Tambak ng mga buto! Iyon ang nakikita ni Managat. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganoon karaming buto. Karaniwan sa kanila ay kumakain ng halamang-dagat at miminsan lamang ang mahaluan ng karne. Iyon ang sekreto ng kanilang mahabang buhay. Naniniwala sila na ang bawat buhay, malaki man o maliit ay banal. Pero itong nakikita niya? Nahahabag at natatakot siya pareho sa nakikita. Nagdadalawang-isip siya kung tutuloy pa ba o hindi na. Kanina pa pumasok ang kambal na isda sa loob. Totoo ngang mabagsik ang Lagalag tulad ng sabi ni Maalam. Napahawak siya sa kanyang tagiliran. Isang punyal na gawa sa matalim na bato ang ibinigay ng Manggagamot sa kanya bilang sandata sakaling may mangyaring hindi maganda. Humuhot siya ng malalim na hininga at maingat na lumangoy papasok ng

