17. Babala at Paalaala

1525 Words

Pinagmamasdan ni Roselda ang papalayong anyo ng sireno. Nanumbalik na ang buntot nito matapos lumusong sa tubig. Natanaw pa niyang lumitaw ang kahel nitong buntot bago ito tuluyang naglaho sa kanyang paningin. "Mag-iingat ka Managat," bulong niya kahit na alam niyang hindi na ito maririnig ng engkanto. "At salamat dahil dumating ka." Napailing siya at napangiti. Bakit niya iyon sinabi? Hindi siya makapaniwala sa sarili. Isa lang ang paliwanag kung bakit iyon ang kanyang inasal. Umiibig siya, pero iyon nga ba? O siya ay humahanga lamang? Umihip ang malamig na samyo ng hanging dagat at napahalukipkip ang dalaga. Gumagabi na at kailangan na niyang umuwi. Tiyak mapapagitan na naman siya ni Mamang nito. "Nakita ko iyon." Anang lambana sa kanyang isipan, lumipad ito at pumatong sa kanyang ulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD