NAGISING ako kinaumagahan nang makaramdam ng gutom. Masakit man ang buo kong katawan dahil sa paulit-ulit naming pagniniig ni Tyrone ay pinilit ko pa ring bumangon. Lumapit ako sa aparador at kumuha ng itim na t-shirt at boxer shorts. Maingat ang bawat kilos ko habang nagbibihis dahil ayokong magising si Tyrone. Lumabas na ako ng silid at nanaog sa hagdan. Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Ate Anna, ang mayordomang nakilala ko kahapon. Hindi ko inaasahan na nakabalik na pala siya ng mansyon. "Good morning, ma'am!" nakangiting bati niya sa akin. Pasimple kong sinuklay ang gulo-gulo kong buhok gamit ang aking mga daliri. Nahihiya akong gumanti ng bati sa kaniya. "Good morning po." "Nakahanda na po ang almusal. Gusto n'yo na bang mag-breakfast?" Hindi agad ako nakatugon dahil hiyang-hiya a

