34. Magtampisaw

1849 Words

Ramdam na ramdam ni Roselda ang init ng haring araw na dala ng magandang panahon. Naglalakad siya papuntang dalampasigan. Pupunta siya sa tagong kuweba upang tingnan ang kalagayan ng kaibigang engkantong-dagat. Ika-apat na araw na ngayon pero hindi pa rin nagkakamalay si Managat. Nawala na rin naman ang kanyang pag-aalala dahil unti-unti na ring naghihilom ang sugat ng sireno. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mang Berto ay pinalitan ng matanda ang benda ni Managat at napag-alaman nilang nagsara na rin ang mahabang hiwa sa tagiliran nito. Laking tuwa ni Roselda ngunit hindi niya mapigilang isipin kung saan natutunan ni Mang Berto ang paglalapat ng lunas habang pinapanood ito. Ang uri kasi ng panggagamot niya ay makaluma; mga halamang-herbal ang gamit niya. Naglaro din ang kanyang isipan s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD