Magmula nang masaksihan ni Mang Berto ang pagliwanag sa dakong batuhan, hindi niya mapigilan ang sarili na mag-alala. Hindi siya mapakali. Ang batuhan ay naging parte na rin ng kanyang nakaraan. Isang nakaraan na nagbigay sa kanya ng kapwa kasiyahan at kalungkutan ngunit ayaw na niyang balikan. Pinangangambahan niya na baka maulit muli ang nangyari sa kaysayan ng kanyang buhay. Isang lihim na kanyang pinakatago-tago. Ngayong araw, napagpasyahan niyang huwag magtungo sa kanyang kaingin at bagkos ay magmanman at makiramdam muna sa paligid ng batuhan. Mainam niya itong nagagawa dahil sa ang kanyang kubo ay nakatirik sa isang mataas na burol at mula roon ay matatanaw ang kabilang dulo ng batuhan. Matiyaga siyang nakaupo sa kawayang bangko sa ilalim ng matandang puno ng duhat at nakatanaw lam

