"Oh! Anong sadya ng Buntis?" parang inis pa ang boses ni kuya.
"Kris!" saway sa kanya ni Ate.
"Kuya namn!"
"Sakin ka pa talaga maglilihim Klaire!?"
"Kuya! I'm sorry! Hindi ko naman gustong isikreto yun!"
"Hindi Klaire! Pero hayaan mo yun! Pinanagutan ka naman ng Mokong!" Nakahinga ako sa sinabi ni kuya.
"Bakit nga pala kayo umuwe ni Ate?"
"Tumawag sakin ang Pinsan ko Klaire!"
"Si Von?" tumango si ate
"Ang sabi nya may sasabihin daw sya, Nasaktuhan at kasal ni Charles kaya umuwi kami" paliwanag ni ate.
"and at exactly kung kailan nagpropose sayo si Von doon kami dumating. Mabuti kung ganun!" galit na sambit ni kuya. "Nasaan na pala ang lokong yon?"
"Kasama nya sila Nikko kuya!"
"Iniiwan ka nya?"
"Ayos lang, andito naman kayo"
"Kahit na!"
"Kuya!"
"Mag uusap pa kami Klaire! May kailangan kaming pag usapan!"
"Tungkol saan?"
"Basta" hindi na ako nagtanong hindi din naman nya ako sasagutin.
"Babalik na ako kanila Sab kuya!" tumango lang si kuya. May nasalubong ako Waiter. "Can I have a water!"
"Yes Mam!" Umalis ito, nagtungo naman ako sa table namin.
"Anong sabi ni kuya mo?" tanong ni Alex pagkaupo ko
"Hindi ko alam kung galit or ano!"
"Galit na masaya yon para sayo Klaire! Masaya ka na ba?" tanong nito. Tumango ako
"Masaya atleast sure na talagang pakakasalan ako ni Von! May mapanghahawakan ako"
"Bakit ka pala umiyak sa simbahan?" tanong uli ni Sab, dumating ang tubig, pinalapag ko na lang ito.
"Masaya lang ako para kay Rose!" Sagot ko.
"Yung totoo?"
"Nainggit kasi talaga ako kay Rose, kasi sya kasal bago ang kasal, ako buntis tapos hindi pa kasal kahit na engagement ring wala! Nakakainggit kaya?"
"Ngayong meron na? Masaya ka na?" tanong ni Alex.
"Oo sobra!"
"We're happy for you Klaire! Yung mga what if mo noon wala na!" saad ni sab. Tumango ako at ininom ang tubig na binigay sakin ng waiter. Kanina pa talaga ako nauuhaw kaya naubos ko ito. Maya maya nafeel kong parang nahihilo ako.
"Klaire!" Hinawakan ni Alex ang balikat ko! "Klaire!" rinig kong tawag ni Alex, pinikit ko ang mata ko at hinilot ang ulo ko.
"Alex! Nahihilo ako!" sambit ko sa kanila.
"Klaire!" rinig ko bago mawalan ng malay.
VON CEDRIC POV
Isinakay ko sa motor si Klaire para sana pagbaba namin magpopropose ako pero mukhang natakot ito at nagulat. Dahan dahan at maingat naman ang pagmamaneho ko. Nasaktan ako ng sinipa nya ang akin, mukhang nagalit sakin, hindi ko na muna tinuloy ang pagpropose ko baka huminde pa sakin ang babaeng to. Noong kinakasal sila Rose at Charles exchanging their promises with each other, natutuwa ako kasi masaya na ang kaibigan ko, tinignan ko naman si Klaire inabutan ito ng tissue ni Sab, umiiyak ito siguro dahil masaya sya sa kaibigan nya. Pagkatapos Kiss ng bagong kasal pinuntahan ko si klaire. Tinanong kung ayos lang, ngumiti lng ito sakin. Pinunasan ko ang luhang nasa mukha nya. Akala namin paglabas didiretso na sa venue peeo nagkukumpulan ang mga kababaihan dahil ihahagis na ni Rose ang bulaklak. Tinanong ko si Klaire kung gusto nya sumali, pero tama sya buntis sya at baka may mangyari lang na hindi maganda sa anak namin, halata na kasi ang umbok ng tyan nya. Ihahagis na ni Rose ay tumakbo ako para saluhin, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero gusto ko ng magpropose kay Klaire ngayon mismo. Ibinigay ko agad kay Klaire ang bulaklak. Tinawagn ko ang kuya nya para sabihin ang tungkol samin ni klaire hindi ko akalain na sa ganoong paraan nya pa masasaksihan, natatakot akong humarap kay kuya kris.
Andito pa kami sa venue, magkakasama na kaming magkakaibigan pero si Charles lang ang wala samin, kasama nya ang kanyang asawa at ineentertain ang iba nilang bisita.
"Von!" lumingon ako sa tumawag,
"K-kuya!" tumayo ako, agad ako nitong sinapak, napaupo ako sa sahig, nakatingin lang sakin si Nikko at James
"Ayan lang ang gusto kong ipatikim sayo!" sambit nito at agad na umalis si kuya.
"Ayos ka lang pre?" tanong ni Nikko at tinulungan akong tumayo.
"Ayos lang!" sabi ko at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko. Hindi ko naman sya masisisi, magpapaliwanag pa lang ako pero kamao na agad ni kuya ang sumalubong sakin.
"Mabuti at yan lang ang inabot mo sa kuya ni Klaire! Alagang kuya talaga ang magiging asawa mo pre!" saad ni James.
