bc

The Billionaire's Pretend Girlfriend

book_age18+
491
FOLLOW
1.5K
READ
billionaire
possessive
brave
drama
bxg
office/work place
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Megan Rodriguez works as an accounting staff at RH Corp. She was fired by the HR manager due to her absences. She really needs money for the surgery of her brother, so she begged CEO Red Wyatt, who's half-Filipino and half-American and a handsome billionaire, to rehire her. However, the job given to her was to pretend to be a girlfriend in order to make Red's ex, Shantal, jealous. In her pretension, they both fell in love with each other.

What if Megan's parents are against their relationship and want them to split up? Will they still fight over their relationship? 

chap-preview
Free preview
One
"Babe, please. Bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon," pakiusap niya sa kabilang linya. "Isa pang pagkakataon? Paulit-ulit na lang ang nangyayaring ito sa 'tin. Red, ilang beses ko nang sinabi sa iyo na kung hindi mo man lang ako mabibigyan ng time, mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo. Alam mo ba ang pakiramdam na may boyfriend ka nga pero parang wala naman? Kaya tama na, napapagod na ako," tugon ng kaniyang ex-girlfriend sa kaniya, saka binabaan siya nito ng tawag. Napahawak siya sa kaniyang ulo, at itinapon niya ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng kaniyang kama. Parang gusto niyang magwala at sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya. She loves Shantal so much, pero hindi ito ang tipo ng babae na marunong umintindi. Maiksi ang pasensiya nito at mabilis sumuko. Ilang buwan na ang nakalipas nang hiniwalayan siya nito through phone call, gusto niya sanang umuwi ng Pilipinas nang time na iyon pero hindi puwede dahil may importante siyang inaasikaso para sa kaniyang business sa Pilipinas, ang RH Corp. Red Wyatt is a type of a person na gagawin ang lahat para sa taong mahal niya. He's always busy at work kaya natatakot talaga siya na baka isang araw ay maghanap ng ibang lalaki ang kaniyang pinakamamahal na babaeng si Shantal. Napasinghap siya nang may kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. "Come in!" pakli niya. Nginitian siya ng kaniyang Mommy pero tiningnan niya lamang ito na parang wala siyang pakialam. Hindi niya talaga kasi kayang maitago at makontrol ang kaniyang nararamdaman. Kapag nasasaktan siya, ay talagang nasasaktan siya. Umupo ito sa kaniyang kama, "Hindi ka ba talaga kakain? Baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo." Kanina pa siya nitong kinukulit na kumain pero wala talaga siyang gana. "Mom, I have no appetite. Kaya please, pabayaan ninyo na lang po ako dahil hindi na ako bata, kakain na lang ako kung gusto kong kumain at nagugutom ako," pakli niya rito. "I already told you na hindi ko talaga gusto ang babaeng iyon na maging girlfriend mo, but you didn't listen to me! Kaya tingnan mo ang nangyari, iniwan ka niya. Red, hindi ako sa nangingialam sa 'yo, pero payo ko lamang sa iyo na huwag mo nang balikan ang babaeng iyon. Maghanap ka na lang ng ibang babae na hindi katulad niya na puro party ang alam," sermon nito sa kaniya. "Mom, mabait naman iyong tao at isa pa, naiintindihan ko naman siya kung bakit hiniwalayan niya ako. It's all my fault, Mom," giit niya rito. "Dahil ba wala kang oras sa kaniya? Ang babaw ng dahilan niya, Red. If she truly loves you, dapat iniintindi niya rin ang side mo. Ginagawa mo lang naman ang lahat ng ito para sa future ninyong dalawa pero mas pinaiiral niya pa ang pagkaisip bata niya. Ano bang gusto niyang mangyari? Lagi kang nakabuntot sa kaniya? She's overdoing it!" Napabuntong-hininga ang kaniyang mommy at umiling-iling ito. "Mom, that's enough. I couldn't blame her for breaking up with me, dahil kasalanan ko ang nangyari. Wala akong time sa kaniya kaya siyempre, kahit sino ay magagalit. Oo, sabihin na nating kailangan niya rin akong intindihin, pero paulit-ulit na lang ang nangyayari. Alam ko, dahil sa ginagawa ko ay nahihirapan na siyang sobra. Wala naman siyang ibang hiningi sa 'kin kung hindi ang magkaroon ng time sa kaniya," pahayag niya sa Mommy niya. Sa reaction pa lang ng mukha ng mommy niya ay kita niya nang nagdadalawang-isip pa rin itong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Noon pa man ay talagang kontra na ito sa relasyon nila ni Shantal dahil sa pagkamaarte nito, at parang walang pangarap sa buhay. "Anak, alam kong nahihirapan ka ring sobra dahil sa nangyari sa inyong dalawa. Hindi na ako kokontra sa gusto mong mangyari dahil alam kong sa huli ay talo pa rin ako, lalo na kung mahal mo pa rin talaga siya. Never get too attached