31. Itim at Puti

1219 Words

Hawak ang basket na may laman, napatigil si Roselda sa paghakbang. May kadiliman sa loob, wala siyang makita. Nilingon niya si Mang Berto subalit wala na ito. Nag-aalangan siyang humakbang pasulong at muling tumigil. Matagal niyang tinitigan ang kadiliman hanggang sa masanay ang kanyang paningin. Hindi naman gaanong malawak ang loob ng kuweba ngunit maraming malalaking batong nakausli. Ilang ulit pa siyang napakurap para masiguradong tama ang kanyang nakikita. Natagpuan niya ang kanyang hinahanap sa dulo ng kuweba. Isang manipis na linya ng liwanag ang tumatagos mula ibabaw kung saan may maliit na butas at gumuhit ito sa kanang bahagi, iniilawan ng bahagya ang loob. Sa isang mahabang sanaw, nakalublob ang katawan ni Managat. Nakapikit ito at tila natutulog lamang. Marahang umaangat at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD