CHAPTER 25 SA LOOB NG isang marangyang opisina, isang babaeng may pulang lipstick at masidhing titig ang marahang umiikot sa swivel chair habang pinapanood ang CCTV footage mula sa isang cellphone. Kung maari lamang siyang pumasok sa loob ng cellphone matagal na niyang ginawa para siya mismo ang kikitil sa buhay ng babaeng kanyang labis na kinamumuhian. Ang tinuturing niyang kaagaw at napakalaking hadlang sa kanilang kaligayahan. MAhigpit ang pagkakahawak ng kanyang cellphone kulang na lamang mayupi ito sa kanyang pinapanood. Naroon ang eksena sa dalampasigan. Nakita niya kung paanong muling nakaligtas si Nanilyn. Parang bulkan na nasasabog naman ang malditang babae. Ang buong akala niya mawawala na sa kanyang landas ang tinik sa kanyang buhay. Ang malaking hadlang kungg bakit siya hindi

