NANG maka-uwi ako sa bahay ay inabutan ko si Athena na nanonood ng t.v. sa sala. Kinuha ko ang remote control at pinatay ang t.v. "Mommy, I'm still watching." nakasimangot nitong reklamo. "Uuwi na tayo sa bahay natin. Sa bahay ka na lang manood." Kumunot ang noo ni Athena. "Hindi na tayo titira rito?" "Hindi na." "Bakit po? Paano si daddy? Sasama ba si daddy?" Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Athena ang mga nangyari. "Saka na ako magpapaliwanag, anak. Basta umalis na tayo rito." Hinawakan ko na siya sa kamay at umakyat na kami ng hagdan. Nang makarating kami sa silid ni Tyrone ay inabutan namin doon si Ate Grace na nag-iimpake ng mga damit namin. Pagsakay ko pa lang sa kotse kanina ay tinext ko na ito para ihanda na ang mga gamit namin. "Biglaan naman ito, Maxene. May

