---" "Hep! hep! wag mo nang ituloy. Jusko rudii parang awa mo na, masakit na tenga ko karirinig ng mga english mo. Sumasakit ang ulo ko." Pigil ko sa sasabihin nya. "Okay. Sabi nyo eh." ayun lang at hindi na sya nagsalita. Tumahimik nalang. Pero hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay muli na naman bumukas ang mga bibig nya. WHUAAAH PAANO AKO MATATAPOS SA GINAGAWA KOOOOO "Ate nagkita na po kayo ni kuya?" tanong nya. Nag-angat ulit ako ng tingin at sinamaan sya ng tingin. "Nagtatanong lang naman po." dagdag nya pa. Napabuntong hininga ako sa kawalan ng magawa. "Hindi pa. Siguro nag meet na kami ng hindi namin parehas alam dahil hindi ko naman alam ang hitsura ng kuya mo, saka hindi nga namin kilala ang isa't isa remember?" naka ngiwi kong sagot. "Ah.. Pero po baka pag nakita mo ang kuya ko malaglag ang panty m. hahah ang gwapo at ang macho kaya ng kuya ko, saka alam nyo po? crush yun lahat ng kababaihan dito sa Scyneth Company. Ang dami nga pong nahuhumaling sa kanya eh. Pero lahat di nya pinapansin, Kasi May special someone or should I say na special girl syang hinihintay. Yun pong babaeng tuinutukoy ko sa inyo nung nakaraan?" muli na naman nyang kuda. "Gusto mong masako?" nawawalan na ng pasensya kong tanong. Naririndi na ko sa mga pinagsasabi nya whueeee huhuhu. Ano naman kasing kinalaman ko sa nagugustuhan ng kuya nya. hutaaa "Hindi po. Pero alam nyo po na meet ko na yung girl na tinutukoy sakin ni kuya. Nung nakaraang linggo po nagpunta ako dito e. Nakita ko silang magkasama. " Hindi manlang natakot sa banta ko sa kanya. Sa halip ay nagpatuloy sya sa babae ng kuya nya. "Oh ano? kamusta naman daw yung hitsura nung babae ng kuya mo?" sa huli ako rin ang sumuko. 'Siguro sasabayan ko nalang sya sa mala telanobelang kwento ng buhay ng kanyang kuya. Hyysstt hindi rin naman ako makakapag pokus sa sinusulat ko dahil yung mga sinasabi nya ang pumapasok sa utak ko.' "Hindi ko sya bet. Nalalndian ako sa kanya." deretsong aniya. 'Hayok na bata! ang tabil ng dila!' "Huy! bibig mo! bastos! maka malandi ka naman. 'di mo pa nga ata sya kilala. Maka judge ka." suway ko sa kanya. "Sino naman po kasing matinong tao ang magsusuot ng fitted dress na halos lumuwa na ang dibdib dahil sa sobrang pagka reveal? kinulang sa tela at labas na labas?" umikot ang mga mata nya pagkasabi. May naalala ako bigla. 'E hindi namn matino yun, Presss. Higad nga 'yon sabi mo diba?' ay bad Presss! "Ah.. Baka sadyang malaki lang talaga yung ano nya kaya ganon." nasabi ko nalang. "kung alam naman pala nyang malaki ang hinaharap nya, e bakit hindi sya magsuot ng mas safe na damit? yung hindi sobrang reveal. Kasi ate if you really want to be respected, dress properly. " giit nya. Sabagay, Tama naman yung mga sinabi nya. "Kung ganon naman pala ang attitude ni girl, Bakit pinatulan ng kuya mo?" "Di ko din alam kay kuya eh. Maganda, sexy at mayaman nga, kinulang naman sa aruga. tsk. " dagdag nya pa. 'Sutil na bata.' "Tsh. Bakit mo kasi pinoproblema yung lablype ng kuya mo? bakit hindi nalang yung pag-aaral mo ang atupagin mo." naka ngiwi kong tanong. "Ehh? Christmas break kaya namin. Nah.. Sinong magiging classmates at guro ko? ghost? ughh!" nangilabot pa kunwari niyang sabi. "Whuaaahh! oo nga pala, gizzz nakalimutan ko. December 12 nga pala ngayon, pero bakit parang ang aga naman ata ng break nyo? samin kasi sa public dati nung nag-aaral pa ako e around Dec 20 may pasok pa kami." kunwari ay iniisip ko ang mga panahong nag-aaral pa ako. 'When I was 12 years old . ' 7 years na rin pala. "E tapos kana po palang mag-aral? waw sana ako din. Gusto ko na din makapag tapos para tumulong sa business namin." animo'y nangangarap ito na tumingala pa sa kisame. " E no bang business nyo? a----" naputol ang gagawin ko sanang pagtatanong nang bumukas ang pinto at pumasok si Ser. Gizzz bumilis bigla t***k ng puso ko! Kyaahhh!!! Whueee!! huhuhu ang gwapooo!!! ang sarapppp ni Serrr!!! Napatayo ako sa kinauupuan ko at natulala sa kanya. "Kuya!!" kasabay non ang pagtalon ni Antonette sa inuupuang upuan at nagmamadaling lumapit kay Ser saka yumakap. 'M-magkapatid sila??' 'Whaahhh kaya naman pala me saltik e, mana sa kuya. Parehong maluwag ang turnilyo.' " Yah! kuya what took you so long???? I've been here, waiting for you for almost 3hours now." naka ngusong aniya saka tumingala sa kuya niyang naka kunot ang noo. ' luh mongoloid talaga. 'Di manlang nasiyahan makita yung kapatid nya. Hmp' "Antonette. What are you doing here?? sinong kasama mo?" bagkus ay tanong nya. " I'm with Mom and Dad. But they left already.. They have urgent meeting in manila." "Yahh! so what are you still doing here? " " Wala.. Gusto ko lang mag paiwan hehe. and you have nothing to do with that, Nagpaalam ako kila Mom." Makulit na sabi ni Tonette. 'Ang hilig nila sa word na 'You have nothing to do with that', ano bang meron do'n? ' 'Ang kyut nila tignan, sana may kapatid din ako. Whueee huhuhu. 'Wag kana umasa, Presss. Magulang nga wala ka e.' "Ugh! Stubborn kid. How could I take care of you, I have so many works in here." Na iistress na yan sya hahah. Naka tayo lang ako dito habang pinapanood silang magbangayan na magkapatid. "Ahm Hon, I'm here, you can leave her to me. I'll do take care of her for you." malambing na singit ni maam Izella. 'Ah. So si maam Izella pala talaga yung tinutukoy ni Antonette na Malandi? not bad. Good Tonette! magkakasundo tayo dyan! hehehe. ' ' Precious bad!' "You sure?" tanong ni Ser kay higad. Bakas parin ang pagka stress bwuahahahaa. "Yeah! right baby?" nginitian ni maam Izella si Tonette pero inisnab lang sya nito. 'Bwuahahahaha!!!!' Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa ginawang pagtataray ni Antonette sa kanya. HAHAHAh Kung makikita nyo lang mukha ni maam Izella ftftt HAHAHAHAHAHAHAHA Mukhang nalugi, whuaaaa hahahahh 'Whuaaahh!!! Precious bad! ' Naiiling na umayos nalang ako ng upo at nag simulang mag sulat. "No kuya! I don't like her! I don't want to be with her. I'd rather choose ate Precious instead of her. I want to spend my whole day with her. Hmp" turo sakin ni chanak. Saka parang batang nagwawala siyang bumaba kay tukmol at tumakbo palapit sakin. 'Luh, ba't pati ako nadamay. whueeee huhu, pahamak ka talagang bata ka' "Whuaaah Antonette kay maam Izella ka nalang huhuhu, Hindi rin kita mababantayan dahil marami akong trabaho, whueee.." *pout* ngumuso ako saka tumingin sa kanya. Nginusuan din nya ako. Whueee!! huhuhu ang kyut! whuaah mabilis akong maakit. Ending nag ngusuan kami. "Ate Precious hindi naman po ako mag lilikot. Dito lang po ako sa tabi mo. Diba nga po kanina pa ako dito pero nakaupo lang ako?" nagpapaawa sya. 'hindi ka nga malikot, madaldal ka naman. ano nalang matatapos ko kung kasama kita? kyaahhh! problema 'to.' "Wait.. you know each other? how?" sabat ni Ser. "Una kong nakita si ate Precious kuya sa North Island. Last day na namin non don nung makita ko syang mag-isa dun sa upuang kahoy. Nagulat pa nga ako dahil dito din pala sya nagtatrabaho. " si Antonette ang sumagot. Napa yuko ako dahil may naalala ako bigla gizzz ' 'Yon yung time na kamuntikan akong marape nung tatlong bisugo. Whuaah, huhuu naalala ko na naman. Nakakahiya. ' "A-ah Antonette.. hindi talaga kita mababantayan, marami pa akong susulatin oh. look more than 20 folders pa yan. Baka saan ka magpunta at maligaw kapa." mukhang ako ang maiistress dito ah. "As if maligaw ako, ate? duh. Kumpanya namin 'tong tinutukoy mo. Baka nga mas kabisado ko pa bawat sulok nitong building kaysa sayo?" para akong tinompyang sa sinabi nya. 'Whuaaah, oo nga pala nakalimutan kong kapatid nya nga pala si tukmol. Meaning sa kanya din itong kumpanya. ' "Antonette. Respect her! She's older than you. So basically, she's your ate. " Suway sa kanya ni Ser. Lalo akong napanguso dahil mukhang mag-aaway pa sila dahil sakin. Gizzz' "Sana nga sya nalang maging ate ko kaysa dyan sa girlfriend mo. Tsk. " Inismiran nya si maam Izella saka nagtago sa likod ko. "Whuaah 'wag kayo mag-away whueee huhuhu. Ahm ano Ser, A-ako nalang po magbabantay kay Tonette. Maam Izella?" baling ko kay maam. Inismiran nya ko sa bumulong bulong. 'luh, Problema nito? ' "Are you sure? pwede ko naman syang ipauwi sa driver namin if hindi mo talaga kayang pag sabayin ang pagbabantay at pag tatrabaho." nag-aalalang ani Ser. "Kaya ko to Ser! ako pa? hehehe.. Strong ata 'to. " pinakita ko pa na kunwari ay may muscle ako. "Haha.. Puro ka kalokohan. Antonette 'wag kang mag papasaway kay Ate Precious mo dahil mahirap pagsabayin ang pagsusulat at pagbabantay." bilin nya kay Tonette. "Oh yeah, kuya. " ngumiti si Tonette sa kuya nya pero nang mapalingon sya sa gawi ni Izella inirapan nya. 'Galet na gale bes? ustong manaket?' AND HERE WE GO! Uumpisahan ko ang tanghali ko nang kasama ang batang makulit na 'to. Goodluck nalang kung may matapos ako sa trabaho ko. ~~~~~~~~~~~~~~~~~******~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ NATAPOS ang kalahating araw na si Antonette nga ang kasama ko. Maayos naman pala syang kasama. Hindi nya ako binigyan ng sakit ng ulo. Gaya ng sinabi nya ay nandon nga lang talaga sya sa tabi ko habang nagsusulat ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD