SERGIO Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko habang palapit ako sa libingan ni Katherine. Nagpasama ako kay Marla dahil alam kong siya lamang ang nakaka-alam kung saan ko matatagpuang ang libingan niya. “Sir, okay lang po ba kayo?” Tumango ako sa kanya bilang pagsagot. Nang sabihin ni Karina sa akin ang lahat. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nagtatalo ang isip at puso ko kung paniniwalaan ko ba siya. Ngunit nandito na ako sa sementeryo, at kailangan kong harapin ang katotohanan. “K-kath—” Halos ayaw bumuka ng mga labi ko. Hindi ko masambit ang pangalan niya. Yumuko ako at nakita ko ang nakasulat sa lapida. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Kung bangungot lang ang lahat ng ito ay gusto ko nang magising. Papaniwalain ang sarili na si Katherine ang nakasama ko nitong nakar

