35. Mailap na Katotohanan

1362 Words

Bakit may ganitong alimasag sa loob ng Palasyo? Iyon ang tanong na paulit-ulit na umikot sa isipan ni Maalam habang pinagmamasdan niya ang napakaliit at puting alimasag na ikinulong niya sa munting hawla na gawa sa maninipis na buhok ng isang nimpang-dagat. Handog ito kay Sarapay ng nimpa na nakalimutan na niya ang pangalan. Kanina pa paikot-ikot ang naturang alimasag subalit hindi pa rin nito magawang makalabas. Sumubok na rin itong sirain ang hibla gamit ang panipit nito ngunit wala rin. “Ano ang ginawa nito sa silid-himlayan ni Maayo?” Bulong ni Maalam sa sarili. Naalala niya ang sabi ni Sarapay sa kanya, isang araw habang sila ay naglilikom ng mga halamang maaaring gamitin sa panggagamot. Bago pa lang silang nabasbasan bilang mga batang manggagamot nang mga panahong iyon. Ipinakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD