TYRONE'S POV HINDI na nakabalik pa sa hospital si Senator dela Cruz kaya napilitan akong bantayan si Valeen buong magdamag. Nag-text na lang ako kay Maxene. Sinabi ko na may kailangan lang akong ayusin sa hotel at hindi ko alam kung kailan ako makaka-uwi sa bahay. Kinaumagahan ay nagkamalay na si Valeen. Halatang nagulat siya nang makita ako. "Anong ginagawa mo rito?" "Hindi pa bumabalik ang daddy mo kaya ako muna ang magbabantay sa 'yo. Ang mommy mo naman pauwi na from States." "Tawagan mo si daddy. Gusto ko nang umuwi." Sinunod ko ang gusto niya. Tinawagan ko ang kaniyang ama. Ayon sa senador ay nasa nurse station daw ito at kinakausap ang doktor ni Valeen. "Your dad will be here in a minute." wika ko nang matapos ang tawag. "Kumusta ka na, Valeen? Bakit mo ginawa 'to? Paano kung

