CHAPTER 24 Bumusina ang sasakyan nang minsang muntik silang mabangga ng isang motor na biglang sumulpot sa madilim na kalsada. Mahigpit ang pagkakapit ni Nanilyn sa upuan, habang si Jules ay hawak nang mariin ang manibela, ang kanyang panga'y naninigas sa tensyon at galit. Nanatiling naging alarma si Jules. Kahit pa sabihing nakasakay na sila sa kanyang sasakyan maaring masundan pa rin sila ng mga tauhan ni Olive. “Nani, hang on! Just on hold tight,’’ sigaw ni Jules kay Nanilyn. Mariin dinikdik ang gas pedal nang mga paa ni Jules. At malakas na umaalingawngaw ang tunog ng makina. Mabilis na naiwasan niya ang lubak-lubak na daan dahil sa liksi ng pagmamaneho ni Jules. Wala siyang sinayang na kahit isang segundio. Kaagad na dumiritso sila sa highway exit. Madilim at walang sasakyan kaya i

