CHAPTER 9

2303 Words
Precious Pov Oh meh geshhh! oh meh geshh!! Isa pa. Oh meh gesh talaga! Kyahhh! Whuaaa! Ang tamis ng labi nya. Hihihi "Ahm.. A-ah.. Ano.. a-a-ayos lang ako... O-o-okay na. P-pwede kanang lumayo. " nagkanda bulol-bulol na sabi ko saka mabilis na tinago ang mukha ko. Gizzz! ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko whuaaa huhuhu nakakahiyaaaaa. "A-ah.. S-sorry. Hindi ko sinasadya." *Sigh* Narinig ko pa ang pag-buntong hininga niya. Hindi nalang ako sumagot at tinanguan nalang siya. "May sugat ka. Do you---" "No. I'm fine. " pigil ko sa kanya nang mag tangka siyang lumapit sa‘kin. ' I lied. Hindi ako okay huhuhu first kiss ko yun eh. hutaa' " Put him in jail." rinig kong utos ni Ser. Laki ng boses! gizz nakakatakot mukhang unggoy. "Altamara. Pack your things, may pupuntahan tayo." Pagkuwa'y bumaling siya saakin. Wala naman akong nagawa kundi tumango nalang. Ang hapdi kaya ng sugat ko sa leeg tsk. Hindi manlang ako pinilit pumunta ng ospital or clinic manalang grhh! 'Ang samaaa. So ganon lang? hahayaan nalang niyang ma-impeksyon 'tong sugat ko?? Hindi manlang ba niya ako bibigyan ng kahit first aid kit manlang??? hmp, I hate him.' Mabilis lang lumipas ang oras at naayos na lahat ng gulo. Nasa kulungan na si Mr. Dizon at naka kulong. 'Alangan naman nag paparty' Kami naman ni Ser kasalukuyan naka sakay ngayon sa cotse. Hindi ko alam kung saan ang next na punta namin basta pinapasok niya lang ako sa sasakyan kaya sumakay ako. Sa backseats syempre. 'Duhhhh.. hindi pa kaya nawawala sa isip ko yung nangyare. Sariwang-sariwa pa hmp.' "Ano? d‘yan ka nalang?? wala ka na balak lumabas diyan?" nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Ser. Ang ubod na seryoso niyang mukha ang nabungaran ko kaya bahagya pa akong nagulat. Luh, ano bang nangyari dito ke Ser?? bakit ang seryoso?? though, Seryoso naman talaga siya dati pa. Pero parang napasobra naman ata ngayon?? ultimong pananalita ang bangis. Hitsura pa kaya? "Hmm. Okay." saad ko saka lumabas ng sasakyan. Kulay Asul na may kataasan na building ang bumungad sa‘kin pagka baba ko ng sasakyan. "SOUTH ISLAND'S HOSPITAL" basa ko sa malaking naka-ukit na kulay gray sa harap ng pinto. Naka tiles yung palibot nya. "Anong ginagawa natin dito Ser?? may sakit po ba kayo?? magpapa check-up po ba kayo?" pag-uusisa ko. "Tsk.. Let's go." COLD ang boses niya. Kahit na nagtataka ay sumunod parin ako sa kanya papasok. huwawww hanggandaaa Napaka lawak at elegante ng dating. Bawat kwarto na madadaanan namin ay sumisilip ako Hehehe.. Grabe sa yaman 'tong hospital nila dito. Ang lawak ng bawat silid. 'Parang gusto ko nalang dito tumira. Malamig na--- malaki pa ang espasyo.' Grabe grabe. Dinaig pa ang lawak ng bawat room dito compare sa apartment ko. Parang yung room dito kalahati palang ng kwarto ko sa apartment na tinitirhan ko ei. "Ms. Altamara. Ganyan ka ba sobrang ka-ignorante para pati kwarto ng bawat pasyente ay pinapasok mo para lang mamangha?? Wala bang hospital sa inyo at parang ngayon ka lang naka kita ng mga rooms?" Napa labas ako ng huling room na pinasukan ko dahil sa gulat nang bigla nalang magsalita si Ser Aljon gamit ang baritonong boses. 