"ANO?! Hindi ka makakapunta sa event ngayon?!" gulat na tanong ko sa bartender na kausap ko sa cellphone. "Pasensya na talaga, Miss Maxene. Bigla kasi akong trinangkaso. Sorry pero hindi ko talaga kayang magtrabaho ngayon." Napa-upo ako sa sofa na sapo ang aking ulo. Ilang oras na lang at magsisimula na ang event. Nakahanda na nga ang lahat nang gagamitin para sa party at ang tanging hinihintay ko na lang ay ang tauhan ko para makabyahe na sila papuntang venue kasama ang driver. Ang dami nitong pinapaliwanag sa akin subalit hindi ko na iyon maintindihan pa dahil sa pressure na nararamdaman. Masyado nang gahol sa oras kaya alam kong mahihirapan na akong makakakuha ng ibang p'wedeng pumalit dito. "Ano pa nga bang magagawa ko? Magpahinga ka na para gumaling ka agad. Marami pa tayong nak

