Basang-basa si Roselda nang makarating sa kanilang bahay. Nilalamig na siya. Nag-aabang sa tarangkahan ang kanyang Mamang at Papang na sobrang nag-aalala na rin sa kanya. Napabulalas pa ang kanyang Mamang nang makita ang kanyang hitsura. Agad siyang binigyan ng tuwalya ng kanyang Papang at ipinagtimpla naman ng mainit na kape ng kanyang Mamang. Habang sila ay kumakain ng hapunan, hindi mapigilan ng dalaga ang isipin kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigang engkantong-dagat. Hindi niya lubos maisip kung papaanong iyon ang nangyari rito. Marahil ay may masamang kaganapan sa ilalim ng dagat. Mula sa labas, ramdam ng mag-anak ang malakas na hambalos ng hangin, ang nagngingitngit na buhos ng ulan at ang nakakabinging ugong ng kulog na sinusundan ng nakakagulat na tunog ng kidlat. Sa pamamag