to her, kahit na girlfriend mo siya dahil hindi mo alam na baka isang araw ay hindi ka niya lang basta iiwan, kung hindi baka maghanap pa siya ng iba. Remember that she's a woman, may bagay maaring hindi niya mahanap sa iyo. Alam mo naman ang mga babae, mawalan ka lang ng oras, pakiramdam nila ay ipinagpalit na sila sa iba. Bilang iyong ina, gusto kong isipin mo naman ang sarili mo, ang kaligayahan mo. Ayokong nakikita kitang nasasaktan dahil nasasaktan din ako," malungkot na wika ng kaniyang ina. "Mom, thank you. Alam mo, habang tumatagal, I realized na sobrang hirap pala talagang umibig. Araw-araw natatakot ako na baka iwanan ako ng taong mahal ko dahil nga sa busy ako pero nangyayari na nga talaga, e." His eyes welled up with tears, pero tumalikod siya sa kaniyang mommy dahil nahihiya siyang makita nitong umiiyak. "Oh, come on, let your tears flow, hmm? Nang sa gano'n gumaan ang pakiramdam mo. Mahal kita, anak— mahal ka namin ng daddy mo kaya narito lang kami palagi sa tabi mo. You've come a long way since you were a child, kaya natutuwa talaga ako. Tumatanda na kami ng daddy kaya gusto naming makita na laging masaya ka. Kung mahal mo talaga si Shantal, bumalik ka na ng Pilipinas, ako na ang bahala sa mga inaasikaso mo rito. Coax her before it's too late. Alam mo naman ang mga babae, sobrang bilis magtampo." Tumawa ito nang bahagya, "Hay naku, naalala ko tuloy ang kabataan ko. Madalas din kaming hindi magkasundo ng daddy pero kapag sinusuyo niya na ako at nakikita ko na ang mga ngiti niya, umiiral ang karupukan ko." Napangiti siya sa kuwento nito. "Mom, thank you po talaga. You're the best mom I have ever known!" Niyakap niya ito nang mahigpit. "Huwag mo nga akong binobola riyan! First time mong sabihin sa 'kin 'yan, e." Nilakihan pa siya nito ng mata. "Ang mga babae talaga, masiyadong pabebe," pakli niya. Napabunghalit siya nang tawa nang lumukot ang noo ng kaniyang mommy, at marahang hinampas siya ng kamay nito. Nginitian niya ito nang nakakaloko. "Binibiro lang po kita, Mom." "'Nak, basta kung ano man ang kahahantungan ng iyong desisyon ay huwag kang mahiyang tawagan kami ng dad mo, kapag kailangan mo ng tulong. Kung hindi magiging maayos ang lahat, marami pang babae riyan. Natitiyak ko, that there's someone na para sa iyo talaga. Ang tagal naman kasing mapana ni Kupido ang puso ng taong para sa iyo, e," wika nito. "Mom, don't worry dahil maaayos lang po ang lahat. Saka, hindi ko na po kailangan ng ibang babae dahil si Shantal na po talaga ang nakalaan para sa 'kin, ramdam na ramdam ko po iyon kahit madalas siyang sumpungin." "Sige, anak, bahala ka. Sana nga talaga. Anyway, kumain ka na, ha? Aalis na muna ako dahil may importante akong gagawin," tugon nito. "Okay, Mom. Thank you po, dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko," pakli niya rito. Nang lumabas na ang mommy niya ay kinuha niyang muli ang kaniyang cellphone para tawagan si Shantal. Nakailang dial muna siya bago sinagot nito ang tawag niya, "Red, huwag mo akong sagarin dahil baka ultimo number mo ay i-block ko pa para lang hindi mo ako matawagan. I've already ended our relationship, ano pa bang gusto mong gawin ko? Masaya na akong wala ka, kaya 'wag mo na akong pakialaman pa! Maghanap ka na lang ng babaeng makakaintindi sa iyo." "Shan, gusto ko lang ipaalam sa iyo na uuwi ako riyan sa Pilipinas," pakli niya, habang sunod-sunod na naman tumulo ang kaniyang luha. Kahit anong sabihin nito ay talagang nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya rito. "Uuwi ka? Para saan pa? Para sa company mo ba?" "No, Babe. Uuwi ako para sa iyo," sagot niya. "Nagpapatawa ka ba, Red? Maglalaan ka nang oras para sa 'kin? Sana noon mo pa ginawa 'yan! Huli na ang lahat, Red, kaya tantanan mo na ako!" galit na bulalas nito sa kaniya. "Hindi pa huli ang lahat, Babe, babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo," wika niya sa kabilang linya. "I've heard that from you many times. Do you think, I'll still believe you?" "Bahala ka kung hindi mo na ako paniwalaan basta ako, mahal pa rin kita kaya gagawin ko ang lahat para sa iyo. Pero may isang tanong lang ako sa iyo, Shan... Mahal mo pa ba ako?" "Hay, naku. Bakit mo pa itatanong ang bagay na 'yan? Kapag sinabi ko bang hindi na kita mahal, hindi mo na ba ako susuyuin?" "Gusto ko lang malaman ang sagot mo pero hindi pa rin kita susukuan. Mahal kita, Shan, sobrang mahal na mahal kita," emosyonal na pakli niya rito. Narinig niyang huminga lamang ito nang malalim. Bigla nitong pinutol ang tawag na wala man lang pasabi. Napahagulhol na lamang siya, at muling itinapon ang cellphone niya sa kama niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook