29. Ang Tagong Kuweba

1136 Words

Ilang ulit na napakurap si Roselda. Nasisilaw siya sa linya ng liwanag na nakasilip sa kanyang bintana. Wala na ang ulan at tumigil na rin ang malakas na hangin. Tila tahimik na ang paligid. “Ayos ka lang ba?” Lilipad-lipad ang kanyang lambana sa kanyang harapan, bakas ang pag-aalala. Ngumiti ang dalaga. “Ayos lang ako Sadi.” “May pangitain ka kagabi.” Turan ni Saminsadi sa pangintalan nito. “Naalala mo ba?” Pangitain? Umiling si Roselda. “Anong pangitain, baka panaginip ang ibig mong sabihin?” “Panaginip na makahulugan, pangitain.” Ngayong nabanggit ito ng lambana, parang naaalala nga niyang nanaginip siya kagabi. Tungkol nga ba saan ito? Napakagat siya ng labi sa pag-iisip at natampal ang noo nang maalala ito. Tungkol ito sa mahiwagang babae sa dagat na kumakanta sa nakakahalinang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD