Nakayuko at nagtatanggal ang matandang sirena ng mga tinik ng nahuli niyang higad-dagat. Ang isang ito ay mataba at malusog; pinaghalong matingkad na pula, kahel at lila ang kulay nito na gumuguhit sa paikes-ikes na disenyo sa buo nitong katawan. Mahahaba at matutulis ang mga tinik na bumabalot sa katawan ng higad. Buhay ito at nagpupumiglas pa sa mga taling nakagapos rito habang bunubunot nya ang mga tinik dahil tutubo pang muli ang mga ito kalaunan. Kumislot ang higad ng matanggal ang isang malaking tinik sa bandang uluhan ng higad. Ito ang pinakamabisang tinik sapagkat ito ay nagtataglay ng kakaibang lason na maaaring magdulot ng pagkaparalisa ng buong katawan. “Rabalya!” Tinig iyon ni Askala, ang kanyang masugid na alalay. Maingat na inilagay ni Rabalya ang tinik sa punglo na katabi

