Precious Pov
"What the hell do you think are you doing?? " napapitlag ako sa gulat nang mangibabaw ang pamilyar na malaking boses sa likod ko.
'Oh meh gesh.. I'm deads now. '
Hindi ko alam kung anong una kong gagawin!
Kung lulubog ba ulit ako sa tubig o haharap ako sa kanya?
'Whuaaa huhuhu Pag humarap ako sa kanya makikita niya ang naghuhumiyaw kong dyoga, gizzz! yung suot ko kasi parang kinulang sa tela o sadyang malaki lang talaga yung dibdib ko para kamuntikan ng kumawala sa kinalalagyan nya? '
Everybody help me!
Whuaaa
Huhuhu
Gusto kong lumubog ulit sa tubig at magpakalunod nalang. Nakakahiya!
Bandang huli ay mas pinili kong humarap nalang sa kanya.
Gizzz!
"H-hello Ser, hehehe .. Gusto nyo rin maligo??" kunwari ay hindi ko ramdam ang galit niya. Itinaas kopa ang isa kong kamay at kumaway sa kanya na para bang nasa Miss Universe na palaok.
"You didn't answer my question. WHAT ARE YOU STILL DOING HERE AT THIS LATE HOUR??" napalunok ako dahil sa kaba.
Katakot! whuaaa huhuhu ang laki ng boses nya. Galit na yan siya talaga huhu
"Hehehe, Siguro lumalangoy?? hindi naman siguro magandang tignan kung gagapang ako, diba Ser? hehehe" sagot ko.
Whuaaa ano ka ba naman Preciousss huhuhu. Pinapahamak mo lalo ang sarili mo. GREAT.
"Ugh! kailan ba kita makakausap ng maayos?" inis niyang sabi. Mababakas ang matinding pagpipigil kaya napa peace sign nalang ako.
"E ikaw kasi Ser e. Iniwan mo‘ko hindi mo manlang ako pinapahalagahan kahit bilang sexytary mo manlang." malungkot kunwari na sabi ko. Heheh..
"Tsk. Mag bihis kana at kakain na tayo. 'wag mong binabalandra yang pangit mong katawan kung wala naman ipagmamalaki." Masungit niyang sabi sabay talikod.
'Hmp! wala naman tao kaya okay lang kahit maghubad pa ako rito. '
Gusto kong isatinig yung nasa isip ko pero naisip kong wag nalang. baka mamaya balikan pa ko no‘n at gahasahin. Lels.
'Feeling ka rin, Precious no?'
Aba naman kung yun ngang saging may piling. Ako pa kaya na tao? wews. Corny kona.
Ilan segundo pa ang tinayo ko do'n dahil iniintay ko talagang maka ilis muna si Sir bago ako sumunod. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay nilingon pa niya ako at binigyan ng masamang tingin.
"Hehehe. Ikaw naman Ser, ‘di mo sinabing ganon mo na ako kamiss agad para intayin pa ako masiguro lang na susunod ako. Enkkkk... Ikaw Ser ah.... hihihi" pagbibiro ko. May pakilig acting pa yan.
' Nagmumukha na nga akong Bulati na binudburan ng asin dahil kulandit ako ng kulandit.'
"Tsk. Silly.." dinig kong bulong niya bago muling tumalikod. Ako rin sumunod na sa kanya. Baka mag dilim pa paningin ni bebe Aljon at lunurin ako sa dagat.
MINUTES AFTER.
Nang makapag bihis ako ay bumaba na rin ulit ako sa ground floor. Nandon kasi yung Restaurant.
'Mag de-date kami ng bebe ko hehhe..'
"What food do you want?" tanong sakin ni Ser habang nasa menu ang paningin.
"Paano ako makakapili Ser e nasayo yung Menu? " tanong ko pabalik. Padabog niyang inalis ang paningin niya sa menu saka naiiritang inabot iyon saakin. "Hehehe Salamat." sabi ko saka tumingin sa Menu. Unti-unting nangunot ang noo ko dahil wala doon ang hinahanap ko. Pinagbali-baliktad ko na wala talaga.
'Bakit ganon? bakit walang Hotdog, Egg, at Bacon sa menu nila? puro mga japanese food at korean foods na pinagsama.'
"Are you done?? kanina mo pa tinititigan yang menu pero kahit isa wala ka pang napipili. Yung totoo?? marunong ka ba mag basa?" Bakas sa tono niya ang pagkainip.
"Wait lang Ser. Gutom kana ba?? " tanong ko. Pero inismiran lang niya ako.
"Ugh!" dinig kong daing niya. Binaba ko yung menu saka inurong palapit sa kanya.
'Huhuhu kawawa naman si Ser. Nagugutom na siya pero eto ako at inihintay niyang maka pili ng pagkain. Whuaaa!! bakit kasi wala don si hotdog o kahit si bacon manlang!' *pout*
"Anong napili mo?" pagkuwa'y tanong niya. Napayuko naman ako. Whuaaa maiiyak na ako huhuhu.. Usto ko ng hotdog huhu
"Wala." maikling sagot ko habang naka yuko parin. Maya-maya lang tumulo na yung luha ko whuaaa huhuhu.. Kasi naman ee..
"Hey Silly. Why are crying???"
"E Ser. Whuaaa bakit ganon? bakit wala silang hotdog sa menu? kahit bacon wala whuee. " maluha-luhang sabi ko habang pinupunasan yung mga pisngi ko.
"Tsk.. Pang breakfast kasi ang hinahanap mo. It's already MIDNIGHT for pete's sake. Saang restaurant ka makakakita ng nagtitinda ng h-hotdot sa dis-oras ng gabi." napaangat ako ng tingin kay Ser dahil sa sinabi niya. Napa tigil ako sa pag-iyak nang mapansin na namumula si Ser.
'Luh.. Problema nito ni Ser?? may sakit ba siya? bakit siya namumula?'
Maputi kasi si ser Aljon kaya madali mong malalaman kung may pagbabago sa balat nya or what. Lalo na pag namumula yung mukha niya, kitang kita.
"Hala ka Ser! namumula ka po. May sakit po ba kayo?" medyo nag hihisterical na sabi ko. Tumayo pa ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya para hipuin ang noo niya pero umiwas siya.
"Go back to your seat. Huwag kang lalapit sa‘kin." kahit nagtataka ay bumalik ako sa kinauupuan ko.
' Me saltik talaga.'
Hindi nalang ako nagpumilit at sinunod ko ang utos niya. Hindi talaga ako lumapit sa kanya. Haggang matapos kaming kumain. Ang inulam ko ay Hotdog hehhe. Nag request si Ser Aljon na ipagluto ako ng Hotdog. Ang dami nga eh, 15 pieces naubos ko lahat hehe.
'Feeling ko tuloy napaka special ko Bwuahahahah'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sabay kaming umakyat ni Ser sa 70th floor kung saan naroon ang room namin.
'Hanggang dito ba naman mataas ang floor na kinuha niya? mas tumaas pa! tsk. Malala na talaga si Ser.'
Room 1,790 ako habang si sir nasa room 1,789.. magkasunuran lang naman kami.
'Sayang hindi pa kami nag sama sa iisang room. Edi sana jockpot ako lels.'
Tama na nga yang kalibugan mo, Precious, matulog kana. Nilulumot na yang utak mo kaka basa ng SPG's story/ies. wala kana naisip na matino.
'Hehehe Soon malalaman ko rin kung ilan Inches yang tinatago mo sa loob ng pantalon mo Ser, Aljon.'
'Precioussss!'
Hihihi Nagagalit na si brain ko. Sleep na ko. Bye!
'Gaano kaya yun kalaki?'
'PRECIOUSSSSS!!!'
*K*I*N*A*U*M*A*G*A*H*A*N*
Good morning madlang pipol! bagong umaga, bagong araw at bagong pag-asa na naman.
hyysstt.
Maaga ako gumising ngayon dahil may meeting pang pupuntahan si Ser. Hyyyss saan na naman kaya kami pupunta next?
*Dindong* *Dindong*
Napalingon ako sa pinto nang bigla nalang pumalahaw sa kabuoan ng kwarto ang tunog ng doorbell.
'Luh. Sino naman kaya yun?'
Roba lang ang suot ko nang lumapit ako sa pinto para pagbuksan kung sino man 'yon.
Katatapos ko lang kasing maligo. Magbibihis palang sana ako kaso may epal na paulit-ulit ang pag do-doorbell. Ang sakit kaya sa tenga.
*Dingdong* Dingdong* Dingdong* Dingdong*
"SANDALIIII!" sigaw ko grh! di makapag-antay? "Ano bang----" naputol ang tangka kong pag sermon nang mabungaran ko ang salubong na salubong na kilay ni..
Ser Aljon!!
Gizzzz nakakahiya!
"A-ah May pupuntahan tayo. Magbihis ka." aniya saka mabilis na umalis.
'Magbibihis naman ako talaga dapat--- dumating ka lang.'
Hindi na ako nakasagot dahil nawala nalang siya bigla. Hmp!
Sinara ko ulit ang pinto saka na nag bihis.
"Ser... Nagugutom na ako." ungot ko. Nandito kami ngayon sa Isla berde.
' yun yung nakalagay na pangalan e.'
"At ako hindi?" masungit niyang sabi.
Hindi pa kasi tapos yung meeting niya. Ang dami kasing dinedemo nung business partner niya. Puro na ngalang tango ang sinasagot ni Ser ke Mr. Arman. May minsan pa humihikab siya. Tsk.
Walang modo.
Matapos ang ilang libong taon. Natapos din ang meeting. Grh
"Gusto mo Ser? masarap 'to. hehe" Tukoy ko dun sa hawak kong hotdog.
Nasa Restaurant kami.
Buti dito sa Isla Berde maraming Hotdog na tinda. Bakit sa South Isla wala??
"Tsk. Hindi ako nakain ng pang mahirap na pagkain." pairap niyang sabi saka muling binalingan ang kinakain.
'Edi mahirap din pala si Ser Andrew?? ito kaya kalimitan nakikita kong kinakain ni Ser pag umaga.'
"Grabe ka naman po Ser, Hindi naman po. 'Maarte ka lang po talaga sadya.' " pabulong kong sabi sa huli.
"May sinasabi ka?"
" Wala Ser. Sabi ko ang gwapo nyo po, hehehe."
*Huk*
Napalingon ako kay Ser nang bigla niyang ibuga yung iniinom niyang tubig.
"Hala! ayos ka lang Ser?" nag-aalala kong tanong.
"I-I'm Fine.." hinarang niya ang kamay niya sa pagitan namin kaya hindi ako nakalapit sa kanya. Umikot ako ng upuan at pumunta sa likod nya at doon hinagod ang likod niya. Nakita ko pang bahagya siyang nagulat dahil naramdaman kong nanginig siya.
'Magugulatin din pala si Ser?'
"Dahan-dahan kasi Ser. Hindi ka naman po mauubusan ng tubig. Ang dami po niyan oh. " pangangaral ko.. "Ano? kamusta na po kayo?? ayus lang po ba kayo?"
"Tsk. Lumayo ka nga sa‘kin!" Nagulat ako nang bigla niyang kabigin ang mga kamay ko at pasiring na binalik ang tingin sa lamesa.
' Wala akong pake kung matray ka, pero ayieee naka chansing ako bwuahahahaha! nahawakan ko ang abs ni Ser. Char woi! likod lang hinawakan ko.'
'May abs kaya si Ser?? ilan kaya? dalawa? apat? anim? walo? gizzz! yummy!'
Whuaaa Precious bad!
Grhhh hindi ko mapigilan pag-nasahan si Ser sa isip ko. Ang gwapo ba naman.
'Ano kayang lasa ni Ser? whuaaaa.'
Whuaa BAD PRECIOUS! ano ‘yang iniisip mo.
"Hey! what's funny?" nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Ser.
Naka kunot ang noo.
Naiirita.
Nagtitimpi.
kawalan ng pasensya.
‘YAN! YAN ANG NABABASA KO SA HITSURA NI SER NGAYON.
Whuaaa weytttt may sinasabi ba si Ser na hindi ko narinig? hutaaa kasi naman eiii.
Umiling iling ako saka bumalik sa upuan ko.
"Tsk."
......................
South Isla
3 na ng hapon nang makabalik kami rito sa South Isla. Nandito ako ngayon sa sanga ng niyog at naka upo habang naka tanaw sa tanawing dagat.
Ang ganda ng tanawin. Tahimik at masarap sa tainga ang mga huni ng mga ibon.
Wala na rin naman na akong gagawin kaya tatambay muna ako hehehe. ' walang kokontra ang kumontra supot.'
Sa kalagitnaan ng pag mumuni-muni ko may dalawang mag jowa ang lumapit saakin at binati ako.
"Hey." sabi nung babae.
"Hoy." sagot ko.
Aba malamang sasagot ako alangan naman isnabin ko siya e ang ganda niya. Baka hinampas ako ng kagandahan niya sa reyalidad na pangit lang ako at wala akong karapatan mag inarte.
"Why are you alone?" tanong ulit niya. Tahimik lang yung lalaki.
'Anak ng kagang. Iniiwasan ko nga makasama si Ser Aljon para di ako manosebleed--- tapos eto naman 'tong isang to. Eenglishin din ako.'
"A-ah. Hehe kasi nag-iisa ako?" sagot ko pa na parang hindi sigurado.
"Hahaha you're funny! yeah I see... What I mean is, why are you alone in the middle of sunset?" tanong niya ulit.
"Ah.. Lumubog na ba?? hindi pa naman ah. Hehehe. Gusto mo ikaw palubugin ko sa tubig? English ka ng English e hindi nga ako sabe marunong mag English." kunwareng ngiti ko pa. E sa may sa lahi ata 'to ni Sisa at pinagtawanan daw ba ako?
"Hahah! you know what? I like your vibes. You're so funny. " aniya.
"Will you stop english-english me?? my nose is bleeding." mataray kong sabi.
Grhh
"Hehe Sorry. Ako nga pala si Sahakuri Smith. And this is my boyfriend, Stynax." pakilala niya sa sarili niya at sa boypie niya.
'Ang gwapoo ng boypieee.'
"Hi! Sakura! Hi Sintax!" nakangiting sabi ko.
"A-ah Hahah No no... Sahakuri not Sakura. And he's Stynax not S-sintax.." napapa-kamot sa leeg na ani Sakura.
'E sa hindi ko mabigkas pangalan nya eh. Hmp!'
"Ah... Hi?" nasabi ko nalang.
"And you are?"
" tao." sagot ko.
' Obviously? may paa at katawan ako. Nakakapagsalita at nakakagalaw ako. So I'm definitely a human being.'
"Tao?? Pangalan mo?" nawiwirduhang tanong niya.
Luh! me saltik ata to, tinatanong ako kung ano ako tapos ngayong sinabi kong tao--- sasabihin nya kung yun ba ang pangalan ko?? d--,b
Dapat sinabi nya 'What's your name' gaya ng kalimitang tinatanong sa mga bata. Hindi yung 'and you are' tsk.. Eme din to eh, hmp!
"Hindi." sagot ko.
"So what is your name then?"
"Ayownnn Nadali mo bata. Iyan kasi ang tamang process ng pagtatanong ng pangalan.. 'What's your name' hindi 'and you are' I'm Precious by the way." sagot ko saka inabot ang kamay niya.
'Taray! may pa by the way ang loka.
"So can we be friends?" naka ngiting aniya.
"Friends." naka ngiti rin na sagot ko.
" Ay! wait, Cr lang ako Heheh nawiwiwi na kasi ako. Babe, a minute... " Tumayo si Sahakuri at pumunta ng banyo kaya naiwan kami ni Sintax dito.
"Woi, Sintax." basag ko sa katahimikan. Nilingon naman niya ako pero hindi nag salita.
"Gaano na kayo katagal ng Gf mo?" tanong ko ulit.
"7 years." Kamuntikan pa akong nalaglag sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Whua may ganon pa pala? inaabot ng ilan taon ang relationship nila kahit na Bf/Gf lang sila?
"Eh bakit hindi pa kayo nagpapakasal?? ikaw bakit hindi kapa nag popropose?" pag-uusisa ko.
"I don't want to force her sa bagay na hindi pa siya ready. I know someday we will become husband and wife. And I am willing to wait hanggang sa mangyari iyon." aniya saka tumingin sakin at ngumiti.
"Alam mo chong, Bilib ako sa tatag ng relationship nyo na dalawa. Bihira lang kaya sa magkasintahan ang umaabot ng ganyan katagal. Imagine? 7 years? 7 years na kayong mag jowa pero matatag parin? Kung sa iba yan nauna pa silang nagka-anak bago ikasal. O kaya naman wala pang One-week hiwalay na. Hahah I'm proud of you, Sintax!" natatawang sabi ko pero naroon ang sinseridad at paghanga.
"Salamat." Matamis na ngiti ang pinakawalan niya kaya ngumiti rin ako ng matamis.
Lasang strawberry haha charaatt.
"Altamara." sabay na napalingon kami ni Sintax sa likod nang mangibabaw ang malaking boses ni Ser Ajon at doon nakita ko ang madilim niyang mukha.
"Hi, Ser! anong ginagawa mo rito Ser? " kunwari pa ay bati ko.
Naka sandal siya sa isang puno and Gizzz ang sexy nya whuaaa
'Whua parang ang sarap kainin ni Ser. Gizz Ang macho niyang tignan sa postura niya. '
"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Anong ginagawa mo rito sa oras ng trabaho mo?" seryoso ang mukha niya gizzz palagi naman.
Ano pa bang bago don?
"Tapos na po ako Ser, Wala na po akong gagawin." naka ngiting sabi ko.
"A-ahm.. M-meron pa. Marami pa. Go back to your work o gusto mong mawalan ng trabaho." sabay alis.
Luh Eme 'tong si Ser. Wala na kaya akong gagawin.
"Hmmm.. Mukhang nangangamoy LQ." napalingon ako kay Sahakuri nang sabihin niya iyon.
'Nakabalik na pala s‘ya?'
"Ah hahahah. Wala yun. Boss ko lang yun. Saka ganon talaga yun, palaging masungit at galit."
"Yeah! yeah! Stynax be like. Hahah. Boss ko rin siya dati and He was just like your boss. Always mad, and laging naka kunot yung noo. Hahaha.." tatawa-tawang aniya habang naka yakap sa bf niya. Ngumuso naman yung bf niya animo nagtatampo kaya kinurot ni Sahakuri.
'Ang hirap naman bigkasin ng pangalan nito. Sakura na ngalang hehehe. Sana all no may jowa.'
"I smell something fishy on him Hihihi. so sweet." kinikilig na ani Sakura.
Nangunot naman ang noo ko.
"Babe. Do it now." dagdag pa niya. Mas lalo naman akong naguluhan.
"You won't get mad? you sure?? " tanong pa ni Sintax. Nakangiting tumango-tango naman si Sakura.
'Problema ng mag jowa'ng 'to??'
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Sintax at ilapit ang mukha niya sakin.
Gizzz what is he doing! whuaaa nandito girlfriend niya tapos anong pinag gagawa nya?! kyaahh
Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya pero mahigpit masyado!
"Don't cha worry. I'm not going to kiss you. Relax." bulong niya kaya kahit papano narelax ako.
PERO HINDI ANG PAA KO nangangalay nako. Ano ba kasing kalokohan na naman naisip nitong mag jowa na'to at pati ako dinadamay.
Maya-maya lang..
"Altamara, s**t! I said GO BACK TO YOUR WORK!" nangibabaw ang galit na boses ni Ser Aljon! kasabay non ang paghila sakin palayo kay Sintax?
'Aray sakit ah.'
Whuaaa! Oh meh gesh baka matanggal ako sa trabaho huhuhu. One week palang kami dito sa Isla kung ano ano ng kapalpakan ang nagawa ko.
"Get near her again, I'm going to kill you."
~~ * To be continued * ~~