Katulad nang inaasahan, natagpuan ni Roselda ang kaibigang engkatong-dagat sa bahaging iyon ng batuhan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala. Nakatalikod ito sa kanya at nakaharap sa kanluran kung saan matatanaw ang bilugang hugis ng haring-araw na mistulang kahel sa kalangitan. "Sadi, magliwaliw ka muna." Bulong ng dalaga sa lambanang nakahimpil sa kanyang balikat. Lumipad ito paibabaw at palayo patungo sa dako ng malawak na tubig-alat. Napatingin siya sa anyo ng sireno. Sa wari ng dalaga ay mayroon na naman itong malalim na iniisip, dahil na rin sa paraan ng pagyuko nito at pagpirmi ng katawan nito na tila ba isang bantayog. Sumingit sa kanyang isipan ang sinabi nito minsan sa kanya. Isa sa mga malapit rito ay nasa binit ng kamatayan. Pumanaw na kaya ito? Naitanong niya sa sarili

