KARINA “Salamat Ash, sa lahat ng tulong mo.” Wika ko sa kanya dahil dinala niya ako dito sa apartment niya. Malawak naman dito at siya lamang ang nakatira. May dalawang kuwarto din ito. “Ano ka ba? Wala yun. Ginawa ko lang ang trabaho ko. At isa pa sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo.” Sincere na sagot niya sa akin. Kakalabas ko lang din ng hospital at derecho na kami dito pagkatapos kong makalaya dahil napatunayan na wala akong kasalanan. Pero hindi kami kumbinsido sa naging resulta ng imbistigasyon kaya nang sabihin sa akin ni Ash na dito muna ako pansamantala habang hindi pa namin napapatunayan kung sino talaga ang mastermind ay pumayag na ako nang sa ganun magkaroon kami ng maayos na pag-uusap at para na din sa kaligtasan ko. “Karina, magpahinga ka muna okay? Lalabas lang