"Voooooon!" hinagilap ng mata ko kung sino ang tumawag sakin, nagkakagulo sa isnag lamesa
"Table nila Sab yon!" sabi ni nikko. Agad akong tumakbo, doon din nakaupo si Klaire kanina. "Wha- Klaire!" hinawi ko sila.
"Klaire! f*ck! Hey! Wake up! d*mn!" Pinipilit ko itong gisingin. "Klaire!"
"Anong meron- Klaire!" nilapitan din sya ng kuya nya. Tumayo ako at binuhat si Klaire. "Sa kotse Von!" utos ni kuya, kinakabahan ako, walang malay si Klaire. Agad na isinakay ko si Klaire, sumama din si Ate Irene. Sa likod kami ni Klaire. Hinawakan ko ang mukha nito at pilit na gingising.
"Help! She's unconcious!" Inilapag sa hospital bed si Klaire. "She's pregnant Careful pls!" pakiusap ko sa kanila. Sinuri agad nila si Klaire.
F*ck! What is happening to you Klaire!
"Doc! Anong meron sa kapatid ko?" tanong agad ni kuya kris.
"Nakainom sya ng sleeping pill!"
"So tulog lang sya doc?" tanong ko.
"Yes! but it's risky especially to a pregnant woman, mabilis ang epekto ng gamot sa kanya dahil nga sa buntis sya. Hindi safe sa isnag buntis ang uminom ng pangpatulog"
"But doc! Hindi sya umiinom! Nakaupo lang naman sya kanina" saad ko.
"May nagpainom ba sa kanya? or may nainom ba sya?" tanong sa amin ng doctor. Hindi ko masagot ang tanong ng doctor, parehas kami ng kuya ni Klaire walang alam.
"She'll wake up right?" tanong ko.
"Yes! She will! Tulog lang sya. Hindi naman sya pwedeng turukan dahil buntis sya, makakasama sa baby. Mabuti at ligtas ang baby nyo. Makapit si baby kaya ingat sa mga iniinom ng asawa"
"Salamat doc!" umalis na ang doctor. Lumapit ako kay Klaire. Hinipo hipo ko ang buhok nito at pinagmasdan ang mukha nito.
"Uuwe na kami Von!" Paalam sakin ni Ate Irene.
"Take care of my Sister Von Cedrick!" Tumango lang ako kay kuya. Umalis na sila ay sya namang paggising ni Klaire.
"Klaire! Are you okay?" tanong ko agad.
"Von! b-bakit andito ako?"
KLAIRE IRISH POV
"Von! b-bakit andito ako?" tanong ko, nasa hospital ako at nakahiga.
"You passed out awhile ago!" sagot nya sakin, inalalayan ako nitong umupo.
"Nawalan ako ng Malay?" tumango si Von. Naalala ko uminom lang ako ng tubig "Tubig lang naman ang ininom ko! Nanghinge ako sa waiter!" Nakita kong nag iba ang awra ni Von.
"Uwe na tayo!"
"Ha? Paano ang kasal nila Rose?"
"I'll talk to them! C'mon!" Inalalayan akong tumayo ni Von. Lumabas kami ng Hospital. "f*ck!" mura nito.
"Bakit ka nagmumura? May problema ba?" tanong ko.
"We use kuya Kris Car earlier!"
"Oh? Nasaan sila kuya?"
"Umuwe na! f*ck!"
"Bakit ka ba nagmumura dyan! May pera ka bang dala? Mag commute tayo!"
"I don't have!"
"Cellphone? Kontakin natin sila!"
"Wala din!" naiwan namin parehaa ang gamit namin at wala din kaming pera. "Let's just take a cab!"
"Cab? Wala nga tayong pera Von! Ayos ka lang?"
"I can't afford to ride public cars!"
"Wala nga tayong pamasahe!" nag isip ako ng pwede naming gawin dahil magmumukha kaming tanga dito sa labas ng hospital. "Maglakad?"
"No! It's passed evening Klaire!"
"Anong gagawin natin?" inis kong tanong sa kanya, hindi pa man din nawawala ang hilo ko.
"We'll just take a cab! Sa bahay ko na lang babayaran!" may punto si Von, pwede naming gawin iyun. Tumango na lang ako, nag antay kami ng cab at nagpahatid sa mansyon nila Von. Pagkadating pinag antay namin saglit si Kuya driver, kumuha pa ng cash si Von tapos binayaran nya agad ng sobra pa sa bill namin. Dumiretso ako sa kwarto ni Von, sinamahan din ako ni Von. Hindi ko magawang magpalit ng damit kasi mabigat ang pakiramdam ko.
"Klaire! Are you okay?" pag aalalang tanong nito. Humiga kasi ako agad, kinumutan nya naman ako.
"Inaantok pa din ako Von!"
"Then we'll sleep!" tumabi sakin ito at niyakap ako nito. Magkaharap kami ni Von kaya niyakap ko din sya. Parehas kaming nakatulog agad ni Von. Nagising ako sa sobrang lamig.
"Von!" tawag ko sa kanya. Ngunit hindi ito nagigising, binalot ko sa kumot ang katawan ko "Von!"
"hmm?"
"Pahinaan mo naman ang Aircon!" utos ko sa kanya.
"Hmm?" nagtatakang tumingin ito sakin,
"Ang lamig Von!" Hinipo nito ang noo ko.
"F*ck! Klaire your hot!"