32. Ang Sekreto ni Roberto

1357 Words

Dalawang araw na ang lumilipas magbuhat nang matagpuan ni Roselda ang sugatang si Managat sa batuhan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkakamalay. Nanumbalik na rin ang kulay sa kanyang histura, tanda na maayos na rin ang kalagayan nito. Kung sana ay may naitabi itong mambulong, hindi sana ganoon katagal ang kanyang paggaling. Sa nagdaang mga araw, nanatili ang pag-aalala sa kanyang puso. Hindi niya mapigilang mahabag sa tuwing maiisip niya sa gabi ang tagpong iyon. Umaasa siyang gumaling na kaagad ang kanyang kaibigan. Hindi pa rin niya nakakausap si Mang Berto tungkol sa sireno. Ngunit  sa mga nakalipas na araw na nagmamatyag siya kung may mga usap-usapang isang sireno ang nagtagpuan sa kanilang nayon ay wala naman siyang narinig. Marahil ay naisip nito na hindi rin maniniwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD