CHAPTER 64 (SPG)

1957 Words

MABIBIGAT ang aking mga paa nang lumabas ako ng silid. Nang maisara ko ang pintuan ay sumandal ako sa likod niyon. Sa sobrang inis ko sa sarili ay ilang beses kong inuntog ang ulo ko sa pinto. Labis akong nagsisisi sa mga nagawa ko kay Maxene. Gusto ko lang naman siyang makasama dahil nainis ako sa kaniya nang tinakasan niya ako kahapon. Gusto ko lang naman siyang makapiling ng ilang oras pero sa huli ay nasaktan ko lamang siya. Mariin akong napapikit at hinayaang tumulo ang luha sa aking mga mata. Limang taon na simula nang iwanan ako ni Maxene pero bakit hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso ko? May sarili na siyang pamilya at ikakasal na rin ako pero bakit umaasa pa rin akong magkakabalikan kaming dalawa? Hanggang kailan ako mananatiling nakatali sa nakaraan naming dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD