KLAIRE IRIS
"I love you Klaire Iris!" paulit ulit bumabalik sa isip ko ang panaginip ko na iyun. Sa panaginip ko kasi hinalikan ako ni Von at sinabihan nya akong mahal nya ako. Kahit sa panaginip nagiging masaya ako. Sana lang maging totoo na mahal na ako ni Von.
"Klair!"
"hmm?"
"Ayos ka na ba dyan?"
"Tapos na!" sagot ko mula sa loob, ngayon araw ang kasal nila Rose at Charles, partner kami ni Von, abay lang ako. Si Alex ang kinuhang brides maid ni Rose. "Tara na!" humawak ako sa braso ni Von habang pababa kami ng hagdan halata na ang umbok ng tyan ko kay mas pinag iingat ako ni Von, hindi lang ata si Von, si Mama at Mom ni Von, ang mga over protective na nanay namin.
"Wear this" Inabot sakin ni Von ang helmet.
"Magmomotor tayo?" tanong ko sa kanya.
"Yes! So wear that!"
"Hindi ba delikado! Ayaw ko talagang nasakay ng motor Von!"
"I'll be your driver! I'll be careful! Maayos naman akong magdrive!" sambit nito at sya na ang nagsuot sakin ng helmet.
"Bakit kasi motor pa!" Angal ko, umangkas na ito sa motor at pinaandar ang makina. "Von! Umayos ka lang! Buntis ako!" pagbabanta ko sa kanya.
"Come on! Sakay na!"
"Saan ako aapak?" tanong ko. Binaba nya ang parang apakan at patungan ng paa. Humawak ako sa balikat nya at sumakay ng motor. Nakatagilid ako dahil naka dress ako. "Von!" Yumakap ako sa tyan nya, mahigpit ang pagkakahawak ko dahil baka malaglag ako. Pinaandar na ni Von ang motor.
"Hold tight Klaire!"
"Ahhhhhh!" Napatili ako sa gulat. Takot na takot akong napayakap kay Von.
Yari ka sakin Von! pagmakababa ako dito.
Takot man sa mangyayari, safe kaming namarating sa simbahan ng kasal nila Rose at Charles. Pinark na muna ni Von ang motor sa harap ng Simbahan nagtinginan ang mga tao na nasa labas, mga nag aantay pa sa pagdating ng Bride.
"Klaire!" lumapit sakin si Sab, inalalayan naman ako ni James na makababa ng motor "Bakit kayo nagmotor! Hoy lalaki alam mong buntis si Klaire! Sa motor mo pa talaga naisipang isakay!" hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba ko. "Klaire hey!" Nakasuot pa din ako ng helmet. Tinitigan ko si Von habang tinatanggal nito ang suot kong helmet.
"Hey! Are you okay?" tanong nito sakin. Sinapa ko sya sa sobrang inis ko. "f*ck!" anas nito.
"Bw*sit ka! Sabi mo dahan dahan lang! Byaheng langit ang ginawa mo!" tumawa ito kahit dumadaing ito sa sakit.
"Ayan! Nagalit!" pang asar ni Sab, tinawanan sya ng mga kaibigan nya at umalis na sila, naiwan kami ni Von.
"Why did you kick me here! f*ck! Baka hindi na tayo makabuo!" saad nya pa habang nakaaray sa maselan nya, doon ko lang naman sya sinipa. "Ouch!"
"Nakakainis ka!" Inalisan ko sya. Alam ko naman na iingatan nya kami pero ahhh naiinis ako, kinabahan ako, natakot ako.
"Anak ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Mama ng makita ako.
"Naku Ma! Wag nyo sakin palapitin si Von! Mawawalan ng kinabukasan yan!" Inis kong sabi kay Mama. Tumabi ako sa kanya. Tumawa lang sakin si Mama.
"Kayo talagang dalawa!"
"Iha!" lumingon ako sa tumawag sakin. ang Mommy ni Von.
"Po?"
"Are you okay?" lumapit sakin ito "I saw the two of you!"
"Ayos lang po! Nainis lang po talaga ako kay Von! Madaming naman syang kotse! Motor pa talaga naisipan!" sambit ko at sinamaan ng tingin ang lalaking palapit samin, si Von. Nakangiti na ito, mukhang maayos na ang sarili nya.
"What?" nakangising tanong nito.
"Ewan ko sayo! Lumayo ka sakin!" Banta ko sa kanya.
"What?" inis na tanong nito. Kumapit pa ito sakin at hinawakan ako sa kamay. Wala na akong nagawa andito na ang bride. Nag umpisa na ang ceremony, lumakad na kami patungo sa altar, naiinis pa din ako kay Von pero kailangan naming maging maayos, kasal nila Rose ito. Nagpalitan ng mga pangako sila Rose at Charles sa harap ng altar, naiinggit ako sa kanila, kailan kaya ako maihaharap ni Von sa altar, alam ko naman na si Von na talaga ng taong pakakasalan ako. Hindi ko alam pero pinanghahawakan ko ang sinabi nya sakin na pakakasalan nya ako, pero kahit singsing wala syang binibigay sakin, ayos na sana walang proposal kahit singsing na may mapanghawakan man lang na magiging asawa na nya ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Klaire! Here tissue!" inabutan ako ni Sab ng tissue, kinuha ko ito at pinunasan ang mata kong hindi tumitigil sa pag iyak. Naiinggit ako ng sobra kay Rose, kasama na nya ang taong mahal nya nanumpa sila sa harap ng dyos. Masaya ako para sa kanilang dalawa ni Rose pero mas sasaya ako pag nakita ko ang sarili ko na nanunumpa din sa harap ng dyos kasama ang taong mahal ko... si Von.
"You may kiss your bride!" Nagkiss ang dalawa at nagpalakpakan ang lahat. Napangiti ako sa nakikita ko, naglalakad na sila palabas ng simbahan. Lumapit sakin si Von.
"Are you okay?" Tanong nito sakin at pinunasan ang luha sa mata ko. Ngumiti lang ako sa kanya at kumapit sa braso nya, hindi na kami nakipagsiksikan sa mga taong palabas. Nahuli kami ni Von na lumabas, nagtipon tipon ang mga babae.
"Sab!"
"Anong meron?" Tanong ko sa kanya
"Ihahagis na muna ni Rose ang bulaklak"
"Diba dapat sa Venue pa yon?"
"Dito na daw! Sabi nya!" umalis na ito at nag abang din sa paghagis ng bulaklak ni Rose.
"Why don't you join them?" tanong sakin ni Von.
"Buntis makikipag agawan? Utak Von!" Anas ko sa kanya. "Sa kotse mo na ako isakay! Pag sa motor pa mag isa ka na lang!" dugtong ko pa. Umalis si Von sa tabi ko akala ko kukuhanin nya ang motor o kotse pero ng ihagis ni Rose at Bulaklak si Von ang nakasalo. Natawa naman ako sa ginawa nya.
Feeling babae tong mokong na to.
Pero mali ang akala ko, tumakbo palapit sakin si Von at inabot ito.
"A-ano to?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hold it!" kinuha ang ang bulaklak. unti unting lumuhod si Von sa harap ko.
"Von! Anong ginagawa mo?" tanong kong muli.
"Let me say something!" inayos nya muna ang kanyang sarili, may kinuha ito sa kanyang bulsa na maliit na box, napatakip ako sa aking bibig. Nagtitilian ang nasa paligid namin, at nakatingin silang lahat samin ni Von, He clear his throat " Klaire! The first time we met I know it wasn't love at first sight... my love for you formed gradually, your personality, your face, your voice, your hair, your eyes and your humor. The way you look at me, the way you say my name, it is like a music that I want to listen everyday... you're the first person I wanna look at when I woke up in the morning and the only one I wanna kiss goodnight. Klaire! I want to be with you everyday till my last breath" Sambit nito, binuksan nito ang maliit na box, isang singsing na simple at walang disenyo pero nakaukit dito ang pangalan ko. "Klaire Irish Montes! In front of our family and friends! You will marry me!" Parang banta ang sinabi nya hindi kahilingan.
"Von! Anong klaseng tanong yan?" inis na tanong ng Mommy nya.
"Nagbabanta ka ata Von Cedrick!" biglang sambit sa kung saan. Tinignan ko ito.
"Kuya!"
paano? paano nakauwi si kuya? Ang sabi niya...
"Mali ata ang mga narinig ko!" sambit muli ni kuya
"Dude! Mali kasi! Hihiling ka hindi mambabanta!" pang uuyam ng kaibigan nitong si Nikko at tumawa pa.
"Naku Klaire! Wag kang umoo! Pinagbabantaan ka!" pang asar pa ni Sab.
"Okay fine! Will you marry me Klaire Irish?" tanong nitong muli, napangiti ako dahil inulit nya talaga ang tanong nya. Tumango ako. Tatanggi pa ba ako?
"I will! I will Marry you! Von Cedric Saavedra!" sagot ko, isinuot nya sakin ang singsing at tumayo ito. Hinalikan nya muna ako bago niyakap. Binuhat nya pa ako. "Von!" saway ko sa kanya, ibinaba ako ni Von at hinalikan na naman ako nito pero inilalayo ko sya kasi nakatingin pa din silang lahat sakin.
"Enough! Engaged kayo! Kasal nila Charles at Rose! Respeto!" Saway ni kuya. Natawa na lang ako dahil parang isang tuta ang itsura ni Von. Nagtungo na kaming lahat sa venue nila Rose, sa kotse na din ako sinakay ni Von, maiinis na talaga ako sa kanya pag sa motor nya pa sinakay.
"Congrats Klaire!" Binati nila kami, pati na rin ang bagong kasal ay binati kami. Sa kabilang lamesa naman sila kuya, hindi ko pa natatanong ito kung bakit ito umuwi ng pilipinas,
"Saglit lang Sab! Dito lang kayo ni Alex!"
"San ka?"
"Sa table lang nila kuya. Saglit!" umalis ako sa table namin nila Alex.
"Kuya!" tawag ko dito, tumabi ako sa kanya.
"Oh! Anong sadya ng Buntis?"