'Gizzz muntik na maipit ulo ko don ah. Buti nalang at naunang lumabas ang ulo ko kaysa sa katawan ko. Kung hindi, baka hindi lang hiwa sa leeg ang inabot ko--- baka natanggalan narin ako ng ulo.' Whuaa Ayan ka na naman Precious e. Nawawala ka na naman sa sarili mo. Tandaan mo na nasa oras ka ng trabaho! "Hehe, Nagagandahan lang po ako sa disenyo ng bawat kwarto, Ser. Kaya ako sumisilip. " kunwari ay tawa ko pa. Pero sa totoo lang?? gusto ko na lumubog sa kinatatayuan ko ngayon. "Tsk.. You're really crazy." pairap niyang sabi. " Crazy for you." dugtong ko sa kanta Heheh. Wala lang narinig ko lang yung sound music sa katabing room. Hehe "Baliw kana talaga." pabulong niyang sabi pero narinig ko rin naman. Bleehh malakas kaya pandinig ko. "Saan pala tayo pupunta Ser??" naka ngiting tanong ko. ' Duh, lagi naman akong nakangiti.' "Pumasok ka nalang at wag kana marami pang tinatanong." Inis niyang sabi kaya sumunod nalang ako. Nagtaka ako nang mapansin na ako lang ang pumasok sa loob at hindi siya sumunod. "Hi. I'm Doc. Vergarra. Don't worry. I-che-check at lilinisin ko lang ang sugat mo at baka ma-infection. " nilingon ko yung doctor na nagsalita mula sa likod ko. Whoaa ANG TANDA NA hmp! sa tantya ko mga nasa mid 50's na siya. "A-ah Hehehe, 'W-wag na po mababaw lang naman po yung pagkakahiwa. Saka hindi rin naman po masakit. Hehe" sagot ko. ' Whuaa wala naman akong sinabing magpapa check-up at magpapalinis ako ng sugat ah huhuh... Jusko, kung yung mga stilo pa ngalang nitong hospital e magarbo na--- pano pa kaya yung presyo ng bayarin dito? baka mamulubi ako niyan.' "Naku Ija, Hindi mo masasabing ayos kana hanggat hindi pa nalilinis iyang sugat mo. Lalo na't hindi pa nalalapatan ng paunang lunas, baka mamaya lumaki yan at mawalan kapa ng ulo." nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ng Doctor. oh meh gesh! ayaw ko mawalan ng head! Paano pa ako makakapagtrabaho non kung wala akong nakikita?? Mwhuee "A-ah. Doc Ahm W-wala po kasi akong ibabayad sa inyo kaya ayos na po sa‘kin kahit di na magamot yung sugat ko. Tatapalan ko nalang mamaya ng dahon gamot pagkauwi. Salamat nalang po." Nahihiyang sabi ko. .' Anong magagawa ko e sa hindi afford ng budget ko ang bill dito?? tsk. O e kahit ibenta ko ata buong bahay ko kukulangin parin pambayad sa napaka sosyalin na hospital na 'to e.' "Hahaha kung yung bayarin ang pinoproblema mo, wag kana mag-alala tungkol don. Si Mr. Costudio naman ang nagdala sayo rito." sabi niya habang may kakaibang ngiti sa labi. Luh, ano nanaman kaya iniisip nitong matandang 'to? "Ah hehe. Bakit po??" di nakatiis at nagtanong na'ko. Nawiwirduhan na kasi talaga ako sa mga tingin at ngiti niya. Para siyang kinikilig na ewan. 'Ke tanda tanda na, kinikilig parin?' "haha.. Wala naman. wala naman akong sinasabi, Ija. " naka ngiti parin na aniya. ‘Required ba tagala dito palagi ang ngumiti sa mga pasyente? Weird' "E bakit po palagi kayo naka ngiti?' "Ija, Hindi naman masamang ngumiti at walang mali doon. Ang may mali ay yung MAG-ALALA ng sobra sa empleyado mo lang haha." sagot ni tanda habang pinapahiran ng kung ano-ano yung leeg ko. Hyysstt. "Luh.. Eme 'tong si lolo. Ang layo naman ng sagot nyo e, Wala akong naintindihan. " kakamot-kamot sa ulo kong sabi. "Maybe not now but soon. He will." dagdag pa niya. Nangunot ang noo ko. 'Me sayad na ata si tanda, sumobra ata ang katalinuhan niya bilang doctor kaya ayan, ano-ano na iniisip.' "A-ah Heheh.." nasagot ko nalang. Nginitian naman niya ako ng pagkatamis-tamis my gulayyy Wag nya sabihin may gusto sya sakin? Lol. Iba na yan Precious mag unos dili ka. Nang matapos ang pang-gagamot saakin 'kuno' ni Doc. Vergarra ay agad na akong lumabas ng kwarto. 'Hindi naman kasi malalim pagkaka sugat sa leeg ko, bakit kailangan sa hospital pa ako dalhin?? pwede naman sa clinic lang jusme. Hindi ko naman ikakamatay yung galos lang--- mas ikakamatay ko ang babayaran ko pag nagkataon.' " Let's go." napapitlag pa ako ng bahagya nang magsalita nalang bigla sa tabi ko si Ser Ajon. Kaloka naman to, nagulat ako don ah, hindi ko sya napansin na nakasandal pala sya sa may pader sa tabi ng pinto. 'Waawww! ang sexy naman niya tignan sa posing niya na yan. Gizz namamanyak na naman ako. Whuaaa naiimagine ko sa kanya yung kaangasan ni Zeck my bebelabs! Ilang Inches kaya yung kanya?? ' 'Whuaaa precious what are you thinking na naman, bakit mo iniisip ang mga ganyang bagay.' Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya ng matagal. "Saka mo na ako pag-nasahan pag may lisensya kana, tsk." Nakangisi niyang sabi. Napakagat naman ako sa labi ko saka nag-iwas ng tingin. Whuaaa Preciousssss NAKAKAHIYA! Huhuhuh. Kala tuloy ni tukmol pinagnanasahan ko siya e totoo naman whuaa Naka ngusong sumunod ako sa kanya nang mag lakad na s‘ya palabas. Pagdating namin sa kabilang Isla ay dumeretso na si Ser sa unit niya. Naiwan akong mag-isa dito sa baba. May mataas kasi na building dito. Hotel ata 'to ewan, diko alam. Ngayon palang naman ako naka kita ng hotel eh. Basta mataas na building ang nakikita ko. Whua saan ako matutulog? huhuhu ang sama wag niyang sabihin na dito ako matutulog kasama itong mga buhangin? okay lang hehehe, at least makakapag langoy ako ng walang nagbabawal sa'kin. 'Buti nalang talaga may dala akong swimsuit.' Never ko naman iniiwan 'to kahit saan ako magpunta. Iniiwan ko lang sya pag sa trabaho ako pupunta. Mabuti nalang talaga at wala ng gaanong tao dito sa Isla. Gabi na rin kasi . Kaya ieenjoy ko ang pag suswimming. Pumunta ako ng CR at nagpalit. Oh?? kasya pa pala saakin ‘to. Ibig sabihin hindi pala ako tumaba manlang? grhh 24 kasi waistline ko. Kaya supposed to be, 24 din 'tong swimsuit ko. Aljon's POV Matapos kong dalhin si.. What is her name again?? basta yung maingay na babae'ng 'yon. Which happens to be my secretary, for Christ sake, tsk. She's so damn talkative. Ang ingay pa. I hate noisy people. Pero sadyang minalas nga ata talaga ako at maingay ang naging secretary ko. In terms of work, I don't see any issues with working with her. She consistently performs a good job in the position she holds. Ayoko lang sa kanya ang pagiging madaldal niya. To all the employees I've been handling, she's different. Really different indeed, tsk. Sinong matino na tao ang isusulat pati mga jokes ng boss niya sa oras ng meeting? Chineck ko ngayon lang yung folder na inutos ko sa kanya bago kami pumunta rito. Inutos ko sa kanya na isulat niya lahat ng important details pag nasa conference na kami, and yeah. She actually did. But arghh What the hell? bakit pati mga hindi naman importante ay sinulat niya? 'halos lahat ng lumabas na salita sa bibig ko habang nasa conference kanina ay nandito' Napasapo ako ng noo dahil sa kawalan ng pasensya. Ugh!! bakit sa dinami ng empleyado sa Scyneth Company bakit 'yong babae na yun pa ang napili ni kuya? tsk. Matapos kong ayusin lahat ng paper works ay nag handa na ko para matulog. It's already late. I have lot of things to do tomorrow. Pero sa di malamang dahilan ay hindi ako makatulog. f**k it. Hindi pa pala ako kumakain. 'Kumain na kaya yung babaeng 'yon?' Biglang sumagi sa isip ko si silly. Hindi ko alam pangalan niya so it's better to call her that way. Anyway, ano ba kasing pakielam ko sa kanya tsk. Tumayo ako sa pagkaka higa at wala sa sariling lumabas ng room. Hindi ko alam at basta nalang ako nag lakad papunta sa kabilang unit. Kwarto ni Silly. 'Wala naman siguro masama kung tatanungin ko siya kung kumain na siya?' Bumuntong hininga muna ako saka nag doorbell. 2 minutes after. 2 minutes na akong naka tayo rito at pindot ng pindot pero walang nagbubukas. ugh bakit ba ayaw niyang buksan. "Ahm.. Excuse me Sir? May problema po ba? " Nilingon ko ang nagsalita. Janitor. "Ahm yeah, Can I have the duplicate key for this room? ayaw kasi buksan ng kasama ko. Baka nakatulog." Tanong ko. Agad naman niyang hinanap ang susi sa pocket ng uniform niya. After seconds ay nabuksan niya na ito. Tinanguan ko siya bilang pasasalamat saka na pumasok ng room. 'Tsk. Mabuti at naligaw dito sa floor na 'to yung janitor. Bwisit na babae, di manlang ako pagbuksan ng pinto samantalng ako nag reserve nito.' Pagpasok sa loob ay agad na nilibot ko ang paningin ko pero kahit anino ni Silly wala akong nakita? 'San naman kaya nagpunta yung babae na 'yon?' Ugh! nalibot kona buong room pero bakit diko sya makita? tatanga tanga panaman yun baka ano na naman kapalpakan ang ginawa non. Mabilis na lumabas ako ng room at dumeretso sa room ko. "Hello. This is Aljon Costudio." agad na sabi ko pagka sagot sa telepeno sa kabilang linya. "Yes, Ser?" " I'm looking for..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maalalang hindi ko nga pala alam ang pangalan ng babaeng 'yon. ughh!! Fvck that girl! "Yes sir?" agaw sa atensyon ko ng nasa kabilang linya. "To my secretary. " nasabi ko nalang. " Aren't you together earlier, Sir?" "Will I f*****g call you if she's with me?! " inis kong sigaw sa kanya. f**k! what a stupid. "A-ah I'm sorry, Sir. S-she's on the ground, Sir. Near at resto bar." nauutal niyang sabi. Hindi nalang ako sumagot at binaba na ang telepono. Mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot ang ground floor. 'Ano na naman ba kasing ginagawa ng babaeng 'yon sa labas? wala ba siyang trabaho bukas para magpuyat sya? tsk.' Pagdating sa ground floor ay agad kong pinuntahan yung tinurong lugar. Then I saw her. Shit! What is she doing?! 'Siraulo talaga. Maligo daw ba ng ganito ka dis-oras ng gabi? ' Ugh!! hindi nya ba naisip na pwedeng mamaga yung sugat niya sa leeg dahil kalilinis lang non'? tapos bibiglain lang niya ng ligo. Grh!!! She really crazy! Lalapit sana ako sa kanya ng bigla siyang umahon sa pagkaka lubog sa tubig. 'May ipagmamalaki ka rin naman pala kahit papa'no' Napilig ko ang ulo ko ng wala sa oras dahil sa isiping iyon. Shit! what did I just say?? 'Did I compliment her body?? did I just said she has a gorgeous body? f*****g no. I'm probably just tired.' 'But admit it or not, She really has.' ~~ * To be Continued * ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD