CHAPTER 8

1685 Words
Precious Pov Nandito kami ngayon sa isang room. May nakalagay na CR sa taas. Luh? kelan pa naging CR ang ganito kagandang room?? 'Gaga! hindi mo ba nababasa? Conference Room (CR) ' Ayy oo nga pala may meeting nga pala kaya kami nandito sa conference. Bobo mo talaga, Press. "Let's proceed to Mr. Guivara's report." nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang malaking boses ni Sir. Aljon. Gizzz! ang seryoso naman niya masyado. Gaya ng utos ni Ser, sinusulat ko lahat ng sinasabi nya. Lahat ng lumalabas sa bibig niya tine-take down notes ko. Syempre! baka mamaya hanapin n‘ya tsk. May sayad panaman yang boss ko na yan. Kabilis naman neto magsalita. Ang hirap kaya magsulat ng walang patungan. Tapos naka tayo pa grhhh! hmp. Kahit sobrang bilis ng dictation ni Ser Aljon nagawan ko parin ng paraan para maisulat lahat. Pati nga pagbibiro niya sinulat ko e. Kabaliwan na tanong niya sa mga kameeting nya. Isa doon yung about sa Genre kemerot. ( "How do you pronounce Genre?" turo niya kay Mr. Accopino. CEO ng kabilang kompanya. "janra" "Good.. Then spell GENRE then read it" "G... E... N... R... E... Jenri" sagot nung CEO. "HAHAHAHA" tawanan ng lahat sa Conference. Pati ako nagpipigil ng tawa. hahaha janra daw, pero nung pina spell at pinabasa Jenri na raw, bwuahahahaha) Oh diba?? galing kong magsulat. Pati jokes gayang-gaya ko. Kung nag hahanap ka ng Sexytary, dito na, san kapa? di nga lang maganda ehehe. "That's all, Thank you. You may now leave." pagkasabi non ni Ser Aljon nag tayuan na lahat saka nagsi labasan. "Ahm.. hi? you're probably Mr. Aljon's Secretary are you?" napalingon ako sa side ko nang may magsalita mula roon. Napamaang pa ako dahil ang gwapo nya! gizzz oh meh geshhh ako ba kinakausap nya??? "A-ah. H-hi.. A-ako ba kinakausap mo? heheh" nahihiyang tanong ko.. Syempre no ayokong mag assume baka hindi pala ako ang kausap n‘ya. "Ah yeah.. Amm.. Itatanong ko lang sana kung gaano kana katagal sa trabaho mo bilang secretary ni Mr. Aljon?" naka ngiti na tanong niya. Whuaaaa gulayyyy ang gwapooo!! "Ammm.. Second day ko palang ngayon hehe.. Bakit mo naitanong?" tanong ko pabalik. Syempre hindi pwedeng siya lang ang nagtatanong, kailangan alam ko rin kung anong purpose ng pagtatanong niya. Malay ko ba kung may balak siyang siraan ang Scyneth Company. Saka hindi naman porque gwapo sya e mapagkakatiwalaan na agad. "Ah.. Kasi kanina pa kita inoobserbahan. Ang bilis mong magsulat at mag notes down ng mga details. Nakakahanga lang para sa baguhan na gaya mo. " sagot nya. "Ah oo.. Mabilis talaga akong magsulat dahil nasanay na ako. Natutuwa nga saakin ang ibang kompanya na pinasukan ko dati dahil daig ko pa raw yung mga matagal ng nagtatrabaho sa kanila. " pahumble kunwari. "Ibang kompanya? ibig mong sabihin may iba ka pang kompanyang pinasukan?? " gulat na taong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "E bakit ka lumipat dito sa SC? ganon naman palang natutuwa sila sayo sa dati mong pinagtatrabahuhan?" pagkuwa'y aniya. " Ang dami mo naman tanong. Hindi pa nga kita gaanong kilala. " pinaikot ko ang mga mata ko pagkasabi niyon. Ang daming tinatanong hindi naman kami close. "A-ah.. Hahaha.. I'm Jeffrey.. You are?" nilahad niya ang kamay niya kaya tumaas ang kilay ko. "Tao. " maikling sagot ko.. 'Luh baliw.. Malamang tao, alangan naman hayop. Me sayad din ata 'tong isang to e.. Tanungin daw ba ako kung ano ako? may pa you are, you are pa siyang nalalaman. Hmp! ' "A-ah.. H-hahaha.. t-tao pangalan mo?" kunwari pang tawa niya. Halata naman napipilitan lang tsk. May sa lahi ata 'to ni sisa. kelan pa naging 'tao' ang pangalan ko? ang mahal kaya ng pangalan ko! pangalan palang alam mo nang Valuable. Tsk. "Hi----" "Ms. Altamara." sa hindi inaasahan ay biglang nangibabaw ang striktong boses ni tukmol, Este ni Ser Aljon pala. Mabilis na lumingon ako sa may pinto at doon nakita ko ang salubong na kilay ni Ser. 'Isa pa itong me sayad wala pa nga akong ginagawa-- naka kunot na agad yung noo. ' "Yes ser?" sa wakas nasabi ko rin. "Let's go." "Huh? saan Ser?? e sabi mo kanina Ser 3days tayo?" pag-uusisa ko habang naglalakad na palapit sa kanya. "May pupuntahan pa tayong isang meeting sa kabilang Isla." "Ah talaga Ser??? e Hindi pa ako nagpapalit ng damit. " nakangusong sabi ko. Nilingon niya ako at agad na nag-iwas ng tingin.. "Hindi ka naman marumi. Ayos na yan. " sabi niya saka mabilis na naglakad. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Pagdating sa kabilang Isla ay mas lalo akong namangha! HANGGANDAAAA HUWAWWWW! Wiee!! sana Makapunta ako sa ganitong klase ng lugar someday. Yun bang hindi related yung trabaho ko??? gusto ko mangyari 'yon bilang bakasyon ko. Yung solo ko yung buong araw at oras ko. Yung wala akong iintindihin na gagawin. Relax lang kumbaga. "Sana makapunta ako rito sa araw ng kaarawan ko. O kaya pag may free time ako mag bakasyon dito." wala sa sariling sambit ko habang kinikilig pa. Mukha na nga akong tanga dahil kinakausap ko ang sarili ko. "Tsk.. Tapos kana mangarap?? Malelate na tayo sa meeting Tsk. Naturingan secretary siya pa ‘to laging nalelate. " reklamo niya pa. "E kasalanan mo rin naman Ser. Alam mo naman palang Sexytary mo lang ako e bakit mo pa ako inintay kahit na alam mong ikaka-late mo 'yon. Pwede ka naman mauna diba po?? tsk. Ikaw talaga Ser eme ka rin minsan e no?? hehehe." sabi ko. May paghampas pa yan sa braso hehehe feeling close lang ba't ba.. "Ano ba! ano ba! 'wag mo nga akong hinahawakan. Baka marumi yang kamay mo at malipat pa sa polo ko. Saka wag mo nga akong sinisisi riyan sa kapalpakan mo." sabay talikod. "Arte." nasabi ko nalang saka sumunod sa kanya. "Sexytary niya lang ako bakit kailangan kong sumama pa sa kanya dito?? tsk wala ba siyang PA?' "Ser!" tawag ko. Hehhe Itatanong ko nalang. Kesa naman sa maloka ako kaiisip. "Hmm??" tugon niya. Luh katamad magsalita eh. "Ser. Itatanong ko lang kung wala ka bang PA?" nakangiti kong sabi. "May nakikita kabang kasama ko?" mataray niyang sabi kaya napa nguso na naman ako. "E Ser. Diba po dapat PA nyo ang kasama niyo rito?? kasi private Matter naman po yung pinunta niyo rito." tanong ko habang nakanguso parin. "Kailan pa naging private matter ang meeting with business partner ng SC?" tanong niya. Natahimik ako saglit. Nag-iisip ako ng isasagot! hehehe. "E bakit po sa kompanya na pinasukan ko before?? PA nila ang mga kasama nila, hindi Sexytarty?" oh ah! may naisip akong tanong hehehe. Saka totoo naman eh. PA kasama nila hindi ako. "Kung ayaw mo sa trabaho mo pwede ka naman umalis. Hindi yung ang dami mo pang sinasabi." inis niyang sabi kaya natikom ko ang bibig ko at yumuko nalang. Bwuahahahahah Nasira ko ang araw nya hehehe. 'Heheh, pikon na naman si tukmol. ' " Hehehe. Sabi ko nga Ser Sexytary talaga sinasama e. kayo talaga Ser ang kulit nyo. " "tsk." Hindi nalang ako nag salita pa dahil baka tuluyan ng ma bad trip si Ser at mag walk out na. Sira ulo pa naman yan hehehe. Conference Room. Gaya ng ginawa ko kanina ay sinulat ko lahat ng mga lumalabas sa bibig ni Ser. Himala nga at ang onti ng nasulat ko ngayon. Kumpara kanina lampas limang folder ang nasulat ko. 50 pages kasi ang laman per folder. Pero ngayon wala manlang isang folder ang nasulat ko. 20 pages lang ata. 'Bakit bigla atang tinamad sa pagsasalita si Ser?? kanina sa unang meeting niya ang dami niyang sinasabi. Nakuha niya pa nga mag jokie-jokie. Pero ngayon bakit parang pinagkaitan 'to ng boses?? kadalang magsalita. ' " That's all. Meeting is over. CEO of Dawn Company, you know what to submit base on your case. You're no longer part of our investors." natahimik ang lahat sa tinuran ni Ser. 'Luh.. Badmood talaga sya? nag tatanggal na siya ng investor eh. Whuaaaa baka ako isunod nya!' "You can't do this to me, Mr. Costudio. I work hard for this. I do all my best para mapunta sa posisyon na ito! Hindi mo ako pwedeng tanggalin nalang basta-basta! " Sigaw ng isang matanda. " And who told you that I can't?? I am the Owner of the company. I can do whatever I want to do. If I want to kick you all out of my company--- I will. And you have nothing to do with that." Makapangyarihan na aniya. " No! This can't be!" nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw kasabay non ang mabilis niyang paghila sa‘kin palapit sa kanya at sakalin ako sa leeg. ' Gizzz sa dinami-rami ng pwede mong hilahin bakit ako pa? haayys! mahilig pa naman akong manipa. ' Nagkagulo ang lahat ng tao sa loob ng Conference room nang maglabas ng balisong si Mr. Dizon at mariin na itutok ‘yon sa leeg ko. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang unti-unting pagkapunit ng balat ko sa leeg. "Mr. Dizon. Put down your knife. Baka magkamali ka ng galaw at mapatay mo si Ms. Altamara." seryoso ang boses ni Ser Aljon. Luh nanganganib na nga buhay ko nakukuha pang kumalma. Ito naman matandang nasa tabi ko parang walang narining mas lalo pang diniin yung kutsilyo. May sugat na nga diniinan pa. 'Walang hiyang matanda 'to, hindi pa nga natutupad yung pangarap kong makapunta rito sa birthday ko, hindi ko pa nga natutupad yung pangarap kong makapag relax, tapos balak pa ata niyang tapusin agad ang buhay ko dito rin mismo?? ano yun para isahang punta nalang ganon? no! I won't let that happen!' "Lumayo ka nga sakin matanda ka! ang baho-baho mo. " Sigaw ko saka mabilis na siniko siya at tinadyakan ang pinaka-iingatan niyang baston Hmp! "Aray.." mahinang daing ko saka napahawak sa leeg ko. Ang hapdi!! grh! 'Whuaa ang hapdi! ' "Are you okay?" napaangat ako ng tingin at hindi inaasahang dumampi ang gilid ng labi ko sa.... Labi ni Ser Aljon!! ~~ * To be Continued * ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD