Huminto sa harap ng isang malaki at bilugang b****a si Kalain, ang bagong Puno ng Lalawod, bago tumalikod upang harapin ang Tagapagpayong si Umala. “Salamat Umala, maaari ka nang umalis.” Sabi niya sa tinig na puno na awtoridad. Yumukod ang sireno at saka lumangoy papalayo. Nang tuluyang mawala sa paningin ni Kalain ang Tagapagpayo ay saka lamang ito muling humarap sa malaking b****a ng silid. Napapaligiran ito ng makakapal na mga taliptip gaya ng huli niyang nakita. May mangilan-ngilang halamang-dagat ang tumutubo na nagbibigay ng mahinang liwanag. Ito ang huling silid na kanyang pinasok bago niya nalaman ang mga bagay na siyang nagpabago sa lahat. Hinding-hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon. May ngiti siyang nagtungo sa silid kung saan naroon ang kanyang Ama at Ina. Hawak sa p

