Mga Yugto sa buhay ni Mae
Panimula;
Si Mae ay isang batang ulila 4 na taong gulang siya mula nu'ng
umalis ang kanyang inay upang puntahan ang asawa nito.
Dahil na rin sa mga tsismis na kumakalat sa brgy nila na baka raw
nakahanap na ng iba ang tatay ni Mae ay agad naman itong pinaniniwalaan
ng kanyang inay. Dali daling nag impake ang inay ni Mae ng kanyang mga
gamit upang lumuwas ng Maynila upang puntahan doon ang kanyang mister.
Hindi man lamang naisip ng kanyang ina na May mga anak siyang
mas nangangailangan sa kanya nangangailangan ng kanyang pagmamahal
Biyernes ang araw na iyon ng umalis a ng inay ni Mae.Iyak ng iyak si Mae nun.
Ayaw sana pumayag ni Mae na umalis ang ina niya àt gusto sana nitong sumama
sa ina subalit ayaw naman siyang isama ng kanyang ina. Nakaalis na ang ina ni Mae
Iyak pa rin ng iyak si Mae habang nasa gilid ng kalsada.Mag isa na lang si Mae
sa kalsadang pinag iwanan sa kanya. Nasaktan ang bata sino ba namang bata ang
hindi iiyak kapag iniwanan na siya ng kanyang ina. Ang nanay ni Mae ay isang mahina at duwag na ina.Hindi ko rin lang naman mawari ang kanyang pinagdaanan kaya't gayun na
Lamang at basta basta na lamang iniwan ang kanyang mga anak. Si Mae ay pang anim sa
Kanilang magkakapatid.
Umuwi na si Mae sa bahay ng tiya Flor nya, gabi na iyon. Umiiyak pa rin si Mae hindi niya
lubos maisip kung bakit iniwan siya ng kanyang ina.
Kabanata 1
Ang pag aaral ni Mae sa elementarya
Mula nu'ng iwanan si Mae at ng kanyang mga kapatid ng kanilang sariling ina ay tumatak na sa isip nitong mabuhay ng walang ina at hindi na hanapin pa sapagkat hindi rin naman niya alam kung ito ay babalik pa. Pinag aral si Mae ng kanyang tiyahin.Ito ang gumastos sa kanyang pag aaral. Lumaking matalinong bata si Mae sapagkat isa siyang Maka Diyos na bata. Hindi man sya nangunguna sa klase nung siya'y elementarya ay parati naman siyang
napapasok sa honor roll o listahan ng banggit sa kanyang paaralan.
Isang gabi dumating ang tiyahin ni Mae mula palengke May dala itong mga pinamiling
tsokolate,isda ,mga gulay,sabon pangligo at sabon panglaba Binigyan si Mae ng tsokolate
ng kanyang tiyahin, tinawag pa nga itong tsokolate ni Rizal ng tiyahin niya. Sinabi rin ng kanyang tiyahin na wag bigyan sila lovely at kasamahan nila sa bahay dahil para lang daw ito sa kanya. Ito ang sabi ni Mae ayokong kumain ng tsokolate baka masira ngipin ko. Nung gabing yon May kakaibang nararamdaman si Mae sa tiyahin niya.
Nung kinain na ni Mae ang tatlong piraso ng tsokolate ay bigla itong inantok at tuluyang nakatulog.
Hindi na nagawang magsipilyo ni Mae sapagkat ito ay nakatulog. Kinaumagahan ay nagtaka si Mae kung bakit bigla na lamang nagdurugo ang kanyang mga gilagid.
Hindi mawari ni Mae kung ano yun ang sabi ng tiyahin nya paggising nya ay purea daw iyon dahil daw hindi
makatiis ang mga ngipin ni Mae sa mga matatamis kaya raw dumugo ang gilagid nito. Nagbubulungàn sila lovely at ang kanyang mga kasama sa bahay ang sabi nila
mangkukulam daw ang tiyahin ni Mae .
Parang naririnig ng tiyahin ni Mae ang kanilang Bulungan dahil bigla itong napasigaw. Anong sabi niyo? Sabi ng tiyahin ni Mae May pureya ang batang yan. Bigla naman silang natahimik.
Gumabi na naman sinabihan si Mae ng tiyahin nyang humarap sa salamin. Sabi ni Mae bakit.Sabi ng tiyahin nya doon ka magsipilyo ng ngipin sa harap ng salamin ng makita mo ang mga sira mong ngipin. Sabi ni Mae ayoko , dito lang ako sa kusina.
Umaga na at ginising si Mae ng tiyahin niya. Ang buong akala ni Mae ay mamahalin sya ng kanyang tiyahin subalit hindi pala. Pumasok na si Mae sa paaralan. Paghinto ng traysikel sa tapat ng paaralan ni Mae ay May nakita syang nagbibinata ng mangga. Naglalaway si Mae at dahil di nya mapigilan ang kagustuhan ng pagkain ng mangga ay bumili ito. Pinalagyan ito ni Mae kay manang ng asin at bagoong
Nang natapos kumain ni Mae ng mangga ay pumasok na ito sa loob ng silid ng kanyang
paaralan pinapasukan. Umupo si Mae pinakaunang asignatura ni Mae sa umaga ay ang ingles. Matalino si Mae sa klase agad syang nakakasagot sa mga tanong ng kanyang mga guro at nakapagbibigay ng tamang sagot.
Mahal si Mae ng kanyang mga guro dahil sa alam nila ang kanyang kalagayan sa buhay
Alam ng kanyang mga guro na isang estudyanteng nagtatrabaho sa kanyang sariling tiyahin si Mae.
Hapon na iyon at umuwi na si Mae sa bahay ng tiyahin niya.
Nagluto ang kanyang tiyahin ng kanin at ulam. At niyaya na silang maghapunan.
Kainan na tayo, anya.
Pagkatapos nyong kumain ay magsipilyo kayo ng inyong mga ngipin upang hindi ito masira
Sabi ni Mae at ng kanyang mga pinsan oo
Kabanata 2
Nasira ni Mae ang lalagyan ng tape ng kanyang tiyahin na naglalaman ng mga musikang
Ingles. Nagpatulong kasi si lovely kay Mae sa paglagay ni Mae ng tape sa amplipayer. Lingid
sa kaalaman ni Mae ito ay isa lamang patibong para sa kanya upang si Mae ay
mapagalitan ng kanyang tiyahin. Habang inuutusan ni lovely si Mae na ilagay ang tape at
ang pag utos nya ay ganito oo yan pindutin mo subalit nagkamali ng pindot si Mae
Isasara na sana ang tape case kaya lang nagkamali ng pindot si Mae
Natakot ang dalawa dahil alam nilang magagalit iyon dahil nandoon ang mga musikang ingles na kanyang paborito.
Dumating na mula sa trabaho ang tiyahin ni Mae at takot ba takot ang dalawa
Ang sabi nila sa isa't isa ano ang gagawin natin? Ang sabi ni Mae ayusin natin.
Nagsumbong si lovely ang sabi niya nasira ni Mae ang tape case nya.
Nagalit ang tiyahin ni Mae at dinuro di Mae ng hintuturo ng kanyang tiyahin. Iyak ng iyak si Mae. Ang sabi ni Mae inutusan ako ni lovely kasi sabi nya sasayaw sya. Ngunit sabi ng tiyahin ni Mae bakit ka pumayag?
Pinagsabihan ng tiyahin ni Mae na wag utusan si Mae sapagkat masama ang mga utisni lovely. At pinagsabihan din syang wag ng lumapit kay lovely. Sabi ng tiyahin ni Mae ako lang
ang susundin mo sa bahay na ito.
Iyak ng iyak si Mae. Sabi ni Mae kay lovely inutusan mo ako. Sabi pa ni lovely akala ko kasi marunong ka magbasa. Ngunit ang dalawang iyong ay biktima lamang ng isang gayuma at
pinagsasabong lamang sila sapagkat lingid sa kanilang kaalaman ang tiyahin ni Mae ay isang nanggagayuma. Alam naman natin na biblical ang mga nanggagayuma
At mga mangkukulam. Kaya't sila ay isang realidad ay makakasama natin sa mundong ito dahil sila'y utusan mga demonyo.
May tindahan ang tiyahin ni Mae . Si Mae ang isa sa mga nagbabantay doon sa tindahan ng tiyahin nya. Biglang nabitawan ni Mae ang bolpen na kanyang hawak at biglang nagalit ang asawa ng tiyahin nya dahil sa nabitawang bolpen. Pinagalitan na naman si Mae. Batid ni Mae na ayaw sa kanya ng asawa nito dahil hindi sya nito kaanu ano at kadugo lamang sya ng tiyahin nya.
Hapon iyon biglang nag utos ang asawa ng tiyahin ng itlog at quick chow. Agad namang sumunod sa utos si Mae. Nakauwi na si Mae sa bahay ng kanyang tiyahin
galing sa tindahan. Bitbit ni Mae ang apat na itlog at quick chow. Biglang May dumating na
Ale sa tapat ng gate. Humihingi ito ng konting pera o bigas. Sinabi ni Mae sa sa asawa ng kanyang tiyahin na May babae sa tapat ng gate.
Kol may tao . Tanong ng asawa ng tiyahin nya sino? Sabi ko di ko kilala humihingi ng munting tulong bigas daw o pera o damit. Tapos biglang nagalit ang asawa ng tiyahin niya ang sabi magkano ba lahat ang pinamili mo. May sukli pa ba o wala? Hindi pa nga ako nakasagot nagalit na sya........