Nadatnan niyang nakapamaluktot si Sarikit sa pahingahan ni Managat. Ganoon ang posisyon ni Sarikit nang iwanan niya ito at hanggang sa ngayon ay hindi man lang ito natinag sa kinalalagyan. Natatakot si Maalam na nagdulot ng matinding takot sa puso ng munting sirena ang pagsalakay ng mga Sirikan sa Lalawod. Natagpuan niya ang munting sirena na nagkukubli sa Silid Hinigkuan. Nakayuko, nanginginig at puno ng takot sa isang sulok. Napaisip pa siya kung papaano napunta si Sarikit sa silid na iyon subalit iwinaksi na lamang niya ang isipin. Marahil ay ganoon din ang nangyari sa iba pang mga musmos sa buong kaharian. Kanina, bago niya nilisan ang kanyang silid, dumungaw muna siya sa labas upang tingnan ang kalagayan ng kanilang pook. Hindi tulad ng nakaraan, nakikita niya ang mga Lawodnon na